"Pati ba naman hanggang ngayon uungkatin mo pa rin ang nangyari noong nakaraan dahil lang sa babaeng 'yon? Wala akong kasalanan sa nangyari noon, pero kulang na lang isumpa mo ako. At iyong tungkol kay Deanna, sinabi ko lang naman ang katotohanan habang maaga pa dahil lalabas din lang naman ang katotohanan balang araw. Kapag dumating ang araw na iyon ay mas masasaktan siya at tiyak na mas magagalit ang mga taong nasa paligid niya dahil sa pagsisinungaling at pagpapanggap niya," pahayag ni Amaury. Ngumisi si Claude, "Lagi mong sinasabing wala kang kasalanan pero ikaw ang dahilan kung bakit sila namatay. Kahit lumuhod ka pa sa harapan ko, gano'n pa rin, kinamumuhian pa rin kita. 'Wag na 'wag mo na ring pakikialaman si Deanna." Tumalikod na paalis si Claude para hanapin ang dalaga. Naglak

