Hindi pa siya dinadalaw ng kaniyang antok kaya naisipan niyang magbasa muna ng pocketbook. s**t, ang ganda ng kuwentong ito! Napasinghap siya nang may kumatok sa pinto. "Pasok!" Nagulat siya nang si Amaury ang pumasok. "O, bakit?" tanong niya rito. "Can I sleep here?" tanong nito. Napalunok siya dahil sa tanong nito. Diyos ko, ilayo ninyo ako sa kapahamakan! "Pero... may kuwarto ka rin naman, ah! Bakit dito ka pa matutulog?" Sa tono pa lang ng pananalita niya ay ayaw niya talagang patulugin ito sa kuwarto niya. Napalunok pa siya nang ni-lock nito ang pinto at dire-diretsong tumabi sa kaniya. "Uy, seryosong dito ka talaga matutulog? Tandaan mong nag-aaral pa tayo, Amaury!" Bahagyang tumawa ito, "Bakit? Ano ba ang nasa isip mong gagawin natin ngayong nasa kuwarto mo ako?" Hind

