"Girls, this is gonna be my last day here in school," pakli niya sa mga kaibigan niya. Mas lalong sumama ang reaksyon ng mga mukha nito dahil sa sinabi niya. "Hindi ka na ba talaga papapigil?" malungkot na tanong ni Kendra. "Hindi na, Ken. Buo na ang desisyon kong aalis ako," sagot niya. "Hays, mami-miss ka namin nang sobra," wika ni Suzy, at niyakap siya nito. "Mami-miss ko rin kayong tatlo. Kayo na lang ang bahala sa club, ha? Ipagtanggol ninyo ang mga estudyanteng laging binu-bully," bilin niya sa tatlo. "Hindi ka na talaga babalik? Kahit bumisita man lang dito?" tanong sa kaniya ni Pamela. Umiling siya, "Hindi na, Pam." Maging siya ay sobrang nalulungkot dahil sa pamamaalam niya sa mga ito. Hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. "Ang sama mo naman!" pakli ni Pamela

