"Diyos ko, ano kaya ang pumasok sa isip nila kung bakit kailangan pa nilamg gawin iyan," pakli nito. "Huwag kayong mag-alala, Grandma, makukuha natin si Deanna. Basta, Kuya, kapag natagalan ako roon, tumawag ka na ng police," wika niya sa kaniyang kapatid. "Hijo, mag-iingat ka dahil hindi mapapagkatiwalaan ang mga Daniels," paalala ng matanda. "Yes, Grandma. Pera talaga ang habol nila sa 'tin. Nang magkaroon ng balita sa publiko tungkol sa kasal ng isa sa Ashford brothers ay kumilos na rin sila. Nalaman sa buong school na kaming dalawa ni Deanna ang ikakasal kaya heto ang naging plano nila, ang kidnap-in si Deanna para makahingi sila ng pera," pahayag nito. "Matagal ko nang alam na pera lang ang habol nila sa 'tin kaya nga tumutol ako nang ipinagkasundo kang daddy at mommy mo na ip

