39

1262 Words

"Huwag na natin siyang pansinin. Dumiretso na lang tayo sa dulo," pakli niya sa tatlo. Mabuti na lang nakinig sa kaniya ang mga kaibigan niya. Doon sila naupo sa may bandang dulo ng cafeteria. Nakatingin sa kanila si Claire at kaibigan nitong si Tracy pero wala naman silang pakialam. "O, akala ko ba kakain ka Suzy?," pakli ni Pamela rito. "Tara, sabay na tayo," wika niya kay Suzy. Pagtayo niya ay may isang babaeng lumapit sa kaniya. "Hindi ba, ikaw si Deanna Cervantes?" tanong nito sa kaniya. Hindi niya kilala ang babae pero parang namumukhaan niya iyon, kaya lang hindi niya alam kung saan niya nakita. "Yes, ako nga, bakit?" Walang pasabi ay bigla siya nitong binasagan ng itlog sa ulo. "Hoy, sino ka ba? Bakit bigla mong ginawa 'yan kay Deanna?!" asik ni Pamela. "Oo nga, saka h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD