Pinuntahan ni Claire si Amaury sa loob ng music room. Alam niyang wala itong ibang tinatambayan. "Hi," bungad niya rito. Nginitian niya ito na parang magkabati sila. "What are you doing here?" "'Yan ba talaga ang isasagot mo sa 'kin, hindi ka man lang nag-hi o nag-hello. I'm sorry sa nangyari noong isang araw. Hindi na kita kukulitin basta 'wag mo akong iwasan dahil puwede naman tayong maging magkaibigan, katulad ng dati. Masaya tayo noong time na iyon, hindi ba?" bulalas niya. Imposibleng hindi mo pa ako papansinin, Amaury. Ako na nga itong naglalambing, e. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na layuan mo na ako? I don't want you to be my friend, Claire. Sapat na ang hindi tayo magkibuan," tugon nito. "Are you insane, Amaury? Bakit naman kita lalayuan? Magkababata tayo, we promise

