MISS na ni Darlyn si Eman. May out of the country photoshoot ito kasama ang ilang modelo ng Timeless Modeling Agency. Unfortunately, international team din ang assigned sa hair and make-up kaya hindi nakasama si Darlyn. Bukod doon may malaking kliyente rin kasi sila na kailangan niya asikasuhin. Pero kahit gaano pa siya ka-busy, parang may kulang sa bawat araw niya na wala si Eman. Hindi nakatulong na ni hindi man lang ito nagpapadala ng message sa kaniya. Kapag sinusubukan niya ito tawagan hindi nito sinasagot. Hindi na lang siya nangulit. Pero makalipas ang isang linggo, sa araw na alam niyang uwi nito, tumawag siya uli. Wala na rin kasi silang malaking kliyente mula sa araw na iyon at sa mga susunod pang araw. Kaya nagpunta siya sa pantry sa loob ng Celebrity Trend salon para kontaki
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


