~(CHANEL GABRIEN SAAVEDRA POV) "Mamim, how are you? Did you miss me?" malambing na tanong ng anak ko habang nakahiga na ito sa ibabaw ng kama. I continued to caress his hair. "Of course, I missed you." "I miss you too! So much much much much one million times!" I chuckled. "Mamim, hug please..." Marahan akong humiga sa tabi niya at agad naman siyang yumakap sa akin at sumubsob sa dibdib ko. Hinayaan ko lang siyang mag-kuwento until he fell asleep. Matagal ko rin siyang tinitigan. I was happy na na-enjoy niya ang time niya sa mansion. He told me na lalabas sila ni Kurseiv on weekend and it was fine with me kahit hindi pa kami nakakapag-bonding. He was full of energy nang magising siya kinabuksan. Mukhang na-miss niya ang mga laruan niya kahit pa alam kong marami din siyang laruan s

