~(CHANEL GABRIEN SAAVEDRA POV) Unti-unti kong minulat ang mga mata ko habang unti-unti ko ring nararamdaman ang pagsakit ng ulo ko. Una kong nakita ang unan sa kabilang side at ang space sa tabi ko. I suddenly remember what happened last night. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kurot sa dibdib ko remembering what I asked him. I shouldn't have said that. I shouldn't get disappointed that he didn't stay. I tried not to be emotional at pinigilan ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Hindi na rin ako nagtagal sa ibabaw ng kama at bumangon na rin ako mula roon. I went towards the bathroom, washed my face and brushed my teeth. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin after that. I also never imagined na mapupunta ako sa club and would drink non-stop. Naalala ko lahat ng nangyari kagabi although I

