CHAPTER 7 - Farewell, Goodbye!

3414 Words
Fourth year na ko. Last year na magkakasama kami. Pero wala pa ding boyfriend. Hindi bale, pareho lang kami ni Bella. Pero si Malen, may suitor na, si Anchies nadalaw nga daw sa bahay nika. Si Floren may crush kay Imee pero nafriend zone din. Si Marie, nagbunga din pagpapacute niya kay Lando dahil naging sila na. By the way, nakalimutan kong sabihin na nagtapat nga pala sa kin si Lando. "Puede ba kong manligaw sa'yo?" yun agad ang tanong niya pagtabi niya sa 'kin. Straight to the point. Actually, masayang kausap si Lando. I think magiging mabuting boyfriend siya with his good qualities. Kita naman kasi kung gaano siya kabait na kuya sa kapatod niyang babae. Kung gaano siya kaprotective dito. Kasi nagpunta na kami sa bahay nila sa Paciano. At nakakatawa talaga siya. Malakas ang sense of humor. I must admit na given the chance, may chance na madevelop yung feelings kaso mas maganda na huwag na not to complicate things. Alam naman ng lahat na gusto siya ni Marie. Kaya ang sagot ko sa kanya, "Sira ka ba, gustong gusto ka ni Marie lagot ako dun." "Pero ikaw ang gusto ko." giit niya "Hindi puwede. Baka sabunutan ako nun pag nalama na liligawan mo ko. Ayokong may makaaway dahil lang sa isang lalaki. Siya na lang ang ligawan mo. " yun ang sinabi ko. Nakonsensya naman ako dahil nalungkot siya at umalis na sa tabi ko. Ayoko siyang saktan dahil mabait talaga siya. At hanga ako sa kanya na wala kang maipipintas sa ugali niya at hindi siya babaero tulad ng iba dyan. Pero takot talaga kong makaaway si Marie, dahil mabuti siyang kaibigan pero mukhang matinik na kaaway. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang kay Lando. Kaya kong magparaya para sa kasiyahan ng isang kaibigan. Pero nagulat pa din ako na magsyota na si Lando at Marie. Ganun siya kabait, ang daling kausap na sinunod niya ang sinabi ko. Naalala ko nga pala. Isinayaw pa ko ni Lando ng sweet nung Acquaintance Party, ang swabe niyang humawak. Akala ko wala lang siyang choice na maisayaw, kasi taken na lahat kaya ako ang isinayaw niya nun. Ramdam na ramdam mo yung pagkakalapat ng kamay niya sa baywang mo. Pero gentleman talaga ang dating. Yung pagkatapos ng sayaw, ihahatid ka pa sa may upuan. Talagang mapifeel mo na girl ka kapag siya ang kasama mo. Transferee sila nung third year namin kasama si Eugene. Speaking of Eugene. First time ko siyang nakita, natulala talaga ko sa kanya. Nag slow motion ang paligid. Ang guwapo kasi niya, look alike siya ni Robin Padilla. Ang astig lang tingnan kaso ang pagkakacrush ko sa kanya, saglit lang. Minsan kasing tinanong siya ng teacher at hindi siya nakasagot, na turn off agad ako. At saka, nalaman ko din namang si Tina ang gusto niya. Kaya nawala agad ang crush ko sa kanya. Eh si Ian, ang galing kaya niya. Nagtop siya minsan sa Spelling. Ang galing di ba? Naungusan niya pa kaming mga honors. Ibig sabihin, with brain talaga siya hindi lang siguro nag-aaral. Hindi lang siguro nagseseryoso sa pag-aaral. Inuuna kasi ang panliligaw. Minsan nanghihiram ng notes o libro sa 'kin. Hindi raw niya nadala ang kanya. Eh wala ding dala si Anchies eh sila magkatabi. Mapipilitan tuloy ako makishare kay Sheryl. Naiisip ko nga, ang layo naman na sa akin pa nadayo. Ang dami niyang katabi sa may likuran na puede niyang hiraman. Minsang tinanong ko yun."Eh gusto ko yung sulat mo eh".Minsan pag may sinasauli nga siya, naghahanap ako sa pages baka may isinisingit o isinusulat kaya, wala naman. Nahuli nga niya ko minsan. "Anong hinahanap mo dyan?" nakatingin siya habang iniisa isa ko ang pages ng libro. "Tinitingnan ko baka dito napasingit yung isinulat ko." depensa ko na lang "Wala naman akong nakitang nakaipit dyan" sabi pa niya. "Ah ok" yun na lang ang nasabi ko. Huwag ka na kasing umasa. Hindi ka mahal nun. Pinagagalitan ko ang sarili ko para magising na. "D ba sabi ko ilalakad kita.Teka, kakausapin ko si Eugene" sambit niya nang malaman niya na may crush daw pala ako kay Eugene. D rin ba niya alam, na late na siya. Dahil wala na kong feelings sa tao saka niya nalaman. Pinilit ko siyang pigilan sa pag-alis para puntahan sa likod si Eugene. Tatawa-tawang lumipat at pahabol pang sinabi na "Ako'ng bahala sa'yo". Naku! ang kulit ng bata. Puede bang pakilakad na lang ako sa sarili mo. Haaayyssss!! Kung puede lang sabihin. Paglingon ko ay katabi na nga niya si Eugene. Ang ganda ng smile niya. Imbes na magalit eh naiiling na lang ako sa trip niya. At kumanta pa, rinig na rinig ko. "Itanong mo sa akin kung sinong aking mahal...". Kakainlove ang damuho. Gusto ko rin namang sagutin ng "Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag-ibig mong aking kailangan...". Kinikilig ako bwahahahaha Minsang tahimik lang akong nakaupo sa upuan, tumabi si Karla. Nagtaka ko, kasi hindi usual na makipagkuwentuhan siya sa 'kin unless may kailangan siya. Kaclose ko si Imee na barkada niya. Kaya alam kong may sadya siya, kaya tinanong ko na. "Bakit, may kailangan ka?" tanong ko sa kanya "Wala naman. May gusto lang akong tanungin." sabi niya na nangingiti. "Ano yun?" ani ko "Sino ba si Mr. Priority?" Nagulat ako sa tanong niya. "Bakit gusto mong malaman?" curious ako bakit bigla siyang naging interesado sa lovelife ko. "Para ilalakad kita." simpleng sagot niya. "Ayoko, hindi naman kailangan. Hindi na niya kailangang malaman." sabi ko Pero nagmention na siya ng lahat ng pangalan ng lalaki. At hindi ko namamalayan na nasagot nanpala ko ng "hindi" sa bawat mabanggit niya na pangalan ng classmate namin kasi naamin ko na andito lang sa loob ng classroom kaya ayokong ipaalam. Kaya nang mabanggit niya si Ian " Si Ian ba yun?" deretsong tanong niya. Alam kong hinuhuli niya ko. Pero kahit wala akong tiwala sa kanya. Hindi ko madeny. Hindi ako nakakibo "Huli, siya nga!" napasigaw pa siya. Sinaway ko siya, "Huwag kang maingay." nahihiya sa inaakto niya. "Sabi na eh. Alam mo hanga ako sa qualities mo, gusto ko nga maging ganyan ako. Mahinhin. Saka very transparent. Nakikita sa mukha mo kung ano yung totoong nararamdaman mo. " hindi ko alam kung seryoso siya o binobola lang niya ko para makuha ang tiwala ko. Pero lalong hindi ako makatingin sa kanya, kasi nacorner na niya ko. "Huwag mong sasabihin" pakiusap ko. Ayoko na liligawan lang niya ko dahil nalaman niya na may gusto ko sa kanya. Pilit lang, hindi rin magtatagal pag ganun. Pero hindi ko na siya napigilan ng tumayo at sinabi niyang ilalakad niya 'ko. Gusto ko siyang hablutin para pigilan pero hindi ko na naabutan. Nung paglingon ko, katabi na niya si Ian. Paktay! Gusto ko ng maglaho. Tumingin ako kay Karla na nagsusumamo na huwag niyang sabihin, nailing ako pero nang tumingin ako kay Ian na nakatingin din sa 'kin Tumalikod na ko. Hindi ko kayang makipagtinginan sa kanila. Bahala siya. Idedeny ko na lang pag tinanong ako. Dun naman ako magaling eh, sa pagdedeny. Mula ng araw na yun. Lagi ko na silang nakikitang magkatabi at nagtatawanan. Si Karla ang natabi sa upuan ni Ian sa may bandang likod. Sa harapan kasi ang upuan talaga ni Karla. Feeling ko, ako ang pinagtatawanan nila. Kaya hindi na langbako kumikibo o nalingon sa kanila. I curse Karla for doing that Talagang hindi siya puedeng pagjatiwalaan. At hindi na rin ako nilapitan ni Ian. Inaantay kong tabihan niya 'ko para nga ideny ang sinabi ni Karla pero hindi na dumating ang araw na 'yun. Isang araw, si Karla ang lumapit sa 'kin. Ano na naman ang kailangan niya? "Joni, may sasabihin ako sa'yo" ang amo ng boses ni Karla, parang may hihingin na pabor. "Ano yun?" tanong ko pero ayaw kong tumingin sa kanya. Tingin ko kasi she betrayed me sa paglalabas ng sikreto ko. "Wag kang magagalit." paninigurado niya. "Ok."walang gana kong sagot. " May kasalanan ako sa'yo eh." hindi ako kumibo. Pero nakuwestyon mark ang pagkakatingin ko sa kanya. "Hihingin ko sana sa'yo si Ian, mahal ko na siya eh." parang kilig na kilig pa siya. Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata. "Bakit mo siya hinihingi sa 'kin eh hindi ko naman siya pag-aari?" yun na lang ang naisagot ko kahit nakakasama ng loob. Sabi niya, ilalakad niya ko. Yun pala, ang sarili niya ang nilakad niya kay Ian. Parang it's a prank pero hindi nakakatuwang biro. "Kami na nga eh." dugtong pa ni Karla. Nagpapaalam pa siya eh kinanya na pala. Gusto kong magwala, ang sakit. Parang may tumusok sa dibdib ko. At gumuho ang mundo ko, bagsak talaga. Para kang nahulog, na walang sumambot sa'yo. "Ah ok, congrats!" Sana maging happy kayo, kahit alam ninyong may magdurusa dahil sa inyo, yun ang nasa loob ko. Siyempre, sa sarili ko na lang yun. Dahil wala naman akong karapatan. Ang sakit lang talaga! Last year na to. Wala ng fifth year, kaya there's no chance for us. Ako lang talaga ang umaasa na darating ang right time for us. Lumipas ang buwan. Patuloy ang buhay. Parang naging palakaibigan na ko sa iba. Hindi ko na ikinulong ang sarili ko sa sariling mundo ko. Masarap djn pala makipagkuwentuhan, chika chika there and everywhere. Saka makisali sa naglalaro ng chinese garter. Basta siguraduhin lang na nakashort, at pag sumabit sa garter kakahiya na makita ang panty he he. Dalaga na kasi kami. Si Bella lang ang hindi, hindi pa daw siya nagkakaroon. Late bloomer ata ang bff kong yun. Masyado ding masikreto, ayaw sabihin kung sinong crush.Habang naglalaro kami sa loob ng classroom sa bandang likod ng chinese garter. Napansin ko na nanonood si Ian... nakangiti, ano ba to? Nakakaasar ang tawa niya ah. Baka namboboso lang to kaya nakatanod sa aming naglalaro, nakoconscious tuloy ako. Lagi tuloy akong talo at hindi ko matira pag mataas na. At nahihiya nga akong lumipad ang palda. Conservative nga di ba? Pinagalitan na nga si Ian ng ka-team mates ko na si Marie eh. "Ian, lumayas layas ka nga dyan, at hindi maitodo ni Joni ang pagtira. Hindi makatalon ng ayos eh naiilang sa'yo. O kung ayaw mong umalis, pumikit ka na lang." Tatawa-taqang umalis na lang. Buti naman, dahil natatalo na talaga kami. Dumalaw pa nga sa bahay ang grupo ng Crazy Lovers. Nilabas ko sila na nakapambahay ako at nakapajama pa ko. "Joni, may bisita ka nasa gate. Labasin mo. " sabi ni ate sabay tapik sa 'kin. Nakahiga pa ko nun, habang busy sa pagbabasa ng pocketbook. Hindi pa nga ako nakakasuklay nun. "Sino yun, te?" nakasimangot ako, kasi naistorbo ko sa ginagawa ko. Saka wala naman akong ineexpect na pupunta. "Puntahan mo na dun. Madami sila" sansala ni ate. "Huh?" sabay bangon at kamot. Sinuklay ko lang ang buhok ko ng kamay at palabas na nang pigilan ako ni Ate. "Hoy, wag mong sabihing lalabas ka ng ganyan. Hindi ka man lang mag-ayos" sabi ni ate na tiningnan pa ko mula ulo hanggang paa. "Hayaan mo na. Papaalisin ko din naman. " nabubuwisit talaga ko. Ayoko kasi ng napunta na hindi nagpapasabi. Pagkakita ko sa gate. Ala! Ang dami nila. Buong grupo ng Crazy Lovers. Kulang lang ng dalawa, wala si Kent at Fermin. Pero present sina Chris, Lino, Floren, Ervin at Andy. "Anong ginagawa ninyo dito?" paasik na bungad ko sa mga taong ito na nasa gate. Alas diyes ng umaga. Tanghaling tapat kung dumalaw, ano sila intsik? "Wala lang, namamasyal" sabi ng isa. "Nagkamali kayo ng pinuntahan. Hindi to park." sabi ko sa kanila Tatawa-tawa lang si Ervin. Pero sumunod na sila pagpasok pero hanggang terrace lang. Ayaw ko silang papasukan sa loob ng bahay. At balak ko rin naman silang itaboy agad. Maganda na yung part na binabasa ko sa pocketbook at gusto ko na ituloy ang pagbabasa. " Nakakaistorbo ba kami? " tanong ni Chris "Ay, oo tingin ko. Sino bang pasimuno nito?" paasar kong sabi. Walang gustong magsalita. Nagtitinginan lang sila. At pinabaling baling ako sa isa sa kanila. "Andito na rin lang kami sa Pulo eh kaya nagkayakagan dito sa inyo" sabi ni Lino "Eh sino ngang nakaisip na pumunta dito sa amin at kukutusan ko. " pinaiinit nila ang ulo ko. " Bagong gising ka ba?" ani Ervin. Iniisip ba nila na bagong gising ako kasi nakapajama pa at g**o g**o ang buhok. Wala naman akong pakialam sa iisipin nila. Wala akong planong patagalin pa ang pag-uusap. "Hindi naman. Nagbabasa nga ako." sansala ko. "Ang init kasi ng ulo mo eh." sabi ni Ervin. "Nakakaistorbo kasi kayo. Sa iba na lang kayo pumunta. Marami namang taga Pulo dyan, sila ang istorbohin nyo" Tumayo na ko para paalisin sila. At binuksan ko na ang gate para makahalata sila na pinapaalis ko na sila. "Ang daya naman neto, hindi man lang kami pinakain" sabi ni Floren, ang classmate ko na pinakamalusog sa lahat. Kaya pag nagdikit kami tulad nung Junior Prom dahil kami ang partner. Para daw kaming number 10. Ako ang one at siya ang zero. "Naku! walang pagkain dito. Tingin ko sa inyo madaming pagkain." biro ko kay Floren. Tawanan naman sila. At tuluyan ko na silang pinalabas. Yung sandali na andun sila sa bahay eh hindi pa nakaligtas sa paningin ni Papa. Pinagalitan ako kinagabihan pag-uwi niya at bakit daw ako nag-eentertain ng mga lalaki sa bahay. Sabi ko na lang ay napadaan lang at may kinuha lang sa akin na kailangan sa school project. Haaayyyss, ang strict talaga ni Papa. Pano ko magkakaboyfriend niyan? Malapit na ang graduation. Pero may exam pa. Final exam, mauuna kamjng mga honors. Doon gaganapin sa library kasama ang iba pang honors sa ibang year ng elem at high school. 3 days yun. Nung last day, may nangyari na hindi ko makakalimutan. Para siyang nightmare na ayoko ng alalahanin. Magkatapat kasi kami ni Karla ng puwesto. "Joni, magpalit tayo. Akin na ang papel mo, sasagutan ko. Tapos, sagutan mo ang papel ko. "suhestyon ni Karla dahil wala na kami parehong maisagot at napansin niya na may mga patlang sa exam ko at ganin din sa kanya. "Ayoko. Baka mahuli tayo." bulong ko. Takot din ako dahil may katabi kami na ibang year na puedeng magsumbong kahit wala ang bantay na teacher nung sandaling yun. "Hindi, akong bahala." sabay hila ng papel ko at abot ng papel niya. Hindi ko na nagawang ibalik ang papel niya kahit ayokong gawin ang sinasabi niya dahil bumalik na ang bantay namin. At nakita ko na sinagutan niya ang mga blangko na wala kong sagot kaya sinagutan ko na din ang wala niyang sagot. At narinig namin na pinapapasa na ng teacher ang lahat ng examination paper. Akala ko okay na. Pero may nagsumbong sa lower grade na kasama namin sa room dahil pinatawag kami sa Principal's office. Andun ang principal na si Mrs. Malugod, adviser namin na si Mrs. Bambi at si Bro. Romy. Nahihiya ako kay Bro. kasi parang nasira ko ang tiwala niya. Na yung kaisa-isang tao na naniniwala sa kakayahan ko, biglang magbabago ang pagtingin sa 'kin. Pagpunta ko sa principal's office ay andun na si Karla nakaupo sa kanang bahagi. Kaya dun ako umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya. Ang principal ay nakaupo paharap sa amin samantalang si Mrs. Bambi at Bro. Romy ay nakatayo sa tagiliran, sa likuran ni Karla. Kaya nakayuko ako dahil hiyang-hiya ako sa pangyayari. Ayokong makita ang disappointment sa mga mata ni Bro. Romy. "Siguro ay alam nyo na kung bakit namin kayo pinatawag?" simulang pahayag ng principal. Tanging tango lang ang ginawa namin. "Alam nyo ba na sa ginawa njnyong yan ay puwede kayong matanggal sa honor?" dugtong pa ni Mrs. Malugod. Nakayuko lang ako. Pero napaiyak na 'ko. "Sino ang nag-initiate ng cheating na yan, na magpalitan kayo ng papel. Sinong nagpasimuno? sunod sunod na tanong ng principal. Tapos may narinig ako na may nagsabing, "Mas mataas ang ranking sa honor ni Karla, kaya siguro ay si Joni ang umuna at nagsuggeat na magpalitan sila." Kung si Mrs. Bambi yun ay hindi ko tiyak, ayoko na ding malaman. Pero ang sakit na husgahan ka. Bakit hindi nila tanungin kung sino ang nagsumbong para malaman nila ang tunay na nangyari. Sana naman ay kinumpleto na ng nagsumbong ang detalye, para hindi na ko kailangang magsalita. Paano ko sasabihing si Karla ang nanguna. Para maabsuwelto ako, at siya ang parusahan. Maaatim ko ba yun? Siyempre, hindi. Kahit na hindi kami close na magkaibigan, hindi magagawang manlaglag ng iba para ako maligtas. Kaya nang pinipilit nila akong pagsalitain ay napahagulhol na ko ng tuluyan na kanina ay hikbi lang. "Gusto nyo bang ipatawag namin ang mga magulang nyo kung hindi kayo aamin kung sino ang nagpasimula." pananakot pa ni Mrs. Malugod. Dahil dun, iyak na ko ng iyak at hindi na ko nakapagsalita. Si Karla ang nagsasalita pero wala na kong maintindihan sa sinasabi niya. Lumabas na ko at tumakbo papunta sa CR habang iyak ng iyak. Andun sina Malen, Bella, Sheryl at Marie para aluhin ako. At sinabi ko sa kanila ang tunay na nangyari. Sinabi nga nila kung bakit hindi ako nagsalita para sabihin ang totoo para hindi ako madiin. Pero hindi ko din naman kayang ilaglag si Karla para sagipin ang sarili. Pero ako naman ang mapapahamak sabi nila kung hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko. Sa akin ay bahala na silang alamin ang totoo. Ang daming tao sa library. Bakit hindi sila ang tanungin para malaman nila ang totoo "Wag na wag ka ng magtitiwala kay Karla. Ahas na nga, cheater pa" sabi ni Bella habang hinihimas ang likod ko para kumalma. Hindi nagsorry sa 'kin si Karla kahit magkita o magkasalubong kami. Hinayaan ko na lang. Si Imee ay nagpakita rin sa akin ng simpatya pero kaibigan din niya si Karla, kaya wala daw siyang papanigan. Basta daw yung katotohanan ang manaig. Wish ko lang na hindi totohanin ng principal ang banta na tanggalin kami sa honor. Graduation na. I thank God talaga kasi honor pa din ako. Inexplain naman ni Bro. Romy kung bakit achiever's awardee ang nakuha ko, equal din daw yun sa third honor. Kasi hanggang second honor lang daw kasi 40 lamang kami sa klase. Ipinaglaban at pinagsumikapan ko din ang natanggap ko. Si ate ng gumraduate ng 4th year ay pang 4th rank. At ako ay nakuha ang 3rd rank. Nung elem kasi laging 2nd rank si ate, at ako ay 3rd rank. At nakikita kong proud si Papa sa achievement ni Ate kasi siya ang naattend. Samantalang sa akin busy siya at laging si Mama na lang ang pinapaattend. At katulad ngayon, si Mama lang ang andito. Wala si Papa. Kapag kay ate, may time siya para umattend. Kaya si Mama ang kasama ko sa paglakad ng graduation rites. At nang binanggit na ang pangalan ko para ibigay ang "Achiever's awardee", naiiyak ako kasi si Bro. Romy ang nagsasalita. Parang proud na proud siya for me. At nagtataka ko bakit hindi pa natayo si Mama, at nakalingon sa likod. Yun pala dumating si Papa, nasa gate pa lang at palakad papunta sa stage. Ang drama ng eksena. Parang slow motion ang paligid. Sobrang na-appreciate ko ang pagdating ni Papa. Napakasaya ko na pinansin niya ang graduation ko. Hindi ko alam kung sinong nagkumbinsi sa kanya na pumunta pero pasasalamatan ko ang taong yun kung sino man siya. At pagkababa namin. Nagcongratulate sa kanya ang tatay ni Karla. Naging close agad sila. Akala mo ay matagal ng magkakilala. Siguro, dahil meron silang one thing in common. Ang pagiging strict sa anak. Kaya bago matapos ang graduation ceremony, inexplain ni Bro. Romy ang gaganaping graduation ball swimming sa gabi after ng ceremony na ito ay walang kinalaman ang school. Kaya naman, tinanong ni Papa ang tatay ni Karla. "Pasasamahin mo ba ang anak mo" ani Papa "Naku! hindi. Ganyan at walang kinalaman ang school. Pag may nangyari sa mga bata, hindi nila pananagutan" litanya pa ng tatay ni Karla. Bumaling naman si Papa sa magulang ni Bella na andun. "Ako, hindi rin. Mahirap na. Walang teacher na magbabantay sa kanila. Kagagradiate pa naman, delikado pag ganun. Isasama na namin pag-uwi si Bella" ani Nanay ni Bella kay Papa. Kaya nakapagdesisyon si Papa na hindi rin ako pasasamahin. Dahil bakit nga ba daw gabi ang night swimming? Marami daw nangyayaring milagro pag gabi, kaya hindi pupuwede. Sila na ang nag-usap usap, kakainis lang. Hindi man lang kami tanungin para makapagdecide o magbigay ng opinyon lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD