Masayang nagse-celebrate sina Alec kasama ang mga katrabaho nito. Pinili ng amo nila na mag-celebrate sa club to have a victory party and to have a good time, kapalit ng pagod nila sa pagtatrabaho lalo na this past few weeks dahil sa project nila. Hindi pa gano’n kadami ang naiinom ni Alec pero medyo nahihilo siya dahil sa ilaw na patay sindi at iba-iba ang kulay. Hindi pa naman siya mahilig uminom kaya madali lang siyang tamaan ng alak. “Shot ka pa, Alec,” sabi ng kasama niya sa kanya saka binigyan siya ng alak. “Magbabanyo lang ako,” paalam niya dito saka tumayo. Pumunta siya sa banyo para maghilamos para kahit papaano ay mabawasan ang kalasingan niya. Nagpupunas na siya ng kamay gamit ang tissue paper. Kinuha niya ang cellphone niya para tingnan ang oras at kung nag-text ba ulit si A

