“Nasaan ka ngayon?” tanong kaagad ni Andy nang masagot ni Alec ang tawag ng asawa. “Papunta ako kina mommy ngayon. Tiwagan niya kasi ako kanina at pinapapunta ako sa bahay dahil may importante daw siyang sasabihin. Babe?” tawag niya dito nang hindi ito sumagot sa kabilang linya. “I’m sorry kung ngayon ko lang nasabi sa ‘yo kasi katatawag lang sa akin kanina ni mommy. Biglaan, eh.” “Ayos lang. Mommy mo naman ‘yan, eh.” Nagtataka siya dahil may kakaiba sa boses nito pero hindi na lang siya nagtanong. “Sasabay ba tayong kakain ng dinner? Magluluto ako.” “Hindi na siguro. Baka doon na ako kina mommy kakain.” “Ow, okay. Ingat ka na lang sa byahe.” “I will, Babe. Tatawagan na lang kita mamaya kapag pauwi na ako.” Ibaba na sana niya ang tawag nang banggitin nito ang pangalan niya. “Ano ‘yon?

