Nanlaki ang mga mata ni Andy nang makitang ilang bags ang nasa harap niya. Lahat kasi ng pinili ni Uno na mga damit na size niya ay binili nito. Wala itong pakialam kung marami na ang nabili nito o kung magkano na ang mababayad nito. “Iyang mga pants at blouse ang susuotin mo sa tuwing papasok ka sa opisina. Don’t wear those,” tiningnan siya nito mulo paa hanggang ulo. “those sexy skirt.” “Ano po ‘yon, Sir Uno?” Medyo hindi niya kasi narinig dahil medyo mahina ang boses nito. “W-Wala. Ayokong sexy ang secretary ko at nababastos.” Napa-ahh na lang siya. Ayon pa din pala ang gentleman na Dodong na nakilala niya, akala niya kasi ay nawala na at napalitan na ng masungit na Uno. Bigla siyang napatingin ulit dito nang may ma-realize. “T-Teka, akin lahat ‘to?” Turo niya sa iilang mga bags na

