“Wow!” Nahihiyang nagbaba ng tingin si Mandie nang makita niya ang paghanga sa mga mata ni Taru habang pinagmamasdan siya nito. Namumula ang mga pisngi na bumaba ang mga mata niya sa suot niyang black gown. Simple lang ang design ng gown at ipinatahi pa iyon base sa gusto niyang design at istilo. Anniversary ng kompanyang pag aari ni Taru at ngayong gabi gaganapin ang malaking event na inaabangan ng lahat. Kahit hindi siya sanay na magsuot ng mamahaling damit ay alam niya na bumagay iyon sa kaniya. Kahit ang make up artist na beki ay humanga sa kaniya kanina pagkatapos siya nitong ayusan. Mas lalo daw kasing lumutang ang ganda niya at nagmukha siyang Hollywood actress. Napahawak siya sa handrail ng hagdan dahil sa biglang pagkirot ng isang paa niya. Hindi siya sanay magsuot ng high he

