Lumabas na kami sa veranda na iyon para puntahan na sila Mommy at Daddy sa kanilang lamesa. Napansin ni Peter na pagod na nga ako dahil paulit-ulit niya akong binubulungan ng... "Wait a little bit, Sariyah. We can go home now." Hindi ako nagsasalita at sumunod na lang sa kanya. May mga bodyguards na sumusunod sa amin, pinapalayo ang gustong makipag-usap sa amin at sinabi ng mga ito na kailangan ko ng magpahinga. Kahit ayaw kong isipin ng mga bisita na unfair ako sa kanila dahil hindi ko sila in-entertain. Imbes na para sa amin ang event na ito, it turns out kami pa ang mauunang uuwi. Wala akong magawa, hindi rin ako makapag-isip ng tama. Wala ako sa huwisyo para makipag-usap sa kanila. Puno ng negatibo ang isipan ko. I don't want to give them the bad aura. Mas mabuting umiwas sa ma

