Bumalik na kami sa bahay pagkatapos nun. Maagang nagising si Peter para sa breakfast namin. Siya na ang nagluto at sabay kaming kumain. Habang nasa hapag may sinabi siya sa akin na nagpapatigil sa akin. "You'll be working in my office today. You're still my acting CEO in my Company. Ako na rin ang magtuturo sa'yo sa mga gagawin habang naghahanap pa ako ng bago mong secretary." Natigil talaga ako sa pagnguya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi inaasahan na binigyan niya ako ng pabor na makabalik ulit sa office. "Really? Magtatrabaho na ulit ako?" "Yeah... I know you are bored here. You've been locked up for how many days in your room. I want to give you freedom again. You are free to go out if you want." Dahil sa saya ko na patayo ako sa kinauupan at agad ko siyang nilapitan k

