Mas lalo na akong naguluhan sa dapat kong gawin. Masiyadong in-okopado ni Aldwin ang isipan ko habang nagmamaneho ng kotse. Hanggang ngayon lutang pa rin ako sa mga pinagsasabi niya na mamatay tao si Peter? Na isa siyang masamang tao. It's hard to trust him. Para akong gulay nanalanta sa mga narinig ko. Ang hirap maniwala lalo na't si Peter na ang usapan. Hindi ko matanggap na pinag-isipan ko na siya ng masama para sa magiging anak naming dalawa. Ngunit sa kabila ng negatibong isipan. Gusto ko pa rin kombinsihin ang sarili na hindi siya masamang tao. Hangga't hindi ako gumagawa ng hakbang na ikakagalit niya. I will still love him and trust him fully. Aldwin was just brainwashing my mind so that he can get me. Peter already prove his self that he's inlove with me. Pinuno niya ako ng

