"Huwag mong gawan ng masamang kuwento si Peter sa akin. Hindi ako maniniwala sa'yo. Alam kong gusto mo siyang siraan para bumalik ako sa'yo. You already provoke me, right? Kinalat niyong dalawa ni Moanna ang pictures at litrato ko sa event na iyon. Masaya na ako na wala ka na sa lansas ko, Aldwin. Please, go! " Tinulak ko ang dibdib niya para makaalis ako sa kanyang harapan ang kaso mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Sinandal niya ako sa kotse at doon inipit niya ang katawan ko sa kanyang katawan para hindi ako makagalaw. "Ano ba!" Pilit akong pumiglas sa pagkakadikit namin dahil konti na lang mahalikan na niya ako. Laking ginhawa ko nang lumagpas ang labi niya papunta sa tenga ko at may binulong siya na nagpapawindag sa akin. "Huwag kang masiyadong magtiwala sa asawa mo. Hindi

