Pinili kung huwag na lang sundan si Aldwin at si Levi. Dahil alam kong naghihintay pa rin sa akin si Peter sa labas at kung makita niya ako na galing sa iyak at masiyadong mesirable magtataka iyon. Pumunta ako sa comfort room ng mga babae. Gusto kong umiyak nang malakas sa mga oras na iyon. Naguguluhan ako sa tamang gawin para hindi matuloy ang binabalak ni Aldwin. Habang inaayos ko ang sarili sa harapan ng salamin. Malalim akong na pa isip sa tamang gawin. Alam ni Levi ang lahat naririnig niya na nakipaghiwalay ako kay Aldwin. Alam niyang balak akong siraan ni Aldwin. Imbes na pigilan niya ito mas gusto niya rin ang binabalak nito. Hindi ko alam kung bakit ganito si Levi sa akin? Wala akong maalala na may mali akong nagawa sa kanya para tratuhin niya ako ng ganito. Pabor rin siya n

