How can be so mean to me? Parang ang dali lang sa kanya na saktan niya ang damdamin ko. Ang dali lang din para sa kanya na pagalitan ako. Is he thinking what I felt? Gusto ko lang naman matuto sa mga gawain pero ayaw niyang gawin ko. And now, ako pa ang nahihiya sa nagawa ko. Natigil ako sa kalagitnaan nang pag-iyak nang may marinig ako sa may veranda na may babaeng panay sigaw sa pangalan ni Peter. Pinahid ko ang luha saka ako mabilis na tumayo. Namumugto pa ang mga mata ko habang sinisilip ang veranda. Sa dalampasigan nakita kong may bangka roon. May isang matanda na familiar sa akin ang naglalakad palapit sa resort. May kasamang itong babae na mas bata sa akin ng kaunti. Sa palagay ko, sumakay sila noong bangka para makarating lang sa Isla na ito. "Kuya Peter! Ang tagal mong

