Wala na ring nagtangkang pumigil sa mag-asawa na umalis. Bumalik na rin sa normal ang lahat nang tumikhim si Peter para kausapin ang isa sa mga investors ng product ko. Busy na ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa habang magka-usap naman kami ni Mommy at ni Ashley pa tungkol sa Mommy ni Moanna na napahiya. "Grabe hindi ko akalain na napaka-over-protective pala ng hubby mo sa'yo. Can you see that? Supalpal ang ingratang matandang iyon!" sabi ni Ashley sabay ikot ng kanyang mata sa kawalan. Kinurot ko ang tagilirin niya para matigil siya. Mabuti na lang mahina lang ang pagkasabi niya nun kaya kami lang ni Mommy ang nakakarinig. "Matagal na akong nagtitimpi sa babaeng iyon. Malakas kasi ang loob niyang insultihin ang anak ko dahil siya ang pinakamalaking shares sa product niya. Pero

