Chapter 59 Series 08: Leighton Achilles Yvanov Matapos ang pag-gawa nang video ni Zourab kung saan si Athena at Bliss ang kinuhanan ay agad inayos ng mga ito ang video na ipapadala kay LAY. Hindi naging madali ang pagkuha sa kanila ng video dahil ayaw ni Athena na sabihin kung anong ipinapasabi ni Zourab sa kaniya kung hindi lang siya tinakot ng nito na sasaktan si Bliss kung hindi niya gagawin ang gusto nito. Kaya ayaw man niyang umiyak at magmakaawa sa video ay wala siyang nagawa dahil ayaw niyang mapahamak si Bliss. Laking pasalamat nalang talaga dahil ng may oras na gusto na siyang saktan ni Zourab ay nangingielam si YoRi sa ginagawa nito, hanggang ngayon ay naguguluhan si Athena kung bakit kasama ng kalaban ni LAY si YoRi pero kahit naguguluhan siya ay pinagpapasalamat niya na narit

