Chapter 55 Series 08: Leighton Achilles Yvanov “Ang daming nangyari, mula ng maaksidente si Achi hindi ako makaalis para makita si Noah, namimiss ko na siya." pahayag na paglalabas ng nararamdaman ni Leigh kay Athena habang nakaupo sila sa isang bench sa garden ng Knight’s mansion. "Ang hirap pala ng ganito, hindi ko 'to nararamdaman kay Theus before yet kay Noah parang hindi ako mapakali oag hindi ko siya makiki--" hindi tinuloy ni Leigh ang sinasabi niya ng mapalingon siya kay Athena na tulala sa kinauupuan nito na parang may malalim na iniisip. Napakunot ang noo ni Leigh habang nakatingin siya kay Athena na malayo ang tingin at tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. “Athena…”tawag ni Leigh kay Athena pero para itong bingi na hindi siya narinig kahit magkatabi lang sila ng pagkaka-up

