BOSES NI OTOR(Nagmamaka-awa Version): Nag-mamaka po ako Please pakisupport naman po ng kwentong inilahok ko sa 20 chapter Challenge ng isang Publishing Persona. Ang pamagat po ng Kwento ay "The Poging Dead" po, wala po siya dito sa watty. Dun po siya matatagpuan sa blog nung Publisher Persona. Need ko po ng support niyo via:
(i) Share the Story via your Google Account (Pag Desktop gamit niyo)
(ii) Share the Story via your f*******: and Twitter Account (Mobile User)
(iii) Then Comment po kayo Evertime mabasa niyo yung Update.
Plese po nagmamaka-awa po ako pag natapos ko po kase yung 20 Chap nung kwento ito po ang maaring maging Premyo:
(i) 500 pesos for the story na natapos, Another 500 pesos pag madami ang share at comment na tototal into 1000. Then another 500 peoso pag nagustuhan ng mga Editor yung Story. (Siguro magbabase sila sa mga reaction ng Commentor's)
(ii) Mapapublish yung Story via eBook at Book.
(iii) Maari rin mapublish ang iba kong Story like SS Series.
KAYA NAMAN PO SANA MATULUNGAN NIYO AKO, PIEM NIYO PO AKO PARA SA DIRECT LINK NUNG MGA CHAPTER at KUNG MAY IBA PA PO KAYONG KATANUNGAN. Maraming Salamat Po!
|GANNY|
Nang sinabi ni kuya na tatawag siya, dahil daw sa isang importanteng sasabihin ay mabilis akong nagpa-alam kay Brenth upang pumunta dun sa gawing likuran nitong bahay na aming tinutuluyan.
Dumaan sa may maraming puno ng saging at lumabas ako dun sa may mababang bangin na nasa baba ay isang kwadradong palayan. Napakaganda ng lugar, napakatahimik at animo'y ako lang ang nasa gawing yun habang nakatingin sa malapit ng dumilim na kalangitan at sa mga ibong nagsisilayagan sa ere.
"Hello"- Pagsagot ko sa tawag na kanina pang naka-standby. "Bat ngayon mo lang sinagot?"- tanong ni Zhabby.
"Ano bang sasabihin mong importante?"- Iritang sagot ko sa aking kuya.
"Umuwi ka na"
Bigla akong napahinto at nagtataka sa sinabing iyon ng seryosong boses niya. Kilala ko si Zhabby alam ko kung kaylan siya nakikisakay sa kagaguhan ko at kung kaylan siya seryoso.
"Umuwi? Bat mo ako pinapa-uwe?"
"Pinapa-asikaso ko na sa Secretary natin diyan, yung mga papeles mo. Dito ka na mag-aaral sa America"
"Zhabby huwag mo nga akong pinagloloko! Wala ako ngayon sa mood makipaglokohan"
"May sakit si Mama, nasa malubha ang ayos niya ngayon. Gusto ni Mama na makita ang sutil niyang anak at gusto niyang makita ka niya habang nagpapagamot siya. Pati na rin si Papa gusto niyang dito mo na tapusin ang pag-aaral mo ng high school at dito ka na rin mag-aral ng kolehiyo"
"Kaylan pa sila nagkaroon ng paki-alam sa akin? Diba ayaw naman nila sa akin? Kaya dito nalang ako, dadalaw nalang ako paminsan minsan diyan"
"Pakinggan mo nga yang sinasabi mo Ganny! Unawain mo naman ang sitwasyon, paano kung tuluyan ng mawala si Mama anong gagawin mo? Iiyak tapos magsisi ka.. na sana pumunta ka nalang dito at baka natulungan mo pa siyang magkaroon ng pag-asa, matulungan mo siyang gumaling!"
Hindi ko na alam kung anong isasagod. Ang tanging pumapasok sa isipan ko ngayon ay paano na si Krib? Kung lilisan ako sa piling niya? Paano na yung mga pangako namin sa isat-isa?
Ayokong saktan siya..
Pangako ko yun sa Krib ko, sa Prinsesa ng buhay ko.
"Kung maari sana mga konting araw ka nalang diyan.. Uuwe rin ako sa Pilipinas para asikasuhin pa yung iba, Lalo na sa bahay"
"Kaylangan ko ba talagang umalis?"
"Alam kong mahirap sayo na magpalit ng kapaligiran, pero isipin mo.. Magulang mo Ganny ang humihinge ng pabor. Bilang mga anak, layunin natin pagbigyan sila at pasiyahin. May nagawa man silang mali nuon ay, wala parin magbabago.. anak tayo at sila ay magulang natin"- Parang nag-usap yung puso at isip ko, pero lalo lang gumulo ang nararamdaman ko. Paano na? Paano na?!
"Kung gusto mo ako na magsasabi kay Dennis na aa-"- Hindi ko pinatapos ang pagsasalita niya.
"Ako na, ako na bahalang magpa-alam ng meron ako dito sa Pilipinas"
"Ibig ba nitong sabihin?.."
"Sabi mo nga, magulang natin sila. Siguro pagkakataon ko na rin ito para mapalapit kay Mama at Papa"-Habang nagsasalita ako sa linya ay humihingi na ng tawad ang puso ko. Paano ko ito sasabihin ngayon? Ang bilis ng pangyayari? Kung kaylan ayos na ang lahat. Ngayon naman dumating itong isang pagsubok.
"Kaylan ka babalik ng manila? Sana bago mag dalawang araw.."
"Ambilis naman ata, hindi ba pwedeng tapusin ko muna ang pyesta rito?"
"Anong gusto mo matapos ang pyesta riyan o makitang pinagpepyestahan na ng luha ang yong magulang?"- Si kuya, naasar ako sa kanya. Ginagamit niya ang sitwasyon.
"Bigyan mo ako ng limang araw, pangako pagkatapos ng limang araw babalik na akong maynila"
"Sige, nga pala.."- Di ko na naringig ang sasabihin niya ng makaramdam akong may paparating. Lumingon agad ako at nakita ko si Krib. Nakangiti itong papalapit sa akin.
"Sige Zhab.. tawag ka nalang ulit bukas"- Agad kong binaba yung cellphone ko. Napatingin naman ako sa mahal kong lumapit at tumabi sa akin.
Alam kong mauunawaan niya ako, alam kong di matitinag kung anu mang meron kame. Magkalayo man ang aming mundo.
Hindi ako makatulog, paulit-ulit kong naalala ang usapan naming iyon ni kuya Zhabby. Para siyang Energy Drink na hindi ako pinapatulog. Habang nakahiga naman ako ay nakayap ng mahigpit ang aking mahal, parang ayaw niya atang pakawalan yung ImYourMan niya.
Sa puntong yun ay nagsimula ng mag-ingay ang mga tandang, pa-isa isa nung una. Pero halos sabay sabay na ng tumakbo ang oras. Pero madilim pa nuon, mga alas kwatro y medya palang sa aking relo.
Inalis ko ng bahagya yung kamay ni Krib na nakayakap, nakaramdam kase ako ng pagka-ihe sa mga oras na yun. Dahan dahan pero inaalalayan ko na di siya magising at tumuloy-tuloy lang yung tulog niya.
Gumalaw siya ng konti, pero tulog parin naman. Agad naman ako lumabas sa kwarto at nakita ko rin na tulog pa si Kuya Brenth at Kuya Vince ni Dennis. Subalit nagulat naman ako ng makitang bukas na ang ilaw sa may loob, sa labas ng mga kwarto. Dinig ko rin na bukas ang telebisyon sa may sala, ganundin ang ilaw. Pati na rin sa kusina, sa aking harapan mismo ay bukas ang bumbilyang kulay dilaw na may pagka-orange ang ilaw.
Pagkahakbang ko sa kusina ay bumungad sakin ang Lola Carmen ni Dennis na may minamasa na parang harina sa may stainless na pahabang sisidlan. "Gising ka na pala Iho"- sabi ng matanda.
"Magbabanyo lang po sana.."-magalang kong sagot.
"Ganun ba, mag-ingat ka medyo may kadiliman pa diyan"- Ngumiti nalang ako bago tuluyang lumabas. Tanda ko pa naman kung saan ang direksyon papuna sa may banyo, konting lakad lang naman. Iba na daw ito, nabago na daw yung ayos kung saan nakapwesto ang banyo. Kwento yun kanina sa akin ng Krib ko...
Kung anu-anu nalang pinag-uusapan namin kagabi. Malamig pala pag madaling araw sa lugar na ito. Kaya naman di ko na hinanap yung banyo, nakakatakot baka may ahas na biglang tumuklaw sa akin.
Umihi nalang ako sa pwestong kinatatayuan ko.
Ang sarap sa pakiramdam umihi sa probinsya ng ganito, Yung singaw na umaangat galing sa ihi ko ay napaka presko. Basta masarap ang feeling..
Pagkatapos nun ay dali kong inayos yung aking sarili at muling bumalik sa loob. Pagkapasok ko ay tuloy parin sa pag masa si Lola Carmen. "Tulog ka ulit... para mamaya pagkagising niyo ng mga apo ko, kakain kayo nitong ginagawa kong Donut tsaka magluluto rin ako ng mainit na sopas"
"Aaa sige po"
"Luh? Anong matutulog ulit.. di na kame la matutulog noh?"- Nagulat ako ng biglang may nagsalita. Lumapit ito sa akin at umakbay.
"Apo, gising ka na rin pala"- Pagtingin ko ay nakita ko ang nilalang na kumukusot pa ng kanyang mata.
"Opo lola, magjojogging kase kame nito ehh"- Sabay siko niya sa akin ng mahina. Magjojogging? Wala ata akong alam na pinag-usapan naming ganuon.
"Sabagay magandang magpapawis, takbo kayo dun sa pataas na daan.. Yayain niyo kaya ang kuya Breth at Vince mo Dennis"
"Lola wag na.. kame nalang nito"- Agad akong hinatak ni Dennis patakbo, pabalik sa kwarto. Hindi kame nakapag-paalam sa lola niya.
"Ang araw na ito ay satin lang walang eextra"- Naringig kong bulong niya. Napangiti naman ang puso't isip ko. Hindi sa pagkakataong niyaya niya ako para gumawa ng bagay ngayong araw na kame lang. Kundi dahil sa magkakaroon rin pala ng magandang ala-ala ang limang araw na nalalabi ko kanilang Probinsya.
Pero di ko parin maiwasang malungkot...
"____"
|DENNIS|
Hindi na kame nagpalit ng damit, kung ano ginamit namin nung pagtulog ay yun narin ang aming inilabas para magjogging. Mabilis na hilamos lang ang ginawa namin kaya naman agad kameng nagpa-aalam kay Lola at Lolo, naabutan ko nga rin si Kuya Ralph na gising na rin eee kausap niya si Lolo habang nanunuod ng documentary replay new's sa telebisyon.
Di ko na siya pinag-tuunan pa ng pansin, dahil pangako ko sa sarili ko ngayon ay magfofocus na ako kay Krab. Sayang naman ng bakasyon namin dito kung wala kameng maiiwang magagandang ala-ala. Nasa terrace naman yung dalawang aso (Si Avu at Ava), ng dumaan kame ni Krab. Mukhang mabait naman tinitigan lang nila kame hehehehehe..
"Gabe pa kaya.."- Agad na reklamo ng kasama ko habang nagsisimula na kameng maglakad sa daan, na pataas. Up hill na daan yun kaya naman nakakatakot pag bumababa ang sasakyan, kaylangan talaga ng pag-iingat. Balita rin nuon marami naring naaksidente sa nasabing zone.
"Pabayaan mo na.. jogging nalang tayo"- Agad akong tumakbo at nagsimula ng humakbang paakyat sa uphill na daanan. "Hintayin mo ako!"- Mabilis rin ako nitong hinabol.
Nakakahingal yung pag-akyat, kaya naman huminto ako at naupo sa tuktuk ng daan. Habang siya naman ay nakakita kong nakangiti habang mahinang nag jajog. "Ano? Mauna na ako sayo ahh"- Dinaanan lang ako nito. Hala iniwan na ako ni Krab.
Hmmmmmmmmp bahala nga siya, basta ako nagpapahinga ako rito. Di niya naman kabisado tong lugar eee. Pero kaya niya namang diretsuhin lang yung daan. "P agod na ba agad si Krib?"- Hinagkan ako nito sa likuran. "Ang ganda pala dito pag madaling araw noh.. Di rin nakakatakot"- Sabi pa niya.
"Tignan mo yung kabundukan, umaasul na Krab yung bandang kalangitan dun. Tiyak malapit ng umangat si haring araw"
"Tama ka, kaya naman halika ka na.. takbo na tayo"
"Krab pagod na ko.."- Pagiinarte ko, kahit di naman na talaga ako pagod.
"Oh anung gusto mong gawin natin? Tulog nalang ulit tayo dito sa daan"- Sabi niya.
"Ahhh pasanin mo nalang kaya ako"
"Hala, hirap na nga umakyat dito sa daanan niyo ehh"
"Kala ko ba superhero ka? Kala ko ba ikaw si ImYourMan?"
"Ehh wala namang kakaibang superpower si ImYourMan.. ang kaya ko lang gawin mahalin ka magpakaylanman"- Tumabi na siya at niyakap ako.
"Ganun? Diba kung mahal mo ko, kaya mong gawin yung ikakasaya ko"- Nag'inarte ulit ako!
"Ano bang gusto mo Krib? Payat payat ko na nga ohh"- Pagpapakita niya sa katawan niya.
"Eee di hindi na.. tskk"- Sabay tumayo ako at naglakad ng nakasimangot. "Payat payat kase.. di man lang mag gym. Gumaya sa mga kaibigan niya"- Hahahahaha natatawa tuloy ako sa sinasabi ko!
"Di naman ako payatot aaa, sakto lang naman tong katawan ko diba?"- Sinundan niya ako, sabay tanong na parang naiinis na rin. Di ko siya pinansin, lakad lang ako.
"Akala ko ba magjajogging tayo? Bat buhatan ata gusto mo?"-Tanong niya ulit. Di ako sumagot bagkus dirediretso lang ang lakad.
Hanggang sa may nabangga akong tao. Patay, bukod sa amin may tao na sa oras na ito? Pagtingin ko ay nagulat naman ako ng makita siya. Siya lang pala nabangga ko ehhh. Akala ko naman kung sino na.
"Excuse me.."- sabi ko
"Hindi ka ba magsosorry sa akin?"
"May ganun pa ba? Ohh sige na nga.. Sorrry Poooooooo! (Chichay style)"
"Sige pinapatawad na kita.. at dahil diyan" -bigla siyang tumalikod patapat sa akin. Tapos umungko. "Ano pa hinihintay mo? Sumakay ka na para makalarga na tayo"- Ang saya ko, papasanin niya aku hihihihi (^'___'^)
"Salamat.."- ng sumakay na ako sa kanyang likuran. "Anong salamat? May bayad ito noh?"- sabi niya.
"Anong bayad?"- tanong ko naman.
"Hug per second at kiss per meter"- sagot niya.
"Uhmmmuah!"- sabay halik ko sa kanya.
"Uyyy anu yun? Pangunang bayad?"
"Tatadtarin kita ng kiss para di ka maluge sa biyahe hehehhehe"- Tuwang tuwa naman siya at nagsimula na niyang itakbo ako sa daan.
Mga 30 minutes na nun ng buhat buhat parin niya ako, tagaktak na nag pawis niya. Habang ako naman ay enjoy na enjoy sa may likuran niya. "Krab.. ok na, baba mo na ako". Medyo may liwanag na sa kalangitan, huminto kame dun sa may daan kung saan tanaw mo yung kabundukan at ang medyo mabangin nitong ibaba. Pagkababa ko ay agad akong humarap sa kanya.
"Sorry ImYourMan"- sabi ko sabay kuha ng Bimpo na aking dala sa may bulsa. "Para sayo.. ayus na ayus"- sabay akbay niya sa akin at nakatayo naming pinagmamasdan ang magandang tanawin. "Teka, punasan na nga muna kita"- Inilahad niya naman ang kanyang sarili at ito'y aking pinunasan.
"Tignan mo yung mga ibon na lumilipad krib, parang yung mga dinodrawing natin sa papel na pakurbang itim. Ganun ang itsura nila pag lumilipad sa langit na medyo may kadiliman noh?"
"Pati rin yung mga makikinang na bituin Krab ohhh.. kumikindat parin satin. Pero mamaya wala na yan"
"Hinding hindi tutulad diyan ang pagmamahal ko sayo Krib. kahit lumayo man ako ng sobra sayo tulad ng mga bituin. Lagi itong kumikinang at laging magbibigay ng pag-ibig na mas maliwanag pa sa araw"
"Lalayo ka ba?"- biglang naitanong ko sa kanya. Medyo kakaiba kase yung tono ng boses niya.
"Pag naglinya ng ganuon, lalayo na agad? Krib naman ooo nagdadrama lang ako ehhh. Pinagod mo kase ko kakasakay mo ehh"
"Kaya nga salamat diba?"
"Dapat may TIP.. kahit hug with 10 times na kiss to lips"
"Sige na nga! Kahit basang basa ka na sa pawis.."- Hinug ko siya. "Krab ko, alam mo ang gwapo mo pala lalo pag umaga."- sabay tingala siya.
"Yung kiss ko? wag mo na ako bolahin"
"Eto na.. pero smack lang ahh?"- Ngumiti siya. "Muah.. Muah.. Muah.. Muah.. Muah.. Muah.. Muah.. Muah.. Muah.. Muah..------- Uhmmmmmmuahhumm"- Sa pansampung halik ko ay sinibasib nito ang labi ko. Ang chaka mang pagmasdan dun sa daan ng ginagawa namin, pero naging masaya nalang ako HEHEHEHEHEHE..
Pagkatapos tumambay dun sa may magandang tanawin ay naglakad-lakad pa kame saglit. Kaya naman naabutan na kame ni Haring araw ng pauwe na. Pagod na pagod na rin ulit kame.
May mangilan ngilan na ring kabaryo na nagbabaktas. Mga may dalang basket at kung anu anu pang gamit na tiyak dadalhin nila sa bukid o sa kung anu mang taniman. Siyempre di sila mapipigilang mapatingin dito sa kasama kong may bahagharing buhok, nahihiya nga tuloy ako eeee. Pero siya ang saya, Peymus daw X____^
Huminto kame nun sa may gilid at muli nanamang nagpahinga. "Di ko namalayan, ang layo ng nilakad natin"- Bigla kong sabi sa kanya. "Oo nga ee, atleast masaya. Wag ka na magreklamo laki ka dito diba?"
"Laki nga ako dito. Di naman ako sanay sa ganito.."
"Uyy grabe ka, ikaw may ideya ng jogging ahh. Tsaka diba yung kalahati ng paglalakad natin nasa may likuran kita naka-angkas?" - Parang bata siyang nagtatampo sa pagsasalita.
"Ibig ko lang naman sabihin, sana maka-uwe na tayo agad"
"Sige gagawa ng paraan si ImYourMan"- sabay akto na superhero siya! Natawa yung isipan ko, kinilig yung puso ko.
Habang nagpapahinga kame ay bigla siyang napatayo. Napatingin ako bigla sa direkyon kung saan siya nakatingin. Dun kay manong na nakasakay sa kalabaw na may hilang hilang sleigh. Yung sleigh na ginagmit kadalasan pag may hinahakot na mabibigat sa bukid. Para siyang tanga na nagpapara sa matanda. Pinahinto naman nung matanda yung kalabaw. "Anu yun?"
"May Jeep po ba kayong nakita dun sa unahan?"-Tanong niya.
"Aa walang jep ngayon boy.."- Hahahahaha tama si manong walang jeep tuwing martes at miyerkules dahil walang palengke. Pwera nalang kung may ispesyal na service at personal na sasakyan yung tao. Pero kadalasang sasakyan na pumapasda lang dito ayy yung mga jeep na pumupuntang palengke at sa bayan.
"Bakit po?"
"Walang palengke Noy"
"Ganny, walang jeep ngayon.. Wag mo na kulitin si Manong. Sensya na po nong.. makulit lang yung kasama ko"
"Pwede po bang makisakay kame dito.."- Sabay upo siya dun sa pahabang sleigh, like a boss. (>^....^>)
"San ba kayo?"
"Dun sa may pababang daan.."- Ganny
"Sa may baryo"- Ako
"Ahh sige, dun din naman punta ko. Lunad na kamo dun sa likod"- Agad niya akong hinatak! Ooooops.. nabigla ako. Napayakap tuloy ako. Hmmmmmmmmmmmm inakbayan niya ako agad. "Ang saya pala sumakay sa ganito.. ", sabi niya. Sa lubak dumaraan yun kaya naman todo kapit ako, siya naman ay parang wala lang. Nakahiga pa ang loko!
"Uy upo ka.."- Sabay kalabit ko sa kanya. Agad naman siyang bumangon at inakbayan ako, ako naman ay napayakap sa kanya. Wala namang tao sa may part na yun ehhh. Basta pag malapit na sa may people, hiwalay nalang kunwari.
Biglang huminto yung kalabaw..
"Ayyy dine pa nag sudo ineng hayup na ine!"- sabi ng matanda ng biglang tumae ito sa gitna ng kalsada. Hahahahahahaha agad kameng napatayo ni Krab.
Hahahahaha Nakakatawang pagmasdan yung kalabaw habang naglalabas ng malatsokolateng udo hahahahaha! Pagtalikod ko ay bigla akong nagulat sa nakita ko, isang pamilyar na bahay. Bat ganito, bigla akong kinabahan?
"Ano mig upud pa kamo?"
"Uyy Krib, tapos ng pumoop si Carabao.."- Biglang kalabit sa akin ng mahal ko. Bumalik ako sa pag-iisip. Sumunod nalang ako sa kanya na una ng naglakad pabalik. "Buti mataas tong sleigh Krib kaya madadaanan lang yung Cake.."- Shet di parin ako mapakali. Bat patuloy sa pagdating si Kaba?
Naupo na ulit ako, pero napakalalim ng iniisip ko habang umaandar na yung kalabaw. "Krib.. happy birthday"- Naringig kong sabi ng katabi ko. "Ha?"- Nagtatanong yung mukha ko. "Ayun yung cake ohh! Happy Birthday!"- Nagbiro pala siya. Habang tumatawa siya ay napatingin ako dun sa cake este tae ng kalabaw..
At napangiti na ulit ng bahagya. Pero muling nahawi yung paningin ko papunta dun sa may malaking bahay, nagulat ako sa nakita ko! Isang lalaking may bitbit na maliit na itim na balde at tila may mahabang kahoy na nakasukbit sa likuran nito.
The way he look at me ay parang nagulat din siya na medyo may pagka'inis na namutawi sa mukha. Muli siyang pumasok dun sa kahoy na gate, kaya naman nawala na siya sa aking paningin. Di parin ako makapaniwala! Totoo ba ito?
It is Real? Ang nakita ko ba ay si Daryle?
Requirement's Para Sa Next Chap:50 (Comment Individually) at 50 (Votes)