BRENTH's POV
~ FLASHBACK ~
Pagkatapos kong tulungan si William nuon sa mga kaaway niya ay nagpaalam na ako. Iniwan ko siya sa isang Convenient Store, kaylangan ko pang balikan si Kuya Erjuan at Kuya Topher. (A/N: Sa mga hindi nakaka-alala nasa SS II: Chap 17 "Worst Date Ever feat. The EPAL" ang konting detalye ng pag-aaway na yan)
Pagbalik ko sa eskwelahan ay pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng papauwe dahil sa mga munting pasa sa aking mga labi. Tarantadong mga yun! Pasalamat sila at di ko sila tinuluyan. Ngumiti ako ng napakademonyo sa kawalan.
Pagkapasok ko ay agad kong tinungo ang building nila kuya. Wala ng halos mga tao run. Asan sila?
Naglalakad na ako nun sa medyo bakante't tagong parte ng building nang may naringig ako.
"Ano laban kayo sa amin!"
"Ano bang kasalanan ng kapatid ko?!" Boses yun ni Kuya Topher! Agad akong napasilip.
Kitang kita ko ang pagkakalupasaya nila kuya sa lupang bahaging likod ng building habang tapak tapak sila ng Tatlong lalaki. Anong ginagawa niya sa mga kapatid ko?!
Tila nag-init ang Ulo ko! Nagtiim ang bagang ko at parang sinasaniban ako ng demonyo! Bumabalik nanaman.. Tss! Letseng buhay ito.
Pero pinipigilan kong mamuo ang kasamaan sa puso ko.
"Ligawan ba naman ng magaling mong kapatid ang Girlfriend ko!" sabi ng isang lalaki sabay sipa kay kuya Erjuan! Sige ulitin mo pa!
"Hindi ko alam" matapang at matipid na wika ni Kuya Erjuan.
"Hindi alam? Hindi mo alam! Pweee!" Biglang sipa at dura ng lalaking yun sa kuya ko. Hindi ko alam pero bigla akong napatingin sa kung saan at tila naging demonyo ang mukha ko.
"Aghhhh!"
"Tama na! Aghhhh"
NADIDINIG KO ANG BOSES NG MGA KAPATID KO! Yung kilay ko sasabog na sa pagkakadikit!
"Sige kayo na bahala diyan. Gusto ko makitang lumpo na ang mga yan!" Sa aking pagsilip ay agad kong nakita ang mga kapatid kong takot na takot. May hawak na mga baseball bat yung dalawa, habang yung parang pinuno nila ay may balisong na pinapa-ikot ikot pa nito sa kanyang mga kamay. Mga Demonyo sila! Subukan niyo lang lumapit sa mga kapatid ko! Kayo ang ililibing ni Kamatayan!
Agad akong napatingin dun sa isang bakal na kalawangin, triangular ito at tila patulis ang dulo. Subukan niyo lang!
Si Kuya Topher naman at Kuya Uno ay namimilipit sa sakit ng tiyan. Parang pinagtatadyakan ng mga yun ang mga kapatid ko sa sikmura! Mga gago sila!
Susugod na yung dalawa! Dun dumaloy ang pagiging mamatay tao ko. Hindi niyo ako Kilala, nakapatay na ako ng tao at handa ko pang sundan!
Agad akong tumakbo at..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sabay na lumupasay ang dalawa ng paghahampasin ko ng bakal sa ulo! "Araaaaaayy!" sigaw nung isa.
Yung isa naman ay nakita kong parang tulala na't nahihilo. May dugo ng lumalabas sa bibig niya.
"Brenth?!" Di ko pinakinggan ang tawag ni Kuya Erjuan! Agad kong pinaghahampas ulit sa likuran yung dalawa!
"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!" pag-inda nung isa na tila iduduwal na ang mga mata.
"Ikaw? Gusto mo pa? Pili ka Deretsong Sementeryo o Morgue muna?!" Nanlilisik na tingin ko dun sa isa. Pero wala paman akong gin ginagawa ay parang bumagsak na ito sa takot. Duguan, pawisan at namumutla siya!
"Dugo... Sino ka! Araaayyyy gago ka!" Tatayo sana siya!
"Mas gago ka!" sabay sipa ko sa kanyang mukha.
"Brenth ano ba?! Tumigil ka na!" si Kuya Topher na parang papalapit sa akin.
"Aaaaaaaaaaaaaa!! Ahhhggg!" Ungol niya ulit sa sobrang sakit. Wag kang mag-alala dadahan dahanin ko!
"Anong ginagawa mo sa Kanila! Sino ka!" Agad na sulpot naman ng lalaking may balisong. Halata sa mukha niya yung takot. "Akala mo ba natatakot mo—Ugh!" Di ko na siya pinatapos!
Hinampas ko agad siya ng tubo sa kaliwang balikat niya! TUMBA SIYA! "Tang ina mo! Ughhhhhhhhhhhh!! Sino ka?!"
"Ako lang naman ang papatay sayo" Nakangising demonyong sabi ko. Agad kong kinuha yung makinang niyang balisong at pinagmasdan yun. "Walang kwentang patalim" bulong ko sabay muling tingin sa kanya.
"Brenth ano ba? Anong ginagawa mo" Si Kuya Topher sabay akap sa akin. Pero tinulak ko siya ng malakas.
"Wag kang makiki-alam dito!" aniko sabay balik ng tingin sa hudas na lalaki. "Saan masarap itusok? Sa kamay? Sa Paa o Sa puso?"
"Putang Ina mo!" sabay dura sa mukha ko. Napangiwi ako at napatingin sa ibang direksyon. Nakita ko rin ang dalawa kong kapatid na walang magawa. Natatakot ang mata nila.
"Kase ako!" Sabay hawak ko sa pisnge niya ng may pagkadiin. Itinutuk ko yung kutsilyo. "Pag ako nagdesisyun.. Uunahin ko ang mukha mong sasaksakin sunod ang puso mo!"
NAPALUNOK SIYA! SUNOD SUNOD IYON!
(0______O)"
"Nagiging mabait ako sayo ngayon, pinapapili pa kita. Subukan mong ubusin pasensiya ko. Tatarak itong walang kwenta mong balisong sa mukha mo at dibdib mo!"
"Wagg.." Aniya na nagmamaka-awa.
"Sagot!"
"Sa---"
"Ano! Isa.. Dalawa!.. Tat—"
"Sa kamay..." Bigla akong napangiti. Agad ko siyang sinipa. "Ahhhhhhh!" Agad kong tinapakan ang isa niyang kamay at hinawakan ang isang kamay. Inilapat ko yun sa Lupa. Nakaluhod ang paa ko nun sa mga hita niya ng may pagkadiin. Kitang kita ko yung sakit sa mga mata niya. Ganyan ang tamang paraan ng pagpapasakit!
"Wala tayong anestisya.. Paano ba yan?"
"Pleaseee tama na. Nagmamaka-awa ak---*TSUK!*Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh Uhmmmpp" Tinakpan ko yung maingay nyang bunganga pagkatapos kong maisaksak yung Kutsilyo sa kamay niya.
"Subukan mong mag-ingay tutuluyan kita" bulong ko sa kanya habang nakatakip ang kamay ko sa bunganga niya.
Natawa ako ng makita ko yung kamay niyang may tusok ng balisong. Ang sagana ng dugong lumalabas dun. Binitawan ko siya ng maramdaman kong namumutla na siya sa takot.
"Brenth?! Ano bang ginagawa mo!" Agad akong napaharap kay Kuya Erjuan. Pero nginisian ko siya.
"Gusto mo kuya tuluyan ko sila?" Natatawang sabi ko.
"Ano ba! Anong ginagawa mo?!"
"Pinapatay sila" Kalmadong tugon ko na tila may nginunguyang bubble gum. Hindi naka-imik si kuya. Nanlumo ang mukha nitong napalayo sa akin.. at parang inis na tinuro ako. Pero sa huli nasapo nalang niya ang noo niya.
Muli akong tumingin sa tatlo. Pareho na silang may malay at nakaka-awang pagmasdan. Tila takot na takot na sila.
"Ikaw ang bubunot o Ako?" sabay tingin ko sa balisong na nakatusok dun sa kamay ng lider lideran nila.
"Huh?" na parang maiiyak nitong sabi.
"Kase pag ako ang humugot diyan.. diretso sapak ko yan sa dibdib mo.." Nakangisi kong sabi. "Bibilang ako ng tatlo.. Isa.."
"Eto na eto na.." Hawak niya yung balisong.
"Dalawa.. Nanlaki ang mga mata niya. At dahan dahan na akong lumapit. Tinapakan ko yung isa niyang kamay. "Dalawa't Kala---"
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!" Sinipa ko siya dahil ang ingay niya ng binunut niya yung balisong.
"Tahimik sabi!"
"Ahhhhhh Ohhhh Ou" hawak niya yung kamay na puro dugo. Adad siyang naghalungkot sa bag niya at nakita kong may kinuha itong damit at mabilis itong binalot.
"Ano masarap ba?" Isa isa ko silang tinitigan. "Mas malala ang demonyo kung magtago, siga lang kayo pero hindi kayo demonyo." Dahan dahan akong lumapit sa kanila. "Alam niyo na pag may naka-alam sa nangyareng ito. Isang labas ng salita sa mga bibig niyo. Parang naghukay na kayo ng libingan sa sementeryo.. Bibilang ako ng tatlo. Ayoko ng makita kayo sa harapan ko"
"Isa.." Di na ako natapos pa sa pagbibilang dahil napakabilis nilang umalis. Medyo magtatakipsilim na nun kaya naman wala na halos tao. Tsaka tago at bakante ang parteng ito.
Tatalikod na sana ako sa mga kuya ko ng..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
PAKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!!
Shettt!
Napagilid at matutumba na sana ako dahil sa sapak na yun ni Kuya Uno. Ang lakas!
"Kuya.." mahinang usal ko.
"Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo ang mga yun!" sigaw niya. "Mamatay tao ka ba?! Para kang demonyo Brenth!"
Ngumisi ako.
PAKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!!
PAKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!!
Sunod sunod na sapak naman ni Kuya Topher. Sheettt ang sakit na ahh!! Dun na tuluyang pumutok ang labi ko.
"Tinatanong ka ng maayos! Paano mo nagagawa yun! Brenthh.. saan mo napupulot ang mga yan!"
"Inuugali't natutunan iyon. Hindi napupulot.."
"Gago ka!" Agad akong pinatayo ni Kuya Topher habang sakal sakal sa may kwelyo ng polo. "Tarantado ka ba Brenth! Anong nangyayare sayo?!"
"Pake mo ba!" sabi ko.
PAKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!!
Muli niya akong sinapak.
AT DUN NA NANDILIM ANG PANGIN KO!
Agad kong pinulot yung balisong na naiwan dun at agad ko siyang hinila at binato sa may Pader! Itinutok ko kay Topher ang kustsilyo sa may leeg niya. Konting gigil na lang patay ka na!
"Ako pa ngayon yung mali? s**t ka!" Parang demonyo nanaman ang mukha ko. "Iniligtas na nga kayo dun sa mga taong yun ehh, Ako pa masama?!"
"Brenth bitawan mo yang patalim" mahinahong utos ni Kuya Uno. Habang si kuya Topher ay di maka-imik at panay lunok.
"Wag kang mag-alala.. isusunod kita" Sabay ngisi ko sa kanya. Biglang nanlaki ang mata niya sa gulat.
"Gusto mo patayin na kita aaa kuya Topher?" sunudsunud ang paglunok niya. "Ehhh kung di ko kayo tinulungan baka napatay narin kayo ng mga yun ehhh. Gusto mo tuluyan na kita?!"
"Brenth!" Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni kiuya Uno. Sheeet! Agad naman winasiwas ni Kuya Topher ang kamay kong may hawak na balisong! Agad akong tumimbawag sa lupa.
"Gago ka! Anong nangyayare sayo! Putang Ina! Ikaw ba yan Brenth?!" Si Kuya Topher na gigil na gigil at nagtiim talaga ang bagang niya. Napatungo nalang ako.
"Demonyo ka Brenth! Paano mo nagagawa samin yun? Mga kuya mo kame. At lalong Paano mo nagagawa ang mga yun sa ibang tao. Nagdodroga ka ba?" si Kuya Erjuan na galit na rin.
"Tandaan mo ito.." Si kuya Topher na nagpipigil ng galit. "Wala akong kapatid na demonyo! Tayo na Uno.." sabay tapon niya sa balisong sa akin. "Saksakin mo ang sarili mo! Wag kang mandamay sa pagiging Kriminal mo!"
At nagsimula na siyang umalis.. "Kuya.." aniko kay Kuya Erjuan na tatalikod na rin sana.
"Hindi kita maintindihan.. Wag ka na muna siguro lumapit sa amin. Isa kang Demonyo't Kriminal Brenth"
Napakuyom ang kamay ko at naipon nun ang lupa sa aking kinasasalpakan. Tumalikod na rin siya at umalis.
Mga walang kwentang kapatid! Sila na nga itong iniligtas tapos sila pa ang galit. Tssss.. Wala daw silang demonyo't kriminal na kapatid. Mga Putang Ina nila!
SANA PALA PINABAYAAN KO NALANG SILA! O--(=_____=)--O
~ END of FLASHBACK ~
Sabay parin kameng umuwe ng araw na yun, walang imikan kameng tatlo sa loob ng kotse ni Kuya Vince. Madame ring tanong si Kuya Vince sa nangyare sa akin, pero sinabi ko lang na napa-away ng konti.
Nasermonan kameng tatlo.
Pero simula nun ay hindi na ako Pinansin ni Kuya Uno at Kuya Topher. Na ikinalungkot naman ng Damdamin ko.
Sa oras ngang yun ay nabuhay ang pagkademonyo ko. Akala ko hindi na ulit mauulit, pero muling naging demonyo ako. At ang pakiramdam na yun ay nakatuon sa kaibigan kong si Ganny.
Sinasaktan niya ang kapatid ko! Matagal ko ng alam na may kakaibang silang ugnayan. Hindi ko lang pinapa-alam. Ayokong mailang si Bunso sa akin at bilang kuya..
HINDI KO KAYANG MAGALIT DAHIL SA AKING NALAMAN.
Minsan kase napadaan ako sa isang mall at nakita ko silang magkasama at magkahawak ang mga kamay. Natawa nga ako nung una.. Pero napagtanto ko agad na kaya pala..
Kaya pala ganun ang turingan nila tuwing nasa bahay si Ganny.
Nauunawaan ko si Bunso, masaya ako dahil may inspirasyon siya. Wala akong paki-alam kung ano man ang kasarian ng kapatid ko, ang mahalaga masaya siya. Mahal ko ang kapatid ko at hindi ko makakayang masaktan siya.
Si Ganny! Sinasaktan niya si Dennis! Naramdaman ko ang sakit sa puso ng kapatid ko simula ng sabihin ni Ganny na aalis na siya. Patawad Gan, Nasa listahan ka ng kamatayan sa kamay ko.
Kitang kita ko yung pagkadapa kanina ni Bunso habang patakbong lumalabas sa bahay. Yung lungkot sobrang namumutawi.
Pero si Ganny, ayun patuloy ang pakikipag harutan sa babaeng nakatabi kanina. Gago siya!
Kanina bago umalis yung jeep ay napasulyap muli ako at nakita ko si Bunsong nakatingin sa gawe ni Ganny. Kitang kita ko ang sawing mukha at nasasaktan na pagkatao ng aking kapatid.
Pero si Ganny nakikitawa parin sa babaeng iyon! At dun muling namutawi ang demonyong ako. Humanda ka talaga sakin! Napakuyom ang mga kamay ko sa galit. Nang umandar na ang dyip kanina ay naawa akong makita si Bunsong napabulagta sa lupa at umiiyak.
Fuck You Ganny!
Meron pang apat ang nasa listhan ko. Lima na kayo, Uunahin ko ang mga nanakit sa sa kapatid ko sa eskwelahan. Pagkatapos niyong magtago Joross, Mark at Renales haharapin niyo naman si Kamatayan.
Pati ikaw Mae..
At huli ka Kaibigan, pero depende kung bumawi ka kay Bunso. Makakaligtas ka sa bagsik ng isang Demonyo.
Pagdating sa bahay ay agad kong hinanap si Bunso, at natagpuan ko nga siyang tulala sa kwarto. Mugto ang mga mata at kitang kita mo ang sakit na nadarama.
DENNIS POV
Nakita ko yung iniwan niyang balot ng sigarilyong may mensahe niya. Pinunit ko.
Nagtext siya kanina. Agad kong pinatay ang cellphone at wala ng balak pang buksan kaylanman.
Wala akong pake sa lahat ng iyon. Basta ang alam ko ay nandito ako sa kwarto nasasaktan ng lubusan.
Inbinubuhos ang sakit na meron ang puso at buong pagkatao ko. Wala na nga akong mailuha eehh. Parang pigang piga na.
Hindi mo ako mahal, Iniwan mo ako. Sapat ng dahilan yun para patunayang wala akong halaga sayo. Andale rin sayong ipagpalit ako.
MGA MANLOLOKO.
WALANG FOREVER.
Tss..
Natawa ako mag-isa pero parang maiiyak ng maisip ko ang mga bagay nayon. Parang lesson learn ka lang pala sa buhay ko Ganny.
You make me realize na true love ay hindi madaling makuha. Parang ulan, hindi mo nalang mamalayan yung damdamin mo sobrang lakas ng pagbugso. Pero may katapusan pala.
At sa bawat malalakas na ulan, may bahagharing lumilitaw. Bahagharing sumisimbolo ng isang Makulay na Pag Move On. f**k this Feeling! I don't Believe to Forever Anymore!
Masakit.. Masakit na Masakit.. Sobrang Sakit.. Ang sakit dahil tinanggal mo na yung sipit sa Puso ko.
Muling bumugso ang tila bagyong luha sa aking mga mata.
Hangang sa huminto na rin ito ng Kusa, pero naging tulala ako sa kwarto at ramdam ko ang buong kalungkutan sa pagkatao ko. Mugtong mugto narin ang mata ko.
Hindi ko alam kung may nakakakita sa akin mula sa labas. Ang alam ko lang ay NASASAKTAN ako dahil sayo GANNY.
Muli mo nanaman akong sinaktan.
Lumipas ang Oras..
Nagulat ako ng biglang bumungad si Kuya Brenth sa Pinto ng Kwarto. Wala na talaga..
(+_____+")
"Ang aga aga ang drama ng Bunso namin aa" Pabiro niyang sabi sabay lakad papalapit sa akin. Sinarhan niya rin yung Pinto. "Babalik din yun.." Kuya bat parang alam mo ang dinadamdam ko.
"Parang kumirot kase yung sugat ko kuya" Pagsisinungaling ko sabay pakita kunwari ng brasong may sugat.
"Ang sakripisyo iniindindi at minamahal yan, Wag mong isiping ginawa yan para saktan ang isang taong nagmamahal ng totoo" Gulat akong napatingin sa kanya. "Kung mahal ka ni Ganny mahal ka niya. Hindi nasusukat sa distansiya ang pagmamahal, hindi natitimbang ang pagmamahal sa bigat ng inyong pagkaka-unawaan. Ang totoong nagmamahal nagtitiwala at naniniwala"
"Kuya ko?"
"Pero lahat may limitasyon kung alam mong expired na, itapon mo na. Just produce and manufacture a true and new everlasting love"
"Kuya ko?" Parang naluluha na ako sa mga sinasabi niya. Alam mo na ba kuya? Sinabi na ba Ni Ganny?
"Hindi niya sinabi sa akin, talagang alam ko lang" Nakangiti siyang tumingin sa akin. Nababasa niya ba ang nasa isip ko?!
"Kuya Sorryy.." Nahihiya kong sabi.
"Why? Dahil pumatol ka sa isang lalaki? Never say sorry because you fall inlove, hindi kasalanan yan. Kayamanan yan ng pagkatao mo. Sabihin mo ang katagang Sorry.. Pagnakatapak ka na ng tao" Bigla siyang naupo sa tabi ko. I don't Know how to react. All this time isa sa mga kapatid ko alam ng ganito ako? Isang Silahis? Bakla maybe? at Pumapatol sa lalaki?
"Kuya ko.." Usal ko sabay luha na ulit ng bahagya.
"Bunso tama na yan.. nasasaktan ang kuya pag nasasaktan ka." Agad akong lumapit at yumakap kay Kuya Brenth.
"Kuya .. Thank you" Sabay ang malakas na pag-iyak ko.
"Kaya simula ngayon bunso.." Dinig kong sabi niya sa akin. Ano kuya ko? "Isang maliit na pasa na lumitaw diyan sa katawan mo, sabihin mo kung sinong may gawa. Malilintikan na siya sa akin" Parang natuwa ang puso ko.
"Kuya ko, anong gagawin mo sa kanila?"
"Papa—" Bigla akong kinabahan. Papatayin?
"Kuya ko?" Napatingin ako sa kanya.
"Papatikimin ko ng kamao ko Bunso. Umayos talaga sila" Nawala yung sakit na nararamdaman ko. Sobrang saya ang dulot ng pagtanggap sa akin ni Kuya Brenth.
"Best kuya Ever!" aniko.
"Kaya naman.." Tumingin siya sa akin. "Pag sinaktan ka ni Ganny"
"Kuya wag na muna natin siya pag-usapan Pleaaase?" Kuya sinaktan niya talaga ako! Drug na durug ang Puso ko kuya Ko. Galit ako sa kanya! Kinamumuhian ko siya!
"Sige, Nga pala may binili akong Burger, Spag at Fries. Andun sa kusina, almusal ka na muna. Mukhang gutom na ang bunso namin eee" Sabay pisil niya sa pisnge ko.
"Tama kuya ko.. gutom na gutom na ako" Nakanguso kong sagot sa kanya. Tumayo na siya at inalalayan ako.
"Nabigla ka lang kaya ganyan ang nararamdaman mo. Maniwala ka sa akin, take it easy. Stay Happy" At sumama na ako sa Kuya ko. Masaya ako dahil may mapagsasabihan na akong Kuya ko!
"Kuya ko, paano yan may binabae ka ng kapatid"
"Ayus yun, walang dalaga sa atin eee" Sabay pingot niya sa akin. "Ayusin mo lang kilos mo. Sa iba nating kapatid.." Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Kuya.
"Don't be sad.. Andito si Kuya. Pag kinanti ka ng Clifford na yun o kung sino mang iba nating kuya. Sabihin mo lang sakin" Nakaramdam ako ng kakaibang saya at lakas.
Parang naging malakas ako ngayon. Parang may kalasag na matibay na nakaharang sa aking sikreto. Masaya ako dahil nauunawaan ako ni Kuya Brenth. The Best kuya Ever!
Lumabas na nga kame papuntang kusina at kinain ang dala niyang pasalubong! Andame parang may pabirthday sa Jollibee!
Parang Parting Celebration ito aaa..
Ayoko sabihing Miss na kita. Gusto kong sabihing Kinamumuhian na Kita Ganny!
Dalawang araw ang Lumipas..
Malungkot parin ako. Hindi ko na rin nagawang buksan pa ang cellphone ko. Nagaglit ako tuwing naalala ang huling eksena na nakita ko sa kanila ng malanding babaeng yun!
Naaasar ako sa Kanya! Magsama sila ng Babaeng yun!
Tulad ng dati medyo may kalamigan parin ang turing ko sa aking mga kasama sa bahay. Naimik narin ako pero, pinapakita kong HINDI AKO INTERISADO.
Kahit alam kong gusto akong maksama ng iba lalo na si Tito Romnick at Kuya Ralphy. May kakaiba akong nararamdaman sa mga titig na kanilang ibinibigay sa akin.
Pero nilalabanan ko. Pero konti nalang bibigay na ako, lalo na tuwing naalala ko ang pag-iwan sa akin ni Ganny at ang pagturing niya sa babaeng yun.
Natutukso ako (++____++)
Tanghaling tapat nun at naghahalungkat ako sa aking gamit ng may napansin akong kulay asul na bagay na nakasilid sa gilid ng aking bag.
Alam ko kung anu yun. Tssss talagang iniwan niya pa ("_____"!!)
Agad kong kinuha yung isang box ng TRUST condom. May laman pa yun dahil medyo makapal pa.
Pero agad akong nagulat sa aking Nakita.
(O_____O!!)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TRUST me Krib Ko ♥
Mula dun sa TRUST na nakasulat sa box ay tinapan niya yun ng papel at sinulat ang mga katagang.. me Krib Ko ♥
Napangiti ako ng bahagya. Pero muling bumalik ang inis sa aking mukha, kumirot ulit ang puso ko at tumabling ulit ang nararamdaman ko.
"TRUST me Krib Ko ♥" Inis na basa ko. Tchh.. Trust You?! f**k You Ganny! Paano kita pag kakatiwalaan? Sapat na yung nakita ko para masabi kong Sinira mo ang Tiwala ko!
Trash that Trust!
Inis akong naupo habang hawak hawak yung Box ng Condom. Tinignan ko ang laman nuon. May tatlo pang condom.
Napangiti ako at tila naka-isip ng kakaiba.
Nasaktan mo ako ng di mo namamalayan, Pero Ganny kaya kong sumaya ng Hindi mo ALAM.
Nakangiti kong ibinulsa yung Trust Condom. Bagong ligo rin naman ako, masarap tumambay at maghanap ng Lalaki.
Lalaking kayang magpasaya sa akin kahit sa konting oras. Yung bang sinasabi nilang panandaliang kaligayahan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Para akong tangang nakangiting naglalakad sa kahabaan ng sapa. Pero ng makakita ako ng magandang tanawin, sa isang malinaw na tubig sa sapa ay naupo ako run sa gilid. Sa may silong ng punong ug-ug (Kamansi).
Ang sarap ng simoy ng hangin damang dama mo yung kapayapaan. Kitang kita ko rin mula sa kinatatayuan ko yung mga mumunting isdang lumalangoy sa malinaw na tubig ng sapa.
Naalala ko tuloy..
Nung sabay kameng naligo ni Krab sa Sapa. Nung nilabhan ko yung mga gamit niya, nung nagtapunan kame ng bula, nagkwentuhan sa ilalim ng punong palumagon at nagmahalan sa ilalim ng tubig.
Hayyyysssssss..
(--______+)
Naging emosyonal nanaman ako, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ng may paghikbi.
Bakit mo ako Iniwan?!
Nasa ganun akong posisyun nang mapansin kong may naupo sa tabi ko. Pinunasan ko muna ang mukha ko ng aking damit. Siniguro ko ring simot na ang basang umusbong sa mukha ko.
Pagkatapos ay nilingon ko siya.
Nagkatitigan kame. Kitang kita ko sa mata niya ang pagtatanong na may halong pagtataka.
"Anong ginagawa mo dito" sabay tingin ko sa malayo.
"Nakita kita kaya nilapitan kita" Napatingin na ako sa kanya.
"Yun lang?" Tinitigan niya lang ako. "Oh may gusto kang sabihin sakin? Tell me.." Nakangiti ko kunwaring sabi. I want to be Happy Milo.. Can you make it for me?
"Hmmmm galit ka ba sa akin?"
"Hindi." Mabilis kong sagot.
"Ehh bat umiiwas ka sa Tropa?" Tanong niya sa akin.
"May Problema lang ako.. at di ka kasama dun" Pagprangka ko sa kanya.
"Umalis na pala siya.."
"Are you Happy?" Nagulat siya sa tanong ko. "I mean natutuwa kang iniwan niya ako? na iniwan niya ako ng walang paalam. Na pina-asa niya ako? Na sinaktan niya ako?"
"Sinaktan ka niya?" Dahan dahang muling bumubugso ang aking mga luha. f*****g Ina!
"Ganun na nga.. kaya eto ako nakatunganga diba?" Pinunasan ko yung luha ko. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.
At ang di ko inasahan ang pag-ganti ko sa kanyang yakap "Ang sakit.. Ganito ba kasakit ng iniwan kita?" may luhang tanong ko sa kanya.
"Mas masakit pa dito, kase nung umalis ka.. tayo pa. Pero nung nandun kana biglang nagbago ang lahat. Pumatol ka sa kuya ko, at nalaman kong marami karing kasamang mga lalaki.."
"Kanino mo yan nalaman?" Umalis ako sa pagkakayakap.
"Kay Louie.. madame ka na daw bagong Kaibigan" Hindi na ako nakasagot pa. Totoo naman kase.
"Sorry" sabay tingin ko sa kanya.
"Nauunawaan ko" Tumabi siya sa akin ng husto. Hindi ko na yun pinansin, bahala siya kung anong gusto niyang gawin. "Dennis.. masaya ka ba sa kanya?"
"Ngayon? HINDI.." Nilingon ko siya halos magkadikit na ang mga pisnge namin. "Kase sinaktan niya ako.. yung sakit na parang ikamamatay ko na" sabay luha ko ulit.
"Dennis.." Muling isinulyap ko ang aking mga mata sa malayo. "May paraan ba para maibsan ko ang sakit na yan?" Pagdidiin niya.
"Gusto mo akong mapasaya?" Pilit ngiti kong tugon sa kanya.
"Kung yun ang gusto mo.." Siya sabay hawak sa mga kamay ko. "Gusto mo bang pasayahin kita?" muli niyang sabi.
"Oo.. gusto kong pasayahin mo ako.." Nilaro laro ko narin yung mga daliri niya sa kamay. "Sa kama.."
KITANG KITA KO YUNG GULAT SA KANYANG MUKHA!
"Aaaaaa?"
"May tao sa bahay niyo?"
"Ako lang ang nadun.. Ba—bakit?" Nauutal niyang tanong.
"Hindi na ba ako welcome sa bahay niyo?" Yung kamay kong hawak niya ay nilaro ko paakyat sa balikat niya. "Hindi na ba ako welcome sa Kwarto mo" bulong ko sa kanya.
Kitang kita ko yung paggalaw ng Adam's Apple niya, dahil sa sunud sunud na paglunok niya.
"Aaaaa Dennis?"
"Di wag" Ako sabay tayo at aalis na sana. Nang bigla niya akong hawakan at muling pina-upo. Kita ko na yung kinang sa mata niya.
Nagulat ako ng bigla niya akong pahigain kung saan kame naka-upo ngayon. Dun sa malinis na patag na lupang paitaas na nababalutan ng Carabao Grass..
Agad niya akong dinadanan ramdam ko yung matigas niyang pag-aari na nakapatong sa bandang hita ko.
Pilyo ko yung hinawakan gamit ang pag-abot ng aking kamay. Napangiti siya at agad niya akong sinungaban ng halik sa leeg..
"Uhmmmmm wag dito" Pagpigil ko sa kanya.
"Namiss kita.." Aniya sabay dampi ng halik sa aking mga labi. Masaya itong tumayong patalon. Punong puno ng kinang ang kanyang mga mata.
Agad niya akong inalalayan at payakap na hinatak sa kanyang katawan. Gusto kong maging masaya.
Kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.
~ To Be Continue ~
A/N: COMMENT at VOTE sa mga Want.
THANKS FOR DROPING BY FOLKS!
- Green Shadow O--(o^.....^o)--O