Nagising si Lexie na lito kung nasaan siya. Nang tignan niya ang paligid ay nakita niya ang dalawang cute na bata sa tabi niya, nakayakap sa kanya. Sina Drei at Drea ay kasama niyang nakatulog. Hindi na niya namalayan kung pano sila napunta sa kama, ang natatandaan niya'y nanonood sila ng movie ng mga bata kasama si Ava after niyang magluto ng spaghetti. "Good morning mommy!" masayang bati sa kanya ni Drea sabay halik sa pisngi niya, then yumakap sa kanyang leeg. "Good morning po mommy" Drei give her a kiss. "Good morning babies, nakatulog ba kayo ng maayos?" "Opo mommy!" sabay na sagot ng kambal. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Kyle kasunod ang nakangiting yaya ng mga bata na may dalang malaking box. "Good morning po Daddy!" sabay na bumaba sa kama ang kambal at tumakbo pa

