Tinanaw niya ang papalayong binata, naalala niya ang naging sagot ni Carina nung tawagan niya ang kapatid at itanong niya ang kaugnayan nito kay Miguel. "Juan Miguel is always the quiet one, nung mga bata kami kapag naglalaro kami at pinapapaiyak kami ni Sofia nina Kyle, Dj at Kuya Brand lagi niyang inaaway yung tatlo, we become close as we get older, sa kanya ko sinasabi lahat ng nararamdaman ko, he is my best friend and please don't let him know about my condition, I hurt him too much already" May alam na kaya ito sa pagkatao niya. Yun ang kinatatakot niya ang pigilan siya nito. "Queen!" naputol ang iniisip niya ng lapitan siya ni Kyle, may dala itong dalawang cup ng coffee na may tatak ng Haven's. "Tapos na kayong magbaba ng goods?" tanong niya rito. Napansin niyang pawisan ito kay

