"You cheated!" bulalas ni Carina sa kanya. Nalagpasan niya ito ng walang kahirap hirap. Inarapan siya nito. "I didn't!" bumaba siya ng kabayo at intinali ito sa puno ng manga. Sa kubong pahingahan sila tumuloy na nasa manggahan, dun sila magpapalipas ng oras. Hinawakan niya ang baywang nito at iniangat sa kabayo. "Kyle!" inis na sigaw nito sa kanya sabay irap na naman. "What puro ka yata sigaw" natatawang wika niya. "Puro ka kalokohan eh" "Let's get inside, di na natin maiikot ang buong hacienda next time na lang" inalalayan niya ang asawa paakyat sa kubo. May dalawang pahabang upuan na pinagitnaan ng mahabang mesa gawa sa kahoy na pinutol na puno ng manga. May nakalagay na iba't ibang bagong pitas na prutas at pinahanda niyang merienda. Hinawi niya ang nakatabing na tela sa paligid

