"So, your back" nakataas ng kilay na bungad sa kanya ng babaeng may friendly na ngiti pero iba ang binabadya ng mga mata nito. Hindi alam ni Lexie pano kikilos dahil hindi naman niya kilala ito wala ito sa naresearch nila ni Ava. "Bff kailangan mong paghandaan ang pagharap mo sa pamilya ni Kyle" inabot sa kanya ni Ava ang IPad nito. "Siya si Don Leonardo De Silva at Dona Amelia Ibarra-De Silva, Lolo at Lola ng asawa mo" humahagikgik na sabi ni Ava at pinakadiinan ang salitang asawa. Inirapan niya ito. Swipe niya ang next at ang larawan ng magulang ni Kyle and tumambad sa kanya. Natatandaan niya ang Mama nito nung unang dating nila sa resort. "Si Mrs. Lauren Miller -De Silva, dati siyang Ms. Universe Spain af si Mr. Leandro De Silva- CEO De Silva Group of Companies" patuloy ni Ava. " B

