C39: Baby Javin "Salamat po, Ma. Pasensya na po sa abala." Sabi ni Jyreen sa inang uuwi na sa kanilang probinsya after two months of staying. Nagpatulong sila dito. Ayaw kasi nilang kumuha ng katulong. As much as possible gusto nilang sila ang mag aalaga kay Javin. "Okay lang anak. Mabuti nga't nagagabayan kita sa pagiging ina sa anak mo. Mamimiss ko si Javin. Ang mga ibinilin ko sa'yo, 'wag mong kakalimutan ah?" Paalala ng kanyang ina. Nakangiti ito. Kitang-kita ang saya sa mga mata. "Opo, Ma. Tinatandaan po ni Vinn." Sagot ni Jyreen sa ina. "Ikaw ang dapat umalala no'n. Pinapahirapan mo masyado si Vinn." Suway ng ina nito. "Okay lang po, Ma. Sanay na po ako kay Jyreen." Natatawang sabi ni Vinn nang makalapit ito sa kanila bit-bit ang bag ng ina ni Jyreen. "Ingat po kayo." Sabi n

