C37: Back To Normal 1 Simula nang matauhan si Jyreen sa kanyang tunay na nararamdaman ay naging maayos na ulit ang kanilang pagsasama pero hindi maitatangging may doubt pa rin na nararamdaman ito kay Vinn. Siguro dala na rin ng kanyang pagbubuntis ang padalos-dalos na pagdedesisyon at pagiging mainitin ang ulo lalo na pagdating sa asawa nitong si Vinn na mukhang napagbubutungan talaga niya ng galit na kahit kaya namang pag-usapan at ayusin kaagad ay napapatagal pa. "Naasikaso ko na ang maternity leave mo." Bungad na balita ni Vinn nang mabungaran siya nito sa kusina. Kabuwanan na din kasi ni Jyreen kaya pinaghahandaan na nila. Nalaman na din nila ang gender nito and it's a boy na ikinaluha pa ni Vinn nang makita nila ito sa monitor noong nagpa-ultrasound si Jyreen. "Thanks." Sagot nam

