Chapter 21 Pero, wala namang mali sa mga sinabi niya. Totoo lahat. Mahina ang tao, marupok. Mabilis mahulog. Mga traydor. Ang tao mabilis magbago. Mabilis magsawa. Wala kasing permanente sa mundo. Eh sa mundo niya kaya? Iniling-iling ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Bakit ba ako interesado? Pero napangiti ako bigla. Ibig-sabihin, may chance pa, pwede pang magbago ang lalaking yun. Tsaka Akuma ba talaga ang pangalan niya?? "Akuma.." Iniisip ko kung ano ang ibig-sabihin ng pangalan na yun dahil may nabasa na akong ganun. Pero di ko ma-alala, kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. Na-alala kong bigla ang sugat ko na magaling na ngayon at.. yung matandang Yosei na hinampas niya. Ano nang nangyari sakanya? Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay dali-dali akong bumaba. Hindi ko nama

