Iyong sa halip na itutulog ko ay hindi ko na nagawa dahil sa pagkompronta sa akin ni Edward . Umalis ito ng bahay at hindi ko alam kung saan nagpunta.Hanggang sa nakatapos na akong muli ng aking work ay di pa din ito umuuwi. Walang bakas na umuwi ito simula kahapon ng tanghali hanggang ngayong maguumaga na. Never ginawa ni Edward ang ganon simula ng magpakasal kami.Palagi siya magpapaalam kapag umaalis .Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa isiping baka nagsawa na sakin si Edward sa pagpapakita niya ng pagmamahal. Natulog akong wala siya sa tabi ko .Kung anong oras dumating ay hindi ko na alam dahil nagising ako ng alas dyes di ko pa din namataan ang presensya nito hanggang sa makaligo ako. Dumeretso ako sa kwarto ni Addie upang paliguan ito at wala pa din ito doon.Hanggang sa makatapos

