--- Napangiti lang siya, tinawag ako palapit. “Mostly personal shoppers. Kent likes to look good, pero ayaw niyang pumunta sa mga stores.” Sumama ako sa kanya sa velvet settee sa harap ng trifold mirror. “The rest,” sabi niya, “are… gifts. Donations.” Napakunot-noo ako, naguguluhan. Kinindatan niya ako. “You know. From people who owe him big but don’t have the cash.” Nginitian niya ako habang kunot ilong. “That’s how he got me my Porsche.” “Oh,” sabi ko, nanlaki ang mga mata. “Oh, little baby Fay,” tawa niya, nilalagay ang braso sa balikat ko. “Ang cute mo sa mga pagblush mo. Nice to have someone so fresh around.” Ngumiti ako at kinagat ang labi ko habang pumunta siya sa tambak ng silk at satin na nakalagay sa isang silya. “Now,” sabi niya, “I picked these out for you, pero kung may

