“Naku Isaac, sa ilang taon nating magkaibigan tingin ko’y mahigit isang daang libo ko na ring napilit ‘yan si Jordi na manood ng basketball o ng championship game mo, pero hindi talaga sumasama eh. Nagdududa na ako kung bakit may hinanakit itong bruha na to sa basketball,” Pagkukwento ni Luz kay Isaac habang kumakain kami rito sa coffee shop na pinuntahan ko last time. First time ulit naming magkitang apat, mabuti at nagkatugma ang mga schedule namin. Lalo na si Isaac na talagang once in a blue moon ko na lang talaga makita. “Mismo, gusto ko na sanang magtampo kaso baka bumaliktad eh, mahirap pa naman suyuin ‘yan,” Sambit naman ni Isaac at tumawa. Tahimik lang din si Rixi sa gilid ko at nakikinig nang usapan kaso biglang nagsalita at tumingin sa akin ng diretso. “Noong una akala ko ayaw

