◇PAT◇ "Where are you, my angel? Umalis ka raw sa bahay at tinakasan ang mga body guards?" "Nasa mall lang naman ako. Gusto kong kumain ng lutong restaurant." "Nasa'ng mall ka? Pupuntahan kita." "Huwag na. Hindi naman ako magtatagal. Uuwi naman ako kaagad." "No. Pupuntahan kita. Huwag mo munang ibaba ang tawag. I'll track you. Stay where you are, nagkakaintindihan ba tayo? My angel---" Pinatay ko ang tawag at naglibot-libot muna sa infant section ng mga damit. Mabuti na lang at natakasan ko ang mga bodyguards sa bahay kanina. They're making me sick. Para naman akong baldado kung ituring ng asawa ko. Buntis lang naman ako at hindi pilay. Bigla akong na-excite nang mapatingin ako sa mga damit. I want to buy one for our baby. Mabilis akong naglakad patungo roon, ngunit hindi ko inaasaha

