"H-hindi ka na aalis ulit, 'di ba? H-hindi mo na ako iiwan. D-dito ka lang." Halos gumuho ang aking mundo nang umiling siya. Akala ko ba okay na kami? Akala ko ba pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin ay lalo pang titibay ang aming relasyon? Pero bakit gano'n? Bakit parang siya naman ang lumalayo ngayon? Ayaw na ba niyang sumaya kami kasama ang isa't isa. "I'm s-sorry..." mahina niyang sagot. Hindi man lang niya ako tinitingnan nang diretso. Para bang isa akong basura na nakakadiri sa kanyang paningin. Bakit? Dahil ba mas mahal na niya ang babaeng iyon? Dahil ba nawalan na ako ng halaga sa kanya? "Wala na ba talaga? Hindi na ba natin maaayos ito? Puwede naman tayong magsimulang muli." My eyes pooled with tears. Wala na yatang katapusan ang pagtitiis ko sa buhay na 'to. Bakit ba laha

