"My ghad! Anong katangahan 'yang pinaggagagawa mo, Samantha Añorivas?" "I hate you!" singhal ko. "Bahala ka tonta!" dinutdot ni beki ang ulo ko bago lumayo sa'kin, ngunit imbis patulan ay umirap lamang sa kaibigan. Ilang sandali lamang ang itinagal nang i-anunsiyo ni Lady Godiva na nahabol ng mga bodyguards si Destiny patungo sana sa Europe, kaya kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Kuya Xavier. Halos pinagkaguluhan ang binata at panay ang suntok ng mga kaibigan sa braso nito habang si Lyndon ay ginulo ang buhok ni Kuya Xavier bilang pagbati. The man looks happier right now and seems very uplifting. "Tita S-Samantha!" bumati ang anak ni Destiny na nasa bandang likuran kasama ang yaya nito. "Hi, how are you little boy?" "I'm big na 'po. Darating na po ba si mommy?" inosenteng tanong

