CHAPTER 26

3465 Words
NAKAUWI KAMI NANG MATIWASAY SA MAYNILA ngunit tila naiwan ang puso ko sa isla ng Palawan. I couldn't forget how I made myself fool under the "loving arms" of Lyndon Santiago. Hindi lamang 'yon ang naging kakatwa sapagkat nahatak na naman sa eskandalo ang pangalan matapos i-post sa social media ang pagwawala sa birthday ni Lyndon. And for them to shut their mouth? I-don't-care! Periodt. Kasalukuyang nakatambay sa bahay ni Andy sapagkat ayokong makita ako ni Daddy'ng gumagala-gala sa loob ng pamamahay nito dahil baka mabulyawan sa mga ginawang katangahan noong nasa Palawan. Tiyak na nakaabot na sa magaling na ama ang mga kahihiyang ginawa roon. Right before we arrived in airport, the very least thing I wanna do was to explain my triggered videos to my mother. Hindi ako nagkamali nang tumawag ang ina at itinatanong kung totoong ginawa ko ang pagwawalang yaon sa Palawan. It was too obvious though, I've felt sorry for myself and not for anybody including Lyndon. "Hello mom?" anas ko sa kabilang linya. "Anak, umuwi ka muna at hinahanap ka ng daddy mo. He wants to clarify something about those videos. It's all over the media." she sounds bothered. "Mom, just give me some time to absorb it. Pakisabi kay Daddy busy ako sa mga projects na gagawin ko ngayong darating na araw. Bye!" I shutted off my phone. Lumipad ang paningin sa kaibigang panay ang pag-iling habang sumisimsim ng kape. "What did I do?" sita ko sa kaibigan. "Oh nothing Samantha. Atleast, your dad becomes suddenly concern about your life." he sarcastically muttered. I heaved a sigh and slouched over his sectional sofa then dragged some throw pillow. "Gosh Andy! I am so fudging stupid. Now tell me, am I?" nag-aalalang anas sa kaibigang umupo sa'king tabi. "Ah-huh?" I groaned when he gave his agreeable expression. "Am I, really?" "Know what Samantha, the mere fact that you did those dramatic scenes makes me wonder that you're such an impulsive woman. Wala nang kokontrol sa lahat ng mga eskandalong kinakaharap mo Sam. So if I were you, be careful next time." umirap si Andy saka bumalik sa Island bar upang ipatong ang kanyang mug. "What do you mean about the control thingy?" I've got curious hence I folded my arms across the chassis. Muling umiling ang kaibigan sa mga itinatanong rito kalauna'y malalim na bumuntong-hininga. "Fine. I won't tell you these things just because I want to build up Lyndon on your blinded eyes." "Spill it out, will you?" "Remember those moments that you were facing scandalous video that has been spread out like a fire in XIA? He was the one who made some damage control." "What?" I frowned. "And hell yeah! He kicked out those bitches in school along with Clyde Montenegro. He even tried to warn all the students to never bully you if they want their lives to be peaceful as possible." mahabang paliwanag ni Andy rason para hindi kaagad makahuma sa mga pinagsasabi ni beki. "B-Bakit ngayon mo lamang sinasabi ang lahat ng 'to? I mean-- who told you all those things?" naguguluhang tanong ko rito. He glared and sit beside me once again. "I witnessed those things Samantha that's why I helped him to organize his proposal for you way back years ago, but unluckily it never happened therefore I have decided not to open that chapter anymore." Lalong natahimik sa mga nalaman ukol sa ginawang sakripisyo ng binata noon para lamang hindi ako masaktan, animo nakadagdag ito sa bigat nang nararamdaman hindi lamang sa isyung kinakaharap ngayon kundi sa guilt sa mga bagay na nangyari sa nakaraan. Nahulog sa malalim na pag-iisip tungkol sa binata at habang naroroon sa bahay ni Andy ay walang maisip na solusyon sa problema. The only thing that keeps on running in my mind is let these controversies to die down. Pumasok si Andy sa kwarto habang nanatili ako sa sala at nagmumuni-muni subalit nagulantang ako ng marinig ang kaibigang tumitili rason para humahangos na silipin kung anong nangyari rito. "Oh my god Samantha! Jana has been kidnapped!" "What?!" "Oh my god what will we gonna do?" "Paano? Anong nangyari? Sinong tumawag sa'yo?" Bigla akong nataranta sa mga nangyari sapagkat buong akala'y maayos na'ng lagay ni Jana sa kamay ni Troy. Paanong na-kidnap ang babae ng ganoong kadali? "What did they tell you?" "Gosh I can't believe this! Mamaya patayin siya o kaya lapastanganin---" I literally shook him to brought back his sanity. "Andy! I said what the hell happened!?" I shouted. "Troy told me that they had some petty arguments before she has been kidnapped. And, it's been a couple of days now but still the abductor didn't contact them." Napahawak ako sa sentido sapagkat ang mga panahong 'yan ang mga oras na naroon kaming dalawa ni Andy sa Palawan. "And what now?" I can't formulate any words if how will I going to unload this burden in my ticker. Nasa kalagitnaan kami ng matinding pag-aalala nang muling tumawag ang asawa ni Jana at sinabi kung sino ang posibleng may kagagawan ng pag-kidnap sa kaibigan. "The f*****g monkey in Arizona did that Samantha! It really boils down my blood!" singhal ni Andy sa nalaman. "What's the plan?" tanong ko "They will going to rescue Jana later this evening." "OMG! We should help them Andy! We should save Jana against that f*****g Lemme." "WTF! Are you really thinking straight? Nagiging impulsive ka na naman yata best!" nagulantang siya sa mga sinabi ko ukol sa gagawing pagtulong sa HOMIGEN. "No, I am f*****g serious Andy Samaniego!" anas sa kaibigan. "Oh my gosh! Tell me you're just kidding me, right?" napapangiwi ang kaibigan tila natataeng pusa ang reaksyon. Mariing umiling sa kaibigan upang iparating kay Andy'ng desidido akong tumulong sa pagliligtas sa dalaga. Jana is also my family and I will never let those bastards hurt my bestfriend. --- HINDI NA 'KO UMUWI sa mansyon at hinintay ang gabi upang dumiretso kami sa meeting place ng HOMIGEN. Andy is driving his car and thoroughly agitated about the possible danger we might encounter any moment from now. "Are you okay Andy?" "Fudge! Do I have to elaborate that I'm pretty nervous?" in his shaky voice. "Relax Ands, everything will be alright." "Bahala ka! Kung anu-ano na lamang ang naiisip mong gawin. Gusto mo lamang yata makita si Lyndon!" eksaheradang anas ng kaibigan habang nakahawak sa manibela at tinutumbok ang palikong daan. We are about to enter the familiar village wherein I remember when we were invited by Ayala to attend the scandalous yet memorable party. Iyon ang mga pagkakataong naglapat ang aming mga labi sapagkat umamin ako sa totoong nararamdaman sa isang Lyndon Santiago. "Are you with me?" "H-Huh?" "Whatever. Ang sabi ko malapit na tayo sa bahay nina Michael Ayala." paabiso ni Andy. Kapagkadaka'y huminto ang sinasakyan sa mismong tapat ng gate nang isa sa mga miyembro ng HOMIGEN. A later or so, I saw a huge pick-up Rover parked in front of the enormous gate. Nagmamadali kaming bumaba sa kotse saka tumungo sa kinapaparadahan ng sasakyan at doon naabutan na seryosong nag-uusap ang pitong kalalakihan, animo mayroong pagpupulong sa senado. "Buddy we're ready." anang kaibigan nilang si Villaforte. "Move everyone!" sabad ni Kuya Alex rason para magsikilos ang lahat at sumakay sa naturang Rover, rason upang makaramdam ng pagkataranta sa kadahilanang baka maiwan kami ni Andy. "Wait sasama kami." sigaw ko. Natigilan ang lahat habang si Andy ay halos tampalin ang noo marahil dala ng kahihiyan. "Samantha, anong ginagawa niyo rito?" anas ni Troy. "Edi ano pa, ililigtas ang kaibigan namin." singit ni Andy sabay irap sa asawa ni Jana. "Oo nga, tama si Andy sasama kami sa ayaw at sa gusto ninyo." segunda sa kaibigan upang hindi sila makatangging isama kaming dalawa. "Delikado kung sasama pa kayo." susog ni Troy habang nagtitinginan lamang ang ilang miyembro ng HOMIGEN. Mahahalatang hindi rin sang-ayon ang mga ito sa balak naming pagsama ngunit desidido kaming tumulong upang masigurong ligtas ang matalik na kaibigan. "We have to help our bestfriend." I implied. "Yeah, Samantha is right." ani Andy. "Tsk. Fine, go hop in! We only have limited time so I don't have chances for any aguments." istriktong saad ng asawa ni Jana idagdag pa'ng mababakas na pag-aalala sa kanyang reaksyon. Hindi sinasadyang lumipad ang aking mga mata sa lalaking halos bumusangot ang mukha, ngunit imbis pag-aksayahan ng panahon ay tahimik kaming sumakay ni Andy sa likod ng pick-up. Habang-daan ay biglang nagsalita ng maanghang si Lyndon, di marahil mapigilan ang itinatagong pagkainis sa presensiya ko. "Bud, bakit mo pinayagang sumama iyang mga 'yan? Anong gagawin niyan doon magmemake-up habang nagbabarilan?" he said using his sarcastic tone. Nagpanting bigla ang aking tenga sa mga narinig mula rito lalo't hindi naman basta kaibigan lamang ang nasa bingit ng panganib. Mayroon akong karapatang alamin ang kalagayan ni Jana sa mga kamay ng mga kidnappers at ito ang naging dahilan upang di 'ko mapigilang sagutin ang binata. "Excuse me? What do you mean Mr. Santiago?" sabad ko. "Nothing. Huwag' kang nakikisabat kapag hindi ka kausap palibhasa flirting lamang ang alam mo kaya kahit simpleng salita hindi mo makuha." pang-iinsulto ni Lyndon. Napalingon ako kina kuya Richmond at kuya Xavier dahil sa kanilang mga naging reaksyon sa maanghang na paratang ng binata laban sa'kin. Kagyat kumuyom ang aking kamao animo nangangating sampalin si Lyndon sa mga pinagsasabi niyang kagaspangan patungkol sa uri ng aking pagkatao. Akmang aalma sa binata nang pigilan ni Andy ang braso tanda na sinasaway ako upang hindi na patulan ang patutsada nito. Patungo sa ruta ng Cavite ang sinasakyang Rover hanggang sa lumiko sa medyo madilim na daan at tila isang resthouse ang matatanaw sa dulong bahagi ng naturang lugar. Sa buong durasyon ay iniirapan ang binata sa tuwing magsasalubong ang aming mga mata. He would just looked away as if he doesn't really care about my mere existence. Maya-maya'y huminto ang pick-up na medyo malayo sa pinaka location ng mga kidnappers ayon sa GPS tracker na ikinabit daw ng tauhan ni Michael Ayala. "Bud, we're here." anas ni Kuya Alex kapagkadaka rason para magtanguan ang mga ito. "Basta ganito guys stick to our plan maliligtas natin si Nana kahit anong mangyari." pangungumbinse ni Kuya Michael. "Alright let's move!" segunda ni Xavier bago kumilos ang mga kalalakihan. "What about us? Ano ang maari naming maitulong?" sabad ko rason para matigilan ang mga kalalakihan at magtinginan sa isa't-isa animo nakalimutang kasama kami sa plano. "Pshh. Nothing, mag-paganda kayong dalawa o kung gusto mo mag-selfie ka tas' post mo sa i********:, tapos ilagay mong caption hashtag ATM (at this moment), hashtag panggulo, at hashtag kaartehan." singit ni Lyndon saka nauna itong bumaba sa sasakyan. "Hindi ikaw ang tinatanong ko, pwede? Ang epal mo hashtag bitter!" anas ko dahil sa sobrang pagkapikon sa binata. Kitang-kita kong nagpipigil lamang matawa sina Kuya Xavier at Kuya Michael dahil sa mga birada namin sa isa't-isa habang si Andy ay nag-snap finger pa sa hangin at minasahe ang aking balikat animo pinapahiwatig na kailangang itaas ang bandera ng mga kababaihan. Tipong girl power ang dapat manaig! "Pwede ba wag' dito? Nandito ba kayo para tulungan ako at yang' kaibigan ninyo? Please guys, I am fuckin' concern with the condition of my wife." putol ni Troy sa iringang nagaganap sa'min ng lalaki. Natahimik ang lahat saka kumilos nang naaayon. Hanggang sa nagsimula akong bumaba sa pick-up ngunit bago kami tuluyang pumwesto sa mga napag-usapang plano'y nakatikim ng matinding irap ang binata. Lyndon snobbed my gestures then continue putting charcoals on HOMIGEN's faces. According to the asshole, they badly needed to make some disguises for this undercover mission of saving Jana's life. Maganda sana ang hangarin ng kanyang suhestyon ngunit si Lyndon ay hindi magiging si Lyndon kung hindi nito pagtitripan ang mga kaibigan. The lad drew different varieties of cartoon characters, s****l symbols and different tribal shapes on their faces and they'd thought that one of them were fidget worst than each other. I somehow missed the old Lyndon way back years ago whom I trusted my purity because I know in my heart that he would definitely take care of me and respect me in every inches of being a woman. Nabalik sa kasalukuyan ang nililipad na isip nang magsimulang magbigay ng instruksiyon sina Kuya Derreck at Michael dahilan upang makinig ng mabuti. "We have to disperse around the area so we could easily distract all his foolish men! Are we clear?" malinaw na saad ni Kuya Derreck na kaagad namang sinang-ayunan ng lahat. Nahiwalay sa'kin si Andy sapagkat napasama ito kay Kuya Xavier habang ako ay gagapang mag-isa sa kabilang bahagi ng damuhan. "Best take care, okay?"ani Andy saka niyakap ako ng mahigpit animo mawawala. I even heard him sniffed and started to cry. "I'll be fine, don't worry Ands!" tinapik ko ang kanyang balikat. "Psh. Too dramatic," Lyndon whispered then turned his back on us therefore I immediately acted that I will hit him in the head eventhough he doesn't see me doing it. "Let him go on his own, like duh?" Andy glared. "I know right!" I replied. Naghiwa-hiwalay kaming siyam upang mas mabilis ang operasyon. Naroroon na rin ang ilang mga pulis na noong una'y hindi pumayag na makialam sa pagsagip, ngunit kalaunan ay hindi narin napigilan ang kagustuhang tumulong upang mas mapabilis ang misyon. Nagsimula akong gumapang sa damuhan at hindi alintana ang hirap sapagkat ang mga iniisip ay kung paano maililigtas ang kaibigan. I should remove my "kaartehan for the meantime because Jana is more important than my microzone session on my face and skin, like duh? I immediately stroked my body as if I'm into a legit battle until an undentified massive hard object hit the top of my head. "Ouch! Fuckin s**t!" mayroong dumaing sa bandang harapan. "Ouch! Oh my god that hurts tho'!" ang tanging naging reaskyon ko. Kagyat tinignan kung sinong Poncio Pilato ang 'di sinasadyang mabangga ngunit sa pagkakataong 'yon ay halos hindi magkamayaw sa gulat na reaksyon patungkol sa binata. "IKAW?!f**k?!" panabay naming dalawa. "Wag' mo ngang hinahara-hara iyang ulo mo?" marahas na bulong ko sa lalaki. "Wow, ako pa ngayon ang nakaharang? Ikaw nga 'tong nagpupumilit sumama ni walang dalang armas." marahas na singhal ni Lyndon. "Excuse me, don't you ever belittle me 'coz I know how to fight." I gritted my teeth. Magkalapit ang aming mukha subalit nagbabangayan habang nakadapa at halos maamoy ko ang nakahihibang na hininga ni Lyndon. The minty breath and those velvet lips which thoroughly mesmerized me for awhile, I also even wandered that he is biting his lips like he always does. Shit na malagkit! "Really? Kaya pala hindi mo 'ko pinaglaban at basta ka na lamang umalis?" putol nito sa'king nililipad na isip sa kawalan ngunit akmang sasagot sa binata nang mayroong maulinagang kaluskos, marahil isa sa mga tauhan ni Lemme. "Pare ang tagal mong umihi baka naghihintay na yung mga tropa natin sa loob." "Sandali, mabilis lamang 'to" sagot nito. Tumapat ang mama sa mismong harap naming dalawa saka nagbukas ng zipper kaya't naalarma sa maaring makita. I can't imagine myself watching his birdie to sprang in front of me. Magkasabay kaming nagkatinginan at halos umabot 'gang tenga ni Lyndon ang nakakalokong pagngisi animo nanghahamon ang binata. Duon mismo sa harap namin umihi ang mokong kaya't nagkatinginan kaming dalawa. "Ikaw magpatumba niyan, hindi ba sabi mo you f*****g know how to fight?" he smirked. "Talaga!" Napatiim-bagang ako saka napilitang tumayo sa harap mismo ng lalaking umiihi sa damuhan. "Hi, handsome?" anas ko saka nanlaki ang mata ng estranghero kapagkadaka'y mabilis itong kumilos upang undayan sana ng suntok ngunit kagyat nakaiwas at doon bumirada ng straight punch sa lalaki "Ouch! omg did I kill him?" winisik-wisik ko ang kamay dahil sa bahagyang sakit na naranasan matapos suntukin ang kalaban. "Iyan na ba pinagmamalaki mo?" he boasted. Nang akmang tatayo muli ang mama'y sinipa ni Lyndon sa mukha rason para mahimatay ang kalaban. Kalaunan ay binuhat ng lalaki malapit sa puno ng mangga saka magkatulong naming itinali sa troso. "Psh! You should thank me." anang binata matapos igapos ang kalaban. "Hoy batang may laban wag' ako! Kung di ko sinuntok masisipa mo?" I glared at him and immediately stepped on his foot before I walked away from him. "Damn you woman!" ingit nito dahil asa sakit. Nagmamadali akong naglakad upang iwasan ang binata hanggang sa naramdaman na lamang ang kamay ni Lyndon sa'king braso. "Go with me. It's too delicate alone." anas nito. Binalak tumanggi sa binata ngunit medyo nakaramdam ng takot lalo't mababakas sa mukha ng lalaking seryoso siya sa kanyang mga sinasabi dahilan upang magpatangay rito. Maya-maya, nang makarating sa harapan ng bulawagan ay sabay-sabay humambala sa pinto hanggang sa tinabihan ako ni Andy saka kinurot sa tagiliran. "Ano 'yang kaharutang nakikita ko, ha?" bulong nito. "Aray, Andy ha!" saway sa kaibigan. "Holding hands in the middle of chaos ang peg niyong mga mahadero't mahadera ng taon, ha?" angil nito. Nahalata yata ni Lyndon ang pagbubulungan namin ni Andy kaya mabilis niyang binitiwan ang braso tila nakalimot din sa kasalukuyanh sitwasyon sa pagitan naming dalawa. Inirapan ni Andy ang binata saka pinanlakihan ako ng mata animo sinasaway sa kaharutan. Ilang sandali ang lumipas nang sinipa ni Troy ang pintuan saka magkakasabay kaming pumasok kasama ang mga pulis na rumesponde sa naturang kidnapping incident. Nagulantang ang mga tauhan ni Lemme at hindi kaagad nakahuma sa biglaang paglusob subalit nanlaki ang aking mga mata at bahagyang nakadama ng takot nang makitang bumubunot sila ng baril dahilan upang mabilis humagilap ng babasaging vase saka marahas na pinukpok sa lalaking malapit ang pagitan sa'kin. "I'll gonna break your head, asshole!" sigaw ko habang panay ang sangga ng mama. Umiiwas ako sa mga nagbabarilang pulis at tauhan ni Tsonggo Lemme at sa isang banda'y napansin sa gilid na nakikipambuno rin si Andy'ng mayroong hawak na lampshade. "Yan ang nababagay sayo! Yaah!!" sigaw ng kaibigan. "Arujusku! kaluoy nimo pisting yawa. Kasakit!" angil ng lalaking baluktot ang dila sa pagsasalita. Samantala, matapos mapatumba ang kalaban ay humawak ng malaking buddha vase saka hinataw sa tiyan ang mestisong mamang humatak sa braso ko. "C'mon you bastard! You wanna fight me huh?" panghahamon dito. "Ouch! What a f*****g hurt!! You woman I'll gonna kill you!" sigaw ng english speaking goon. Inamba nang mama ang kanyang kamao rason upang mariing mapapikit at inaasahang uuwi na mayroong pasa ngunit ang inaasahang suntok ay hindi lumapat sa mayuming mukha bagkus ay naiwan sa ere ang papakawalan sanang unday sapagkat sinalag ni Lyndon ang kamay nito saka pinilayan ang braso. Dinig na dinig ang malakas na pag-igik ng mestisong lalaki dahil tila nabalian talaga ng buto ang kanyang kamao sa ginawa ng binata. Imbis magpasalamat sa kanyang pagmamalasakit ay nagpasya akong irapan at hindi pansinin ang pagtulong nito dahil ayokong sa bandang huli'y isumbat niya rin ang ginawang pagliligtas. "Nice of you. You're welcome, huh?" he sarcastically said before he left me. "Oh don't mention it." I taunted him. Tuluyang lumayo ang binatang nakasimangot ang mukha animo hindi nagustuhan ang aking inasal. But, I don't care because it is a far-fetched revenge in everything he did to me in Palawan. Tuluyang nahuli ang mga tauhan ni Lemme at maging ang tsonggong mastermind ng lahat. Tumungo kaming dalawa ni Andy sa second floor ng resthouse at doon nagmamadali kong binuksan ang pinto ngunit nangunang pumasok ang asawa ni Jana. "B-Baby wife..." Jana looked away and went directly to us. "Guys, I miss you," Nana, embraced us tightly and couldn't able to process the moment that she was already safe. "Oh my god best, I thought we'll gonna lose you" eksaheradang sabad ni Andy. "Pwede ba 'yon?" I glanced through her partner who sullenly nod at me as if giving me a little guts that he and Jana aren't fine. "Are with you us, Samantha?" kunot-noong saad ni Andy. "O-Of course." Sumulyap muli sa HOMIGEN na nasa likuran at nakasunod sa'min sa pagbaba partikular kay Lyndon na mababanaag ang kaseryosohan marahil sa hindi pagpansin ni Jana sa kaibigan nitong si Troy. "Babaero kasi.." bulong ko. "You saying something Sammy?" nagtatakang tanong ni Andy. "Wala, ang sabi ko mas maiging "one woman man" ka kaysa salawahan." "Korak!" pagsang-ayon ni Andy ma kumumpas ang kamay sa ere. "Big check!" malakas na saad ni Nana kapagkadaka. Nagsi-ubo at tumikhim ang mga kalalakihan sa likod lalo si Xavier na halos umaktong nabubulunan rason para batukan siya ni Kuya Richmond. "Salamat pare, muntik na 'kong malagutan ah?" pagpaparinig nito na ikinatawa naming tatlo. Umiling-iling na lamang sina Kuya Michael, Alex at Derreck. Samantala, halos sambakol ang mukha nina Troy at Lyndon marahil naaapektuhan ang dalawa sa simpleng pagpaparinig sa kanilang lahat. I glared at him once again. "Better luck next time, douche womanizer," I whispered and abruptly smirked with those thoughts that keeps on running through my mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD