CHAPTER 23

3185 Words
It sounds crazy if they hear my reasons of chasing Lyndon and that's the most foolish thing to do for somebody, but really? I don't care. Alam kong mahirap ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw sa'yo, ngunit ito lamang yata ang solusyon sa problemang kinakaharap. I kept on following him though he told me not to do so. He was with his friends inside the villa and I don't have any option but to follow him. Nalaman ko kasing kasama nito si Bridgette na kabilang sa kanyang flavor of the month. Iba-ibang babae kasi ang kasama ni Lyndon sa halos isang linggong pagsubaybay rito. At ang pinaka-kinaiinisan ay ang dalagang pinag-awayan namin noon. I couldn't able to swallow the truth that they had some intimate moment while I was in the States. Para siyang bubog na hindi kailanman matatanggal at lalong nagnanaknak kapag nagtagal. I'm with Andy and supported my foolishness all throughout the day. Kahit abut-abot na panenermon ang ginagawa nito ngunit nandiyan pa'rin siya para samahan ako. I wasn't able to drag Jana in this kind of stupidity because I knew that she has her own problem with Troy. Kasama ni Lyndon si Kuya Xavier, Richmond and Derreck, tila naghihintay ang mga ito sa ibang miyembro ng HOMIGEN. Marahil busy sina Kuya Alex at Kuya Michael sa kani-kanilang buhay o negosyo samantala, si Troy ay halatang hindi masyadong nakikihalubilo dahil ang pagkakaalam ko'y abala ang binata sa panunuyo sa matalik na kaibigan. It seems that the world turned upside down in the two of them, and I'm still hoping that it would be similar as what we have right now. Pang-ilang baso na yata ni Andy ang kasalukuyang sinerve sa kaibigan ngunit hindi pa'rin kami tapos sa pagmamatyag kung anong kakaibang kilos ang maaaring magawa ng babae. Napakatalas ng kanyang mga matang walang puknat sa pag-irap. Halatang iritado si Bridgette dahil naroon kami sa lugar na pinuntahan nila. "Ano girl, buong maghapon lamang tayong magpapakatanga sa kakasunod kay Lyndon?" angil ni Andy. "Ands, please just do me a favor. Parang awa mo na!" "Ewan ko ba sa'yo. Bakit mo kasi ipinagsisiksikan 'yang sarili mo kay Lyndon. Hindi pa ba malinaw sa'yong ayaw na niya? Finish! End! Tapos?" irap nito. "Ang sakit mo magsalita, ha?" "Kung hindi ko ipagdidikdikan sa'yo ang katotohanan, baka buong buhay mong gugugulin 'yang sarili mo kakasunod sa lalaking wala nang interes sa'yo." inabot nito ang tequila saka tinungga na parang tubig. "Anong gusto mo, ha? Hayaan na lamang siyang mapunta sa lintang babaeng 'yan? Hell, no way!" inagaw ko ang alak sa kamay ng kaibigan kapagkadaka'y diniretsong lagok, kahit sumigid ang mapait na lasa sa'king lalamunan. Huminga ng malalim saka dumiretso nang lakad sa mga nagkukwentuhang kalalakihan. Kasalukuyang kasama ng HOMIGEN si Bridgette ngunit tila natigilan ang mga ito, lalo si Lyndon nang tumungo ako sa harapan nila saka kinuwelyuhan ang binata at hinalikan sa harap mismo ng mga ito. Napasinghap sa ginawa ni Lyndon dahil mas inilapit ng binata ang kanyang bibig habang makikita sa gilid nang matang nakaawang ang mga kaibigan nito, maging sina Andy at ang maharot na babaeng linta. "Uhmp." pumalag ako nang maramdaman ang kamay ng binata sa bandang puwetan. It seems that he was treating me like a hoe or either hook-up he'd just met fron somewhere. "T-Tama na..." natatakot na siya sa mga kilos ni Lyndon. "You initiated it, woman. I haven't experienced a public s*x and it seems that it will be granted tonight, huh?" he grinned and wildly buss me but I push him away then I abruptly slapped Lyndon. Napaiyak ako sa kahihiyan ngunit mas nadagdagan ang iniinda nang pagak na tumawa si Bridgette tila nagustuhan niyang binabastos ako ng lalaki. "Part of the so called flavor of the month, huh?" tinaasan ako nang kilay ng dalaga rason para mangatog ang aking kalamnan sa tindi ng galit at awa sa sarili. Hinatak ni Bridgette paupo si Lyndon, at kitang-kitang nagpatinaod ang binata sa paanyaya nito. "Wanna join us?" muling saad ng babae habang panay ang punas ko sa mga luhang dumadaloy sa mata. "Samantha, let's go." seryosong saad ni Andy. "B-But...please Andy!" "Samantha let's go!" may diin ang bawat kataga ng kaibigan ngunit mariing umiling sa kanya. "Tsk!" anito. "You really want to join me in bed?" he smirked. Kahit nagmumukhang tanga o tuod sa harapan nila'y nilunok ko na ang pride dahil sa kagustuhang makasama ang binata. Tumikhim si Richmond saka nagsalita laban kay Lyndon. "Pare tama na. You're being too harsh. Si Samantha ang kausap mo," awat nito. "Siya ang naunang lumapit, Alcantara." "Pero kahit na, babae pa rin siya." pangangatwiran ng binata. "Buddies stop it. Baka kayo pa magkainitang dalawa. Sige na Andy, i-uwi mo na si Samantha." sabad ni Derreck. Hindi ko halos makita ang mga taong nakapaligid sa'min dahil nanlalabo ang mata sa mga luhang bumabalong sa pisngi. Maya-maya'y mayroong mahigpit na humawak sa braso ko, saka tumuluy-tuloy sa paglabas ng bar. Panay lamang ang punas ko sa'king mga mata at sunud-sunod na hikbi habang nagpapatangay kay Andy sa kung saanmang sulok nakaparada ang kanyang sasakyan. Pagkapasok pa lamang sa passenger seat ay kaagad tinakpan ang aking mukha sa kahihiyang pinaggagagawa sa sarili. Ni hindi ko halos makilala ang Samantha'ng minahal ni Lyndon. They said I was glowing before. Yes, that was in the past. When he was madly in love with me. When he was head over heels with me and when the only world he has...was me. Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hinayaan lamang ako ni Andy sa paghagulgol, ni hindi siya nakialam o nanisi sa mga nangyari. Maya-maya'y naramdaman na lamang ang kamay ng kaibigan sa'king baba tila inaamo ako dahil sa malakas na paghikbi o pagpalahaw. Marahang tinanggal ni Andy ang aking kamay na nakatakip sa mukha hanggang sa hindi makahuma dahil ang buong akala ko... "L-Lyndon." Malalim na bumuntong-hininga ang binata saka pinaandar ang kotse. Tahimik lamang ito habang nasa biyahe. Samantala, wala akong lakas na tutulan siya kung saanman niya dalhin dahil halos manlupaypay sa sakit na nadarama. "Stop crying," saway nito. Para akong batang sinasaway ng binata ngunit lalong naiiyak sa kung paano niya itrato. "I said, stop crying. " he annoyingly said. I wasn't able to grasp his mind about our situation right now. "Lasing ka ba, Samantha?" "G-gusto ko nang umuwi. P-pasensiya ka na kung---" "Nakailang tequila ka?" "I-isa." "Are you f*****g sure?" kunot-noo ang lalaki. "Y-Yes," nakatungo at kinukutkot ang saliring daliri. "Next time, if you want to get tipsy just make sure you could carry yourself. Hindi yung ang hilig-hilig mong gumawa ng senaryo para mapansin ka." Hindi mapigilang masaktan sa mga sinasabi ng binata. I feel ashamed of how I acted earlier. "A-About Bridgette..." panimula ko sa binata. "What about Bridgette?" he was touching his lowerlip while his other hand was controlling the maneuver. "D-Did you.." "Make out? Yes." Napasinghap ako nang tuluyan sa mga inamin ng lalaki. "Anything else you want to know?" he lazily uttered. Marahang umiling kasabay nang unti-unting pagtulo ng luha sa sakit na nararanasan sa ngayon. Bahagyang sumipat si Lyndon sa gawi ko ngunit itinuon din kaagad ang mata sa daan. Balewala sa kanya ang bumbalatay na pighati sa'king ekspresyon. Lalo nitong binilisan ang patakbo sa kotse, subalit sa mga nagsasalimbayang problema at hinanakit ay hindi na napapansin ang paligid. Sadyang nakatulala habang pinagmamasdan ang mga nadadaanang poste ng ilaw sa high-way. I kept on wandering why it happened? I'm begging to go back from those years when Lyndon wasn't the man beside me right now. Nang huminto ang sasakyan ay saka lamang natauhan sa pagmumuni-muni sapagkat pamilyar na lugar ang pinagdalhan ni Lyndon sa'kin. Ang serenity place naming dalawa noong magkasintahan kami. Dito kung saan nabuo ang mga salitang "oo, mahal kita." "Baba." anito. "I-I want to go home." mahinang saad ko. "You wanna talk to me, right? Dito pa lamang tapusin na natin 'tong pag-uusap na gusto mo." Halos hindi makapaniwala sa kung paano niya kausapin. He doesn't have any respect on his tone, as if Lyndon was just talking to some woman he never knew. "Baba na!" singhal nito rason para mapilitang bumaba sa loob ng kotse. Kapagkadaka'y hinatak niya papasok sa hardin kung saan nakatayo ang dating mini-house na pinagawa ng binata. Nang makarating sa tapat ng munting bahay ay saka lamang niya padaskol na binitiwan. Naghahalinhan ang aking mga luha habang hindi makapaniwala sa halimaw na nilikha sa puso ng lalaking minamahal. "Talk!" "L-Lyndon I wanna go home." "f*****g talk!" Punung-puno nang luha ang mga mata at halos hindi makahinga sa ginagawa ng lalaki. "L-Lyndon..." "After this f*****g conversation, please have some decency to avoid my path. Huwag kang parang asong sunud nang sunod sa'kin." Pinunasan ko ang pisngi at hindi makahuma sa mga masasakit na salitang narinig sa binata. "What the f**k do you want from me?" malutong na singhal nito. "s*x? f**k?" muling saad ng lalaki. "Mahal na mahal kita Lyndon! N-Nakikiusap ako 'wag ganito..." "Psh, love?" he grinned. "P-patawarin mo 'ko, k-kasalanan ko kung bakit n-nawala si Granpy," hindi na marinig ang aking boses sa labis na kahihiyan. Lumarawan ang galit sa kanyang mukha at hindi maipaliwanag ang tindi ng pagtiim nang kanyang bagang sa mga narinig mula sa'kin. Tumalikod ang binata saka tinukod ang dalawang kamay sa barandilya malapit sa balkonahe. Panandaliang katahimikan ang namayani sa'ming dalawa at tanging mga hikbi na nanggagaling sa'kin ang kasalukuyang madidinig. "Sana ganyan lamang kadali maibalik ang buhay ni Pops. Araw-araw Samantha, araw-araw sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nawala siya sa mga kamay ko." Muling humarap ang binata dahilan upang malayang mapagmasdan ang kanyang ekspresyon na tila puno ng galit. "L-Lyndon I-I'm sorry." "He would never hear any of our sorry. My grandfather was already in his own grave. Kasalanan ko kung bakit siya nawala, dahil nagmahal ako ng labis sa babaeng hindi karapat-dapat mahalin." Lalapit sana upang yakapin ang binata ngunit hinarang nito ang kanyang sariling kamay. "Maniwala ka Lyndon mahal kita. Mahal na mahal kita hanggang ngayon." nanunubig na'ng aking mga mata sa pagtangis ngunit hindi kakikitaan ng awa ang reaksyon ng lalaki. "How can I f*****g believe a liar like you? Kailan mo 'ko minahal?" hinawakan niya ang aking braso nang napakahigpit. "N-Nasasaktan ako l-love," "Noong tinuturuan ba kita? Taga-salo sa lahat ng kapalpakan mo? Taga-unawa sa mga kamalian mo? Kailan?" sigaw nito. "Tama na! Tama na please..." nagtakip na 'ko sa tenga sa tindi ng emosyong binibigay nang sitwasyong kinasasadlakan ngayon. "You're such a f*****g user, woman. You just used my capabilities and feelings to get what you want. Pinagsisisihan kong minahal ko ang kagaya mong immature at duwag." Hindi alam kung saan ipapaling ang ulo sa tindi ng sakit na lumalatay sa puso dahil sa galit na namamayani sa binata, rason para mapaupo sa harapan niya at humagulgol na parang bata. "Tumayo ka diyan! Hindi lahat nakukuha mo sa pagpapaawa Samantha. This is the last time that we will talk about those bullshits in the past. Sana ito narin ang huling pagkakataong ipipilit mong bumalik tayo sa dati. Maawa ka sa sarili mo, tanggapin mo na lamang na wala na'kong nararamdaman para sa'yo." "L-Lyndon tama na, sorry, sorry please..." halos nakayuko sa paanan ng binata ngunit tinayo lamang ng lalaki habang wala pa ring tigil sa pagdaloy ng luha sa'king mga mata. "C'mon, go inside the car. I'll ride you home." "I-Iwan mo na 'ko. I'm fine here." "I'll ride you home. Go get inside the car!" he shouted at me. "I could go home alone." I said softly. Humihikbi-hikbi na tila parang basang sisiw o pinagsakluban ng langit ang lupa habang nakatulala. "Putang ina naman hindi ka ba sasakay sa sasakyan?" singhal nito ngunit tinignan lamang ang binata habang tumutulo ang luha. Nabahiran nang kalambutan ang kanyang ekspsreyon ngunit kaagad ding nawala at nahalinhan nang galit ang kanyang mga mata. Kalauna'y dumiretso sa nakaparadang sasakyan saka mabilis pinaharurot palayo sa naturang hardin. Doon parang unti-unting nanghina ang tuhod sapagkat hindi nagdalawang-isip ang lalaking iwanan ako kahit sa napakadilim na lugar, isa lamang palatandaang wala na talaga siyang pakialam. Pumasok sa mismong bahay na tila matagal nang naabandona dahil ramdam ang kalungkutan sa paligid. Malinis ang kagamitan suhalit ibang-iba ang ayos kumpara noon na mayroong mga palamuti sa bawat sulok. Sinipat ang lugar kung saan inilaan sa'kin ni Lyndon kapag gusto kong magpinta. Punung-puno ito ngayon nang mga nakatambak na kagamitan at halos inaagiw ang parteng iyon nang bahay. Laglag ang aking balikat na umakyat sa taas kung saan nakabalandra ang kamang nakalaan sana sa'ming dalawa saka walang patumangging humiga roon at idinantay ang mukha sa una'ng nakapwesto sa bakanteng higaan. I couldn't able to process the things that are happening to me right now.  Sunud-sunod ang mga luhang lumandas sa'king mga mata habang binabalikan ang aming mga masasayang ala-ala. Hanggang sa bumigat ang talukap at sadyang hindi na nakayanan ang pagod 'di lamang pisikal kundi maging emosyonal. KINABUKASAN, naramdaman ko na lamang ang sinag nang araw na tumatama sa'king mukha, sapagkat nakaharap sa bintana. Kung kaya tanaw na tanaw ang malaking punong nakatapat sa mini-house. Payapa ang mga ibong pang-umaga na nakadapo sa sanga, maging ang maliit na bukal sa gilid nito ay kitang-kita sa bintana. Maya-maya'y medyo natigilan nang mayroong kumaluskos mula baba, marahil sa bandang kusina kaya dahan-dahan akong bumaba. Doon nakita ang isang medyo may edad na babaeng nag-aasikaso sa mismong harap ng kalan. Nang lumingon ang babae'y bumungad sa'kin ang kanyang masayang mukha. "Magandang umaga po Ma'am. Ako po si Rosa ang care taker ng mini-house ni senyorito." "P-Paanong--" "Ay Ma'am, tuwing umaga po talaga akong pumupunta rito kahit walang tao, para tingnan o rikisahin ang mga gamit. Bilin po kasi sa'kin ni Senyorito'ng linisin palagi ang  bawat sulok nito." "Si--" "Si Senyorito po?" "O-Oo," "Binilin lamang niya sa'king asikasuhin kayo kagabi. Tumawag ho kasi siyang may bisita siyang nakikituloy rito kaya mas maaga po akong pumunta." Inilapag ni Aling Rosa sa mesa ang platong naglalaman ng agahan saka ako niyayang kumain. Hindi matanggihan ang matanda lalo't mabait ang bukas ng kanyang ekspresyon. Kahit walang gana sa pagkaing nakahanda'y pinilit sumubo habang nakatulala sa malayo. Nagsabi rin ako kay Manong Toby na sunduin malapit sa lugar na kinaroroonan dahil ayokong malaman nila, lalo ni Daddy na pumunta sa lugar na 'to sapagkat ayokong muling paasahin ang amang magkakabalikan kami ni Lyndon. I don't want to fail him anymore, I don't want to show how I made mistake on trading temporary happiness for a supposedly lifetime joy with the man I love. Naputol ang pagmumuni-muni nang may tumikhim mula sa likod at doon natigalgal ng makita ang binatang dala-dala ang isang paper bag na animo pinamili nito sa supermarket. He was wearing a simple white-fitted sando and black cargo pants therefore, my heart skipped for a second or so. Lalong nakadagdag sa kanyang appeal ang pagiging rough nang kanyang dating, maging ang three peircing ng binata sa kaliwang tenga ay talagang nakababaliw kung iisiping malapit lamang siya sa'kin. Ibang-iba ang dating Lyndon sa lalaking kaharap ngayon sapagkat bukod sa mga matang kakikitaan ng lambing noon ay tila nabagdan ng kagaspangan at angas ang klase nang kanyang tingin ngayon. He became mature looking which thoroughly added to his hotness. Hindi niya 'ko kinibo at basta na lamang inilapag ang mga pinamili sa hapag, saka nagbukas ng refrigerator rason upang mapagmasdan ang phoenix stencil tattoo ng binata malapit sa batok. The Lyndon Santiago  I used to know will never undergo any of these things which make his Mamita angry. Nasaan na kaya si Granmy? Nakamasid lamang ako sa binata maging sa kanyang kilos hanggang sa diretsahang tumingin si Lyndon sa gawi ko. "Are you done?" he roughly asked. "Y-Yes." "Good. When will you leave?" "Tumawag ako kay Mang Toby. S-Susunduin niya 'ko mamaya--" "No need. I'll ride you home," "Huwag na, salamat." Gusto kong iwasan ang lalaki dahil iyon ang nais niya. Simula ngayon susubukan kong gawin ang dapat sana noon ko pa ginawa. I should start to let go the man I love for the sake of showing him how much I love him evethough, it will surely break my heart into million pieces. "Fine." Lumabas ang binata sa kusina. Samantala, nanatili ako sa loob upang hugasan ang mga plato sapagkat tila wala na yata si Aling Rosa maging sa labas nang bakuran. He maybe asked her to leave or he doesn't want me to stay here any longer henceforth, the lad asked me if when shall I leave his house. Pinunasan ko ang aking kamay saka nag-aalinlangang lumabas ng kusina ngunit kailangan. Dahan-dahang naglakad patungo sa mini-livingroom area saka naupo nang maayos habang hinihintay ang aking sundo. Ipinagpasalamat kong wala roon ang lalaki, marahil lumabaso di kaya umuwi na habang naghuhugas ako ng plato. Muli akong tumayo hanggang sa naisipang lumabas at tumungo sa malaking puno na mayroong maliit na bukal. Umupo ako sa damuhan at tumingala sa punong nagbibigay nang lilim. Doon lalong nakaramdam ng sakit sa puso sapagkat parang kahapon lamang ang mga magagandang ala-ala naming dalawa habang nakatingin sa malawak na hardin. Nakahiga sa kanyang bisig at nagtatawanan o kung minsan ay naghahabulan at hihigang sabay sa damuhan. Mariin kong pinikit ang mga mata saka tuluyang dumaloy ang masaganang luha sa mga mata. I sullenly smiled with the thought of releasing this pain inside my ticker. Iisipinl pa lamang na iiwasan ang lalaki'y parang guguho ang mundong tinayo ko habang wala sa tabi niya, sa pangungulila sa tuwing aabutan nang pagod o pag-iisa. Bahagyang pinunasan ang mga luhang naglandas saka naisipang bumalik sa loob. Hanggang sa mamasdan ang lalaking nakatunghay sa veranda tila kanina pa nanonood mula sa malayo. 'Imposibleng pag-aksayahan ka niya nang tingin o panahon Samantha' Tahimik na bumalik sa loob ng bahay, kapagkadaka'y naupo sa medyo may kaliitang sofa'ng nakapwesto sa sala. I'm waiting for our driver to pick me up near in this site thought, it seems that he wasn't responding.  Nakatungo ako habang nakatingin sa sahig at 'di maipaling ang ulo sa lalaking kapapasok lamang sa loob. He arrogantly slouched on the single-seater in front of me. "Want some beer?" anito. "N-No, thanks." Bahagyang tinignan ang lalaking mayroong hawak na tin can ngunit kaagad ding binawi ang aking mga mata sa binata. I promise to let him go and never chase Lyndon anymore because that's what he wants. "Ihahatid na kita mamaya." "I phoned Mang Toby to pick me up at the corner site." I said. "He'll be surely arrive here for decades." using his sarcastical joke. Matagal namayani ang katahimikan habang ang tanging naririnig ko lamang ay ang kanyang sunud-sunod na paglagok sa alak na hawak. "f**k, I'm done." he suddenly bursted out. He dragged my arms and kissed me torridly which more likely been compared to a lion that devour his prey.  Lyndon slid his tongue and pushed me over the couch. "L-Lyndon stop.." "Stay still, dammit!" he eagerly uttered. Walang lakas upang tutulan ang binata sa kanyang ginagawa. Hanggang sa inayos niya ang aking higa saka sinimulang sunggaban ang aking dibdib. Ayoko mang aminin sa sarili ngunit bakit walang makapang kahit anong pagtutol sa ginagawang kapangahasan ni Lyndon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD