DUMIRETSO NG MANSYON kasama ang kaibigang si Andy. Hindi maiwasang mabigla dahil sa pagkawala ni Jana sa araw na pinakamahalaga para sa'kin. Umuuwi rin naman ako sa Pilipinas sa loob ng dalawang taon ngunit dalawa o tatlong araw lamang ang tinatagal sapagkat maraming kailangan asikasuhin. Kulang na kulang ang araw para sa'min nina Nana sa twing' tutungo sa kanila at magkukwentuhan.
Pagkatapos, ngayong for good na sa pinas saka naman hindi mahagilap ang dalaga. They didn't drop any memories of Lyndon wheneverytime I spend my vacation though I also didn't bother to ask because it might get me destructed. I need to focus on my goals before going back here in the Philippines. I have to prove that I will bring pride and fulfill my promises to Daddy when we've had a serious conversation over the phone right after I went to US.
'Go on with your whims Samantha but be sure that you'll going to win his heart again or else, I will disown you in everything that you have right now,'
Kahit hindi siguro ipilit ng ama'y gagawin nang kusa sapagkat mahal ko ang lalaki. Hindi maipaliwanag ang lahat ng kasabikan sa puso at iniisa-isa ang mga dapat gawin sa araw na ito. Gusto kong simulang dalawin ang mga taong hindi nabigyang paliwanag ng biglaang pag-alis. Magsimula kasi no'ng tumungo sa States ay walang balita sa binata, nahihiya naman akong magtanong din sa mga malapit sa lalaki o miski si Nikki. I tried to stalked his profile or any social media account but he didn't update any post since I left. Maybe he changed his accounts? Maging si Nikki ay wala akong ideya kung bakit naging pribado ang lahat ng socmed nito.
Hindi rin naman ako kinikibo ni Daddy kapag nagbabakasyon nang ilang araw sa Pinas. He's very devoted or loyal to Lyndon Santiago eventhough I'm her legit daughter. Ayaw ring magkwento ni mommy at napapabuntong-hininga sa t'wing ilalapit ang topic tungkol sa binata. I had never visited Love at 60's Cafe eversince we broke up 'coz I, myself was very ashamed of what I did.
Unang araw sa Pilipinas at ang planong gawin ay maglalakas loob na bisitahin ang cafe o ang dating paaralan. Sariwain ang lahat nang aming pinagsaluhan.
Kahit paano hindi nabigo sa tinahak na daan dahil nakilala bilang isa sa arising fashion guru sa industriyang pinasok. Maraming vogue model ang nagawan ng mga de-kalibreng disenyo ng kasuotan o lingerie. Napabilang sa mga new faces of trendsetter fashion at na-cater sa ilang international interviews. Epitome of succes has been very positive to me but one thing I haven't got while I'm on the top...my father's approval and the man I truly love. Ni hindi ko nakitang naging proud si Daddy sa lahat ng tinatamasa kong tagumpay sa larangang napili. Marahil para sa kanya iba ang kahulugan ng tagumpay. Ito ay ang pagpapatakbo sa kanyang mga negosyo.
PAGKABABA sa hagdan ay nasalubong si Manang Gina na paakyat sa ikalawang palapag.
"Hi Manang, where's mommy and daddy?"
"Ay senyorita umalis po sina Don Harold at Donya Amanda."
"Where?" I frowned.
"Hindi ko po alam. Wala namang sinabi o ibinilin."
"Thanks! Pagkarating nila pakisabing may pinuntahan lamang ako sandali."
"Opo,"
Tuluyang umakyat ang katiwala na mayroong hawak na walis. Hindi nag-abalang hanapin si Manong Toby dahil baka isinama ng dalawa. I just used my own car to go somewhere else.
Mabilis pinatakbo ang sasakyan patungo sa kabisadong daan. Ilang oras halos ang itinagal nang pagmamaneho dahil sa pinagsamang traffic jam at medyo may kalayuan ang lugar.
I strode at the avenue wherein the first time we've met then I gradually felt a bit of nostalgic emotion towards those memories. Naaalala ko ang mga pagkakataon na halos sundan ang binata at kulitin para lamang maging private tutor.
"Gosh Samantha you were too desperate for his attention. Fine, even until now." usal sa sarili habang nasa loob ng sasakyan at tila naestatwa sa gilid ng kalsada.
Naisipang bumaba sa kotse saka naglakad nang mabagal patungo sa dulong kanto kung saan nakatayo ang pinakapaboritong kapehan kapag feeling inlove. I will apologize to Granmy Lina at Granpy Andres 'coz I have badly hurt their grandson. Babawi ako sa mga nagawang masama sa binata hindi lamang sa gustong maabswelto sa kahihiyang dinala kundi dahil sa rasong mahal na mahal ko ang binata hanggang ngayon. Walang nagbago sa nararamdaman para sa kanya. This time, I am confidently say that I would fight for the overdue proposal of Lyndon.
Nang makarating sa pinakadulo ay humarap sa malawak na wall mirror kung saan dating nakaupo sa isang pabilog na mesa. I even saw my teenage self inside the coffeeshop waiting for the man that I love taken from the vivid memories of the past.
Pumasok sa loob habang masiglang nakangiti ngunit unti-unting nabura nang ibang desenyo o ayos ang naabutan sa loob.
"Hi Ma'am goodmorning what can I do for you?" anang waitress.
"B-Bago lamang kayo rito?"
Medyo nagtaka ang babae sa tanong ko.
"Naku Madame' mag-iisang taon at kalahati na po."
"But is it still the same coffeeshop I've known? T-The love at 60's cafe?"
"Ma'am Kelly's Cafe na po ang pangalan nito." anang babae.
Hindi man lamang napansing iba na ang signage sa harap dahil sa pagkasabik na makita ang dalawa.
"N-Nasaan ang dating owner nito?"
"Hindi ko po alam Ma'am, bago lamang po kasi ako rito."
"I see. C-Can I order the perfect combo? I-I mean one sliced of blueberry cheescake and coffee j-jelly." mahinang saad sa babae.
Hindi maiwasang malungkot sa nadatnan sa dati naming tagpuan. Naduduwag akong pumunta kina Granmy at Granpy kaya matapos tikman ang mga inorder ay iniwan na lamang kahit kaunti ang naibawas. I've decided to call Andy 'coz I don't wanna stay in our house. Wala rin namang makausap sa ngayon habang naghihintay ng panibagong proyekto sa New York. Meanwhile, Andy and I are talking about the newest venture we're planning to put up since we are on the same field.
"Andy where are you?" whilst I was driving nowhere.
"I'm here at the mall why?"
"Can I go with you? I feel so bored in the house."
"Ang saklap naman nang beauty ko sa'yo 'Day!" pagtataray nito.
I just chuckled.
"Whatever. Going there right now..." I rolled my eyes.
"I'll wait you here. Bilisan mo gaga!"
Pinasibad ang kotse habang binabagtas ang mall na kinaroroonan ng kaibigan. Ilang minuto lamang ang nakalipas ng makarating sa tapat ng sosyaling mall. Kalauna'y matamang pumasok sa loob saka tumungo sa milk tea shop na tinatambayan ng kaibigan. Maya-maya'y namataan si Andy sa loob na halos matabunan ng kanyang mga shinopping rason para pagtinginan kami ng mga taong naroroon. Maybe they're not get used to some splurge moment of my friend. Hindi rin kasi biro ang mga tatak ng kanyang mga shopping bags na akala mo suki ng Gucci at LV, pati mga newest edition Louboutin na tanging sa mall lamang na ito matatagpuan.
"Hi!" anas ko.
"Jusko muntik na kong magkaugat!"
"Hey ang arte-arte mo ha! Ilang minuto ka bang naghintay aber?"
"Ten minutes, duh?"
I rolled my eyes the he chuckled.
Magkasabay kaming umalis sa coffeeshop upang tumungo sa nakaparadang sasakyan sa carpark. Doon naglakas-loob na tanungin ang kaibigan ukol sa mga nangyari sa nakaraan. He was silently driving around BGC to look for a resto. Halos mag-aalas dose narin kasi kaya nagyaya si Andy na kumain.
"Ands..."
"Yah?"
"What happened when I left t-two years ago?"
Napalingon si Andy sa gawi ko saka bumalik ang mata sa kalsada, medyo matagal natigilan ang kaibigan bago bumuntong-hininga.
"I thought you're not going to open this topic anymore. Hinayaan ka namin ni Jana na hindi pag-usapan. Why so sudden?" seryoso ang kaibigan.
"I-I went to Love at 60's cafe but I wasn't expecting that--"
"It was closed a month after you left him."
"B-Bakit?"
"I'm not the right person to unlock those pasts Sammy, I'm sorry. He must be the one to tell you these things dear," paumanhin ng kaibigan.
Naiintindihan ko kung anong pinaggagalingan ng mga sinasabi ni Andy ngunit kailangang malaman ang lahat.
"Where can I see him aside from his office?" I asked.
Kumibot ang labi ni Andy animo natigilan sa mga tanong. Bumundol ang kaba sa dibdib sa pananahimik nito. Ayoko ring puntahan si Lyndon sa kanyang opisina sapagkat hindi iyon ang tamang lugar para makapag-usap.
"M-Madalas niyang kasama si Xavier o ibang HOMIGEN sa Flip Bar. I saw him last time when I went out with some of our close friends."
"We have to hang out until tonight. Please Andy could you give me this as a favor?" pakiusap dito.
"Do you really want to see him?" I can sense some doubt in his voice.
Bakit ganito na lamang ang pag-aalinlangan sa mukha ni Andy? Anong ikinatatakot niya kung kakausapin ang binata? I'm still into him and I want to clear some things out from our conflicts.
"Yes." I affirmly stated.
BUONG MAGHAPON kaming naglamyerda sa daan at hinintay ang gabi dahil nakikita raw madalas si Lyndon sa Flip Bar kasama ng kanyang mga kaibigan sa ganoong mga oras. Di katagala'y tumuntong sa alasdiyes bago dumiretso pagtungo sa lugar kung saan una ko siyang nasilayan noong highschool days.
Pagkapasok sa loob ay karaniwang magulo ang paligid animo walang pinagbago at ang tangi lamang yatang nagbago ay ang ilang ayos o mas naging modernized ang lugar kumpara sa dati. Mayroong mga ibang kabataang naroroon na angat sa estado sa buhay.
"Andy when they usually hang out here?"
"I saw him around eleven before." malakas ang boses ng kaibigan dahil sa malakas na tugtugan.
Maya-maya's sinamahan kami ng waiter para sa maliit na couch saka binigyan ng mga inumin at pulutan. I don't have any plans of getting wasted or drink an alcohol therefore, Andy was the one who sipped all those beverages yet in a moderate way. Nilibot ang paningin hanggang sa matanaw ang pamilyar na bulto ng lalaki.
"He's here best!" anunsiyo ko kaya muntik mabulunan si Andy tila hindi mapakali ang naging reaksyon dahilan para mapakunot-noo.
Tumayo ako saka nagmamadaling nilapitan siya nang mahinto ako sapagkat mayroong umupong babae sa tabi nito. A later or so, I witnessed how their lips met.
"L-Lyndon, mahal" natutulala sa kakaibang awra ng lalaki.
Naglayo ang kanilang labi ngunit ang mas ikinabigla'y hinatak nito ang babae patayo habang tuwang-tuwa ang dalaga sa kanyang mga kilos.
"What do you want baby?" malanding tanong nito.
"Sex." maikling saad ng binata.
The woman chuckled and trying to seduced him even in public.
Tumayo ang mga ito animo hangin lamang sa kanilang harapan. They were very selective from their lustful words to each other. Para lamang akong hanging dinaanan ni Lyndon kahit siguro nakita nang binata'y sinadya niyang balewalain.
"L-Lyndon let's talk!" hinawakan ko ang kanyang kamay ngunit biglang tinulak ng babae palayo.
Lyndon just stared at me coldly.
"Who the hell are you?" anito.
"Hindi ikaw ang kausap ko miss kaya pwede ba 'wag kang epal?" anas ko.
"Excuse me? Ikaw ang epal kita mong paalis kami 'di ba? Who the hell are you b***h?" matapang ang dalagang kasama nito.
"Please Lyndon let's talk..." muling humarang ang babae habang kalmadong nakapamulsa lamang ang binata tila walang pakealam kahit anong mga sabihin ng kasama nito sa'kin.
"Sino ka ba ha?"
"You should be the one to ask yourself w***e! Oh I'm just his girlfriend so could you f*****g back off!" anas ko.
"Do you know this woman Lyndon? Girlfriend? Nangangarap ka yata miss?" she chuckled.
"Lyndon please let's talk. Nakikiusap ako"
Tinulak ng babae ngunit doon na nagsimulang pumalag sa kanya kaya akmang sasabunutan ko ang dalaga ng pumagitna si Lyndon.
"Let's just meet some other time baby. You know where my place is?" he cupped the woman's face then he kissed him hotly in front of me hence I looked away.
"But--" napaawang ito.
"Here's my business card." Lyndon gave it cooly to that b***h and she fully accepted that piece of info card then started to went outside the bar, yet before she left the woman stared at me from head to toe.
Tumungo si Lyndon sa mini bar station saka inabutan kaagad ng pasabache na may lamang alak, animo madalas ang lalaki sa lugar na ito hindi tulad dating minsan lamang nagagawi sa ganitong kagulong paligid.
Hindi makapaniwalang sobrang laki ng nagbago rito maging sa pananamit. Ayoko mang aminin ngunit mas gusto ang porma niya ngayon animo mas nagkadating subalit mas sanay sa dating Lyndon na disente at may respeto sa babae.
"Speak woman, I don't have much time with drama," hindi ito nakatingin sa'kin saka tumungga.
"I-I just want to apologize f-for leaving you..." walang maapuhap na sabihin.
"Forgiven."
"L-Lyndon I want us to go back..."
"Kung iyan ang gusto mo kaya mo 'ko kinausap, wala kang mapapala sa'kin. Matagal na tayong tapos at wala akong balak ipagpatuloy ang pakikisama sa'yo. Nagsasayang ka lamang ng panahon." putol nito sa nais sabihin.
"L-Lyndon please just let me explain,"
He smugged the corner of his lips then straightly glinted at me.
"Do you think I'll accept you right away? Babalik ka kung kailan mo gusto pagkatapos mong mang-iwan tapos tatayo ka sa harap ko na parang walang nangyari?"
"L-Lyndon I just have to do it."
"Like I told you I don't have time for your s**t Ms. Añorivas. Tama na ring nangyari 'yon. Oh and I should thank you for showing me that being a douche bag or a boring man isn't any good gain."he drank the last shot of alcohol.
Inilapag nito ang baso sa bar station saka akmang aalis sa harap ko ngunit pinigilan ang kanyamg braso.
"Lyndon please, don't go let's talk I need.."
"S-Samantha tama na 'yan" hinatak ni Andy ang isang kamay dahil halos magmakaawa sa lalaking 'wag umalis.
"No, A-Ands" nagsimulang tumulo ang luha.
"Andy pwedeng ilayo mo sa'kin 'yang kaibigan mo?" matigas ang boses ni Lyndon.
"S-Samantha let's go," ani Andy.
"Hindi ako aalis sa harap mo hangga't 'di tayo nakakapag-usap ng maayos. Love, please talk to me, please?"
"Sammy tama na 'yan, tara na!" kumakawala sa kaibigan saka lumapit sa lalaki ngunit imbis na intindihin ako'y basta na lamang nanghatak ng babae si Lyndon saka hinalikan sa harap ko.
"Your place or my place?" anas sa babaeng nabigla kapagkadaka'y nagustuhan yata nito kaya nakisakay sa sinasabi ni Lyndon.
"Your place?" the woman frowned.
"Great," hinatak ng binata ang estranghera saka dumaan sa harapan papaalis sa bar samantala, para akong tinulos na kandila sa ginawa ni Lyndon.
"A-Andy, w-what happened? Why you didn't tell me!"
"I'm sorry Samantha I don't want you to get hurt."
"K-Kasalanan ko kung bakit siya naging ganoon. It's all my fault!" halos mabalong ng luha ang mata.
"S-Samantha enough of blaming yourself. We should go, I'll ride you home." anas nito.
"No Andy, what happened?" I devastatingly asked him.
"S-Sammy," anas ni Andy.
"What the f**k happened two years ago! Please, please Andy..."
Bumuntong-hininga ang kaibigan habang ang reaskyon ay nakikisimpatya sa mga nangyayari. I have felt sorry for how I created monster beneath his personality.
I want old Lyndon back.
"Samantha ayokong sa'kin manggaling ang lahat--"
"f**k Andy goddamn tell me please!" I pleaded.
"His grandfather died b-because of--"
"G-Granpy Andres? No! No! Tell me you're just lying, no, no, please!" namamaos na habang nakatingin ang ilang mga tao sa paligid kaya inakay palabas ni Andy.
Halos matulala sa mga sinabi ng kaibigan sapagkat hindi makapaniwalang wala na si Granpy at dahil, dahil iyon sa mga nagawa ko kay Lyndon.
"They had some heavy arguments that day then his grandfather had an heart attack right at that moment in his own arms--- the old man died."
Naitakip ang bibig sa sobrang pag-iyak habang nagkukwento si Andy na seryosong-seryoso ang mukha.
"After Lolo Andres passed away he became much different and worst dear. He became heartless even in the field of business, especially to women."
Hindi makahinga sa mga sinasabi ni Andy kaya hinaplos-haplos ang likod ko ng kaibigan upang makalamay ang loob sa mga sinabi nito.
"And it's all my fault. Sana sumunod n-na lamang a-ako kila Daddy, sana.." hindi makapagsalita sa sobrang hikbi.
"Shh, tahan na best walang gusto ng nangyari.."
Andy started the engine and drove me home although I still wanted to see Lyndon and come up with my decisions.
"Andy I will make it up to him," masaganang tumulo ang aking luha.
"Samantha don't make yourself low. It was still Lyndon's choice if why he want to ruin his life."
"But I'm still the main reason if why it happened Ands,"
Hindi kumibo ang kaibigan saka ako mahigpit na niyakap upang kahit paano'y lumubag ang aking kalooban dahil parang nginangatngat ng konsensiya ang puso ko sa mga nangyari sa lalaking minamahal. Lyndon truly doesn't deserve those things which were happened in the past that merely because of me.
KAPAGKADAKA'Y malungkot na nagpaalam kay Andy dahil sa mga natuklasan kaya ipinangako sa sariling babawi sa lalaki kahit anong mangyari. I went inside the mansion then I saw my mom who was very anxioius about how I look.
"What happened to you?" nagtataka ang ina.
"Mom..." sumalubong sa ina saka humagulgol ng malakas.
"Samantha what happened?"
"M-mom I'm really sorry. H-Hindi ko sinasadya!"
"Anak, anong nangyari?"
Lalong nabalong nang luha sa mata sapagkat sa tuwing maiisip ang lahat ng nangyari ay parang sasabog ang puso.
"S-Sana nakinig na lamang ako kay D-Daddy. S-Sana hindi namatay si Granpy, sana hindi nasira ang buhay ni--"
"Shhh. Walang may kasalanan ng lahat iha, tumahan kana."
"No mom, it was all my fault. Bakit hindi niyo sinabi..." I wept.
"Ayokong dumating ang ganitong sitwasyon habang inaabot mo ang mga pangarap mo noon anak."
"Mom it seems that all my dreams are in vain, I never think those people who sacrifices everything for the sake of my security. And it's Lyndon mom," halos maupos na parang kandila sa mga posibleng sakit ng kaloobang dinanas ng binata noong tinakasan ko ang commitment, o pagmamahal sa kanya dahil naduwag ako.
"I regretted the day that I left him...