CHAPTER 12

3870 Words
"YOU MUST BE MY GRANDSON'S GIRLFRIEND?" magiliw na saad ni Granmy Lina. Natuptop ang bibig dahil sa tanong ng matanda ngunit bahagyang tumango saka dahan-dahang nilapag ang dalang pagkain sa Island bar. "Pwede bang mayakap ang bagong miyembro ng pamilya?" dagdag ng ginang. "Of course Mamita." Lyndon respectfully uttered. Inalalayan palapit sa dalawa saka niyakap ng matandang babae kahit hindi parin makapaniwala sa natuklasan. "Are you okay Samantha?" sabad ni Grandpy Andres. "O-Opo" "Maybe she wasn't expecting this," anang binata. "Don't be shy iha. We're glad to have you in our humble lovenest." sabad ng ginang. "Salamat po," magalang na tugon dito. "Let's dig in with these food in front of me" anang ginoo saka inakbayan ang kanyang apo. Tumungo kami sa kumedor saka nagsalo sa dalang pagkain maging ang mga niluto ni Granmy Lina'y hindi makalimutan ang lasa dahil masasarap ang mga ito. "Kayo po lahat ang nagluto nito Granmy Lina?" tanong ko. "Yes iha, would you like to bring some of these meals in your house? Ipasalubong mo sa mga magulang mo." masayahing suhestiyon ng matanda. Bahagyang natigilan saka tumingin kay Lyndon sa maaaring isipin ng mag-asawa kung malaman ng dalawang lihim lamang ang aming relasyon lalo sa'king mga magulang. "Yes Mamita she'll bring some," simpleng sagot ni Lyndon kung saan pinabulaanan na lamang ang sagot ng binata. "That's great." ani Granpy. Matapos mananghalian ay nanatili kami sa balkonahe para sandaling magpahinga't sumimsim ng kape. Samantala, naglalaro ng chess ang mag-lolo habang naiwang nakaupo kasama si Granmy Lina. She was smiling all throughout while watching those precious men at the corner. "Para kang nag-alaga ng mga bata kapag magkasama ang dalawang iyan." kapagkadaka'y panimula ng ginang. "Mukha nga po." She cackled and sipped her coffee. "Lyndon is such a gentle guy and a loving grandson iha. I'm so happy 'coz he made a right choice." the old woman muttered. "S-Salamat po Granmy." "He grew up here in the Philippines without his father. Namatay ang mommy niya dahil sa sakit na kanser. My daughter had been fighting for two years but didn't survive because of Big-C. Simula noon, naiwan si Lyndon sa pangangalaga naming mag-asawa nang inabandona siya ng sariling ama. Lito were happily married in States right now and he's trying to reach out with Lyndon but it seems that my grandson didn't want any of his attention at all. Ang gusto ko sana maging maayos sila kahit may ibang pamilya na'ng daddy niya. After all, Lito is still his father," Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi nagkukwento masyado ang lalaki tungkol sa mga magulang niya, lalo kung ang pag-uusapan ay konektado sa sarili nitong ama. He's always telling me some wonderful stories about his mom. We even visited the grave of Mrs. Catalina then he introduced me with his mother. "Checkmate Pops!" sigaw ni Lyndon saka tumalun-talong parang bata. "You're such a master apo, bowdown to one of the legend." puri ni Granpy Andres "Did you see that love? I won over this old handsome man here!" anito sa gawi ko. Nagkatinginan lamang kami ni Granmy saka magkasabay na tumawa sa kakulitan ng nobyo. I discovered how soft-hearted he was especially if Lyndon is with his kind of 'people'. Komportable ang binatang ilabas ang tunay na siya kapag kasama ang pamilya o malapit sa kanya tulad nina Granmy at Granpy maging ang HOMIGEN. He's such a gem for me and I don't wanna waste those chances whom God lent me from having such a kind-loving boyfriend. "Ah-huh you're the best compare to that old man." Granmy flickered. "I know mamita." "Naku pinagtutulungan niyo na naman ako ng lola mo." "Hoy Andres wala akong kinalaman sa kapilyuhan nitong si Lyndon ha?" kumibot ang labi. Granmy is such a cute and groovy grandma. The old man went directly to his wife and caressed her so tight. "Ito namang asawa ko nagbibiro lamang ako mahal." Nakangiti si Lyndon saka dumako ang mata sa gawi ko. "Uy naiinggit ang bata!" tukso ng nobyo. I could sense that my cheek flushed. "Hindi ah!" umirap sa binata hanggang sa maramdaman na lamang ang mga bisig ng lalaki sa'king balikat saka niya hinalikan sa tuktok ng ulo. "Don't be so envy love, I'll make sure that I would become your Don Romantico everyday in our lives." he whispered. "Mas tinalo ka yata ng apo mo sa pagiging corny Andres," tumawa ang ginang kapagkadaka'y ginulo lamang ng matandang lalaki ang buhok ng kanyang asawa. Hindi maipaliwanag ang saya sa puso habang pinapanood silang nag-uusap. I suddenly visualized my future with Lyndon in the same vigor of compassion, love and gentleness like his grandparents have. Lalo tuloy gustong pag-igihan nang sa gayon maging proud ang lalaki sa mga mararating kung sakali. Gusto kong maging katulad ni Granmy Lina sa hinaharap kung saan maipaghahanda ang lalaki ng masasarap na putahe sa hapag, maging mabuting ina sa'ming mga anak habang nagpapatakbo ng sariling craft store o kaya clothing line. "Bakit kaya nakangiti mag-isa ang bata rito?" nakahawak si Lyndon sa kanyang baba. "Binubully mo na naman ang nobya mo Lyndon." "Oo nga po Granmy. Paluin niyo nga po 'yan" I sticked out my tongue. Nagtawanang ang dalawang matanda na naging dahilan upang kilitiin ako ng binata. We ran around the corner of their house while the two oldies were just watching over us. I could glimpsed happiness that surged in their two soulful eyes and I'm so grateful because they'd accepted me as part of their wonderful and very amiable family. Halos magaala-sais ng hapon nang matapos sa pakikipagkwentuhan sa dalawang matanda. Di rin pumayag si Lyndon na hindi ihatid sa mansyon kahit sa kalsada lamang malapit sa'min. "Thank you for this awesome weekend love," anang lalaki. Nakaparada ang sasakyan sa gilid ng kanto malapit sa pamamahay. "No. I should be the one to say thank you for letting me enter into your life," hinaplos ang pisngi ni Spongy Babe. "Of course love. Gusto kong makilala ka ng mga taong importante rin sa'kin dahil mahal na mahal kita," I gotten near him and planted soft kisses on his cheek. "See you again next time," "I love you. You could visit them if you want love." he might be pertaining to his grandparents. "Really?" "Yes," "Yehey! Hindi ko pa kasi nararanasang magkaroon ng lolo't lola. According to my mom, their parents passed away when I was just a little kid." kwento sa binata. "You could have them since you will gonna be my wife soon," Hindi maintindihan ang sarili kung bakit magkasabay na nasabik at natakot sa mga sinabi ng binata. "I-I should go now love," I kissed him. "I'll call you later. Bye," Bumaba sa sasakyan saka nagmamadaling lumakad sa mansyon. I was barely stepping in the front door when I saw my Dad at the balcony. Titig na titig ang ginoo sa gawi ko kaya medyo naalarma saka nagmamadaling pumasok upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang amang magtanong kung saan pumunta o ginawa buong maghapon. I'm hoping that my father wouldn't be suspicious about my activity outside the school. Ayokong madamay si Lyndon sa pagiging wala sa lugar at konserbatibo ni Daddy. SA MGA SUMUNOD na araw ay naging mas pursigido upang hindi mawala ang tiwala ng matanda. Simula ng makuha ang top rank sa klase'y unti-unting nakuha ang loob ni Daddy dahilan upang mas maging maluwag ang isang Harold Añorivas. Ito ang mga pagkakataong nakakasama ang butihing nobyo dahil pumapayag ang ginoong umuwi o umalis kahit mag-isa. Jana became my sweet escape before but since my bestfriend has a bigger responsibilities right now therefore, I have to diversify my perspective about oblivion. Palaging nag-iisa sa klase kaya kung minsan ay didiretso sa cafe' at uubusin ang oras habang nakikipag-usap kina Granmy at Granpy kapag wala si Lyndon. It was thursday afternoon and I'm sitting at my spot here in cafe' when someone covered my eyes. Naamoy kaagad ang pamilyar na pabango ni Lyndon kaya awtomatikong napangiti . "Love," "Wow that was too fast," anito. Tinanggal ng binata ang dalawang palad saka humalik sa pisngi. "Why are you getting sweeter and sweeter everyday huh?" anas ko. "I'm your Novellino, love." he winked. "Ang corny mo talaga Lyndon Santiago," bago hinarang ang workbook. Nakasuot ang lalaki nang pang-opisina animo kagagaling lamang sa trabaho. "Mukhang galing ka pang trabaho." "Ah-huh" he bitten his lips. "And why are you here?" takang tanong rito. "Just to give you this?" aniya. He's holding a bunch of papers hence I frowned. "What the heck is that?" "I printed out all these reviewers since you'll gonna have your assessments tomorrow." he whistled. Nanlaki ang mata sa effort na ginagawa ng binata lalo sa pag-aaral ko kahit sobrang abala si Spongy Babe sa kanyang sariling kompanya. Hindi biro ang maging presidente ng korporasyon base sa naoobserbahan kay Daddy hanggang ngayon. I'm so amazed if how can this man does all these things in his own palm. "You went all the way from your office just to give me those papers?" I was astonished. "May problema ba love?" he pinched my nose. "N-Nothing. I love you so much love!" "And I love my bubbly girl more and more," Naglapag si Sasha ng pagkaing madalas inoorder sa Love at 60's saka ngumiti sa'ming dalawa. Wala nga pala sina Granmy at Granpy ngayon dahil mangingisda raw ang dalawang matanda sa Batangas kasama ang kanilang mga kaibigan. "And where's your payment love?" he pouted his lips. "What payment?" I pretended innocently. Ngumuso ang binata subalit mabilis tumutok ang mata ko sa mga aklat na nakakalat sa pabilog na mesa. "Samantha!" "What?" kunwang hindi alam ang tinutukoy ng lalaki. "Your payment!" napipikong saad nito. "I dunno if what do you want?" "Fine," he folded his arms across his chest but I instantly curtailed his coat to crouch near me thus I torridly kissed him. "There my love," "Woah you'll becoming more and more presumptuous my love," nahihintakutan ang mukha nito ngunit alam sa sariling nagbibiro ang binata rason para tumawa lamang sa naging reaksyon ni Lyndon. "I know, so beware of me. Rawr!" He guffawed with my hoax then the next thing I knew it's getting dark though we were still in cafe'. Hindi namamalayang mabilis lumilipas ang oras kapag kasama ang lalaki ngunit di naman pwedeng magpagabi masyado dahil ayoko ring pagsamantalahan ang kabaitang pinapakita ni Daddy. I don't wanna ruin his trust because ruining his trust will surely my downfall and so as my relationship with Lyndon Santiago. Maagang pumasok sa eskwelahan ngunit napansing lahat ay nakatingin sa'kin habang ang ilan ay nagbubulungan. I was a bit disoriented because of the way they looked at me. Hindi na lamang pinansin hanggang sa makapasok ng classroom. Few of my classmates became quite weird with their actions until Xander Furr sauntered upon my desk. Hawak-hawak niya ang magkabilang pares ng kanyang suspender saka nakangising-aso tila may hindi magandang nangyayari. "Are you ready for our assessments Samantha?" he asked. Kumunot-noo sa mga itinatanong ng binata ngunit para hindi maging big deal ay tumango lamang dito. "It's obviously a yes especially if you have a very solid backer." "W-What do you mean?" Nanginginig ang aking labi sa mga pinagsasabi ni Xander hanggang sa tumunog ang phone ko. I had received an e-mail which enclosed some photos of my secret affair with Lyndon Santiago. It has different shots inside the Love at 60's cafe', garden, rooftop in Xi's hotel, and the last shot that would surely be the reason why they came up with some negative speculations towards my image. Makikita sa litratong binigay ni Lyndon ang kumpol ng papel na maaring paghinalaang kodigo o mga posibleng tanong sa pagsusulit. "W-Who sent these pictures?" I announced in the whole class. Nakatahimik ang lahat habang sina Matthew at Hailey ay nakikisimpatya ang klase ng tingin. Halos manginig ang tuhod sapagkat posible itong maging mitsa nang mas malaking problema. Dad will absolutely feel loathesome about me and Lyndon. "Tsk, tsk, I was very dissapointed with you Sam. Buong akala ko matataasan mo na 'ko dahil bigla kang tumalino. And now I could see that you're wiser than I thought," Xander scowled. Halos umabot 'gang bagang ang tawa ng lalaking may bakal sa ngipin bago muling bumalik ang binata sa kinauupuan nito, matapos ay saka lamang nilapitan nina Matthew at Hailey upang pakalmahin. "Don't mind that trash Samantha." ani Matt. "Yes. He's a typical loser!" umirap Si Hailey. "Do you want me to help you? I could ask Kuya Judas to investigate. We have the highest security company in Asia." alok ng kaibigan. "T-Thank you." I sighed. Naputol ang aming mga pinag-uusapan nang seryosong pumasok si Ms. Linares sa classroom. She automatically threw a meaningful glance upon me and cleared her throat. "Ms. Añorivas," "Y-Yes Ma'am?" "The Dean wants to talk to you after our assessments," "Yes Ma'am" natatarantang sabi rito. "Immediately call your parents as well," Gustong pumalahaw nang iyak sa kahihiyang nararanasan ngayong araw na 'to. Lumipas ang pagsusulit na lutang ang pakiramdam o ni hindi sigurado kung nasagutan ang lahat ng items. I even texted my parents to come over here until the class ended. "Bye Samantha goodluck with the both of us. Mukhang alam ko na kung sinong mag-rarank one ngayon. It's you again, and I'm very sure of that?" panunuya ni Xander. "Stop bugging Sam, will you Xander?" pagbabanta ni Matthew. "Why I'm just--" "You want me to drag you out in XIA?" "Fine. Bye!" nahihintakutan ang lalaking lumabas ng classroom. "It's okay Sam. This will all come to pass," he tapped my shoulder before going out in the classroom. Ilang sandaling naghintay bago nakita ang mga magulang ngunit bakas sa kanila ang kawalang malay sa buong pangyayari. "D-Dad," "Why did you call us? Are they going to give you some credits for being on top?" Dad uttered in excitement. "Congratulations anak," niyakap ng ina subalit kalauna'y may tumikhim mula sa gilid. "Mr. and Mrs. Añorivas, I'm Samantha's over-all professor," nakipagkamay ang babae. "Oh hi Ma'am. Anong maipaglilingkod namin sa inyo?" nakangiti sina daddy at mommy. Dumako ang tingin ni Ms. Linares sa gawi ko bago hinarap ang mga magulang. Halos manginig ang buong katawan sa kaba dahil maaring kasuklaman ni Daddy sa kahihiyang sasapitin lalo't kalat sa XIA ang buong nangyari. "Gusto po kayong makausap ng Dean," Tumungo kaming magkakasabay sa opisina ng pinakamataas sa XIA kung saan itinalaga ring Dean ng piling departamento. "Have a seat Mr. and Mrs. Añorivas---and you Ms. Samantha," bahagyang inayos ang kanyang antipara saka nirikisa ng ginang ang aking kabuuan. "What could be the reason of this sudden call?" anang ama saka bahagyang tumikhim ang Dean at tumango kay Ms. Linares. "Did your daughter tell you about her issues?" "What issues?" Dad frowned. Humawak lamang si mommy sa braso ng asawa upang alalayan ito. "Your daughter is having a secret affair with one of the major shareholder of this academy. Walang masama roon dahil pribadong buhay iyon ng anak ninyo--" "What did you say? Huwag niyong pararatangan ang anak ko ng masama kung wala kayong matibay na ebidensiya," nagtagis ang bagang ng ginoo. "Like I told you Mr. Añorivas we have nothing against your daughter for having this kind of illicit affair with Mr. Santiago, well that's their privacy but the mere issues here is, Mr. Lyndon gave all the items and answers which supposed to be released during the day of their assessments. And as a chairman of XIA we cannot tolerate this kind of act. Nasa top rank pa naman si Samantha na maaring maging dahilan para i-expel siya sa eskwelahang ito," litanya ng ginang. "That's bullshit!" nagbabaga ang tingin ng ama sa kinauupuan ko rason para tuluyang humulagpos ang luha sa mata. "Someone sent these photos as a strong evidence that your daughter is defrauding her assessments." dadag nito. Hinablot ni Daddy ang envelope kung saan naglalaman ng mga litratong kuha sa iba't-ibang lugar at ang pinakahuli'y noong nasa cafe' kung saan ibinigay ni Lyndon ang inihanda nitong reviewers. "What's this Samantha?" singhal ng ginoo. "D-Dad let me explain..." He threw all the photos in front of my face which caused me to tremble evenmore. "You're such a disgrace to my reputation Samantha!" dumagundong ang boses ng ama sa buong opisina. "D-Daddy nagkakamali po kayo. N-Nakikiusap po ako makinig po kayo!" I was weeping. "Amanda let's go! ---And you? solve all your problems alone," he malevolently asserted. "Daddy! M-Mommy please..." nakikiusap sa inang pakiusapan ang ginoo. "I-I'm sorry baby. Hayaan mo muna ang Daddy mong magpalipas ng galit," mababakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Tell me that you don't believe them mom," nagsusumamo sa ina. "A-Anak.." "Mommy tell me, I'm your daughter you must knew me more than anyone elses in this room!!" I mumbled. Katagala'y nasa gitna kami ng hallway ngunit naunang lumulan sa kotse ang ama saka naiwan si mommy upang pumagitna sa sitwasyon. "Mommy please..." halos manakit ang lalamunan sa pagpalahaw. "Amanda let's go!" my father shrieked at the woman. "A-Anak umuwi ka sa bahay. Doon natin pag-usapan ha?" she kissed my forehead before promptly hopped in the car. Matagal nang nakaalis ang sasakyan ng mga magulang ngunit parang wala sa sariling napasalampak sa quadrangle. Samantala, ang ilang mga estudyante ay halos kakaiba ang mga tinginan subalit hindi na mahalaga iyon dahil wala na sigurong mas sasakit pa sa katotohanan na ang sariling pamilya mo ang unang manghuhusga sa'yo. I'm not capable of doing those kind of shameful fraud deeds and of all people? Lyndon will be the first person who would hate me if I do such things. Tinakpan ang buong mukha dahil sa matinding pag-iyak hanggang sa kagyat matigilan nang may bisig na kumalong sa'kin saka unti-unting umangat ang buong katawan sa lupa habang nanatiling nakapikit ang mata. "I'm always here bubbly girl," the man confided. When I opened my eyes the only person I have beheld was him. I couldn't able to speak but my eyes was full of tears because of too much emotion for the fact that he'd never failed his promises, that he's always be with me in any different journey or phases of my life. "L-Lyndon," "They will surely pay for what they did. Big time," then his jaw clenched. "Si Daddy...g-galit sa'kin si Daddy," napahagulgol. "Shh. love don't worry everything will be alright," he became soft after. "I'm scared," "Ginagawan ko ng paraan para ma-trace kung sinong may gawa sa'yo nito. I will sue whoever did this to you!---I'm going to explain everything to your dad," "N-No he'll probably hurt you," "We have to apologize Samantha," giit nito. Karga pa rin sa hallway ni Lyndon habang nagsisitaasan ang kilay ng ilang kababaihan na karamiha'y seniors dahil sa ayos naming dalawa hanggang sa mailagak niya sa pagmamay-aring sasakyan. Balak niyang kausapin ang dean sa mga susunod na araw para patunayang reviewers ang inabot sa'kin at hindi kung anupaman. "L-Lyndon I'm scared," "Don't be bubbly girl 'coz I'm just here right next to you. I had promised you that I'll be going to fullfill your dreams, right? And I tell you, the first step will be very hard but you just have to trust the process," hinawakan ng binata ang aking kamay saka dinala sa labi habang nagmamaniobra ang kabila. Maya-maya'y nakarating kami sa tapat ng mansyon saka mabilis pinapasok ni Manong George subalit kakaiba ang naging reaksyon nito sa binata. "Señorita galit na galit po si Don Harold," imporma ng katiwala. Hindi nagawang kumibo dahil nanginginig ang tuhod sa nararamdamang takot. "Relax love," hinawakan ni Lyndon nang mahigpit ang aking kamay saka dumiretso sa maindoor ngunit pagkabukas pa lamang ng pinto ay bumungad na'ng galit na galit na ekspresyon ng ama. "Anong ginagawa ng lalaking 'yan sa pamamahay ko!" singhal ni Daddy kaya napahawak ang ina sa braso ng ginoo. "D-Dad..." "Sir I can explain--" hindi naituloy ang dapat sanang sasabihin ni Lyndon nang umunday ang kamao ni Daddy sa pisngi nito. "Harold tama na!" awat ng ina. "Daddy please. It was all my fault!" "Lumayo ka sa lalaking 'yan!" "No Daddy!" Sapu-sapo ng nobyo ang kanyang bibig na nagkaroon nang kaunting bahid ng dugo. "S-Sorry love," I sobbed. "I'm fine," he smiled at me. "No you're not," naiiyak na saad sa lalaki dahilan upang maglakas-loob na manindigan matapos alalayan si Lyndon makatayo. "Is that all you can do Dad huh?" untag sa ama. "Natututo ka nang sumagot ngayon. Iyan ba ang tinuro sa'yo ng lalaking 'yan? I don't care if he's also a businessman or whoever he is, as long as you're under my responsibility I should be the one who choose the person you will marry someday," "At hindi iyon mangyayari Daddy dahil hindi mo 'ko madidiktahan sa kung sinong mamahalin ko." ganting sigaw dito. Lyndon tried to mediate the conversation but I refused. "At sinong gusto mong lalaki? That man who taught you how to cheat just to be on top?" Don Harold sarcastically muttered. "Porket nakakita kayo ng litrato naniwala na kayo kaagad. Ako ang anak ninyo pero bakit mas naniniwala kayo sa ibang tao? Hindi ko magagawa ang gano'ng bagay Daddy. I made some huge effort for those nights that I sacrificed my health just to attain your expectations, your approval and Lyndon helped me to overcome those struggles. He bought me new workbooks, create my reviewers eventhough he's also busy as hell, he ran some sessions with all my subjects. Tinulungan niya 'kong tuklasin ang mga kakayanang hindi ko nakikita dahil natatakot akong magkamali, natatakot akong makita mong wala akong kwentang anak dahil babae ako. Di tulad ng inaasahan mong magiging anak mo sana. It's not my fault either..." Natigilan ang ama saka nagmamadaling tumalikod upang pumanhik sa taas kasunod ang ina. "A-Anak give your Dad some time. Iho I'm so sorry with what my husband did to you, he's just very impulsive especially if its about his only daughter." hinging-paumanhin ni mommy. "I'm fine tita. I understand," he smiled. "Iha tawagin mo si Yaya Gina para ihanda ang first aid kit. He must be very hurt..." anang ina saka tuluyang sumunod sa esposo. "O-Opo mommy," tumalima para tumungo sanang kusina matapos paupuin ang binata sa sala. "Love, I'm fine," natatawa si Lyndon "Don't convince me coz I do have my two bulge eyes which will never lie," singhal dito. "You become more prettier in my eyes, did you know that?" he beamed. "Nagagawa mo pang mangbola kita mo nga 'yang labi mo," sita rito. "Did you know that I'm about to halt you in the middle of your heated conversation with your Dad? And then, eventually french kiss you in front of them because I'm so proud of you for being a woman with her own perspective about love?" "Ang dami mong satsat love, pupunta na 'ko sa kusina para malapatan na 'yang labi mo." anas dito. "Just kiss me and it will be faded," he winked. "Nakuha mo pa talagang magbiro ng ganyan, Lyndon Santiago ha?" nameywang sa harap ng binata. The lad just chuckled and pulled me closer to him then he planted three soft kisses on my ledges. "Oops, I tasted my sweet antidote therefore, I am now stronger than before." he smirked and showed-off his lean biceps. " Your corny jokes is waving, like hello?" I glared at him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD