Five years Later…. NAKAUPO ako sa buhangina at yakap ko ang mga tuhod habang nakatanaw ako sa Karagatan. Sa bawat hampas ng alon ay ang pait at hinagpis ng nakaraan ang bumabalik saaking gunita. Ang sugat na iniwan ko sa pagkatao ng lalaking pinakamamahal ko, ang pagkamatay ng anak ko. "Miss Deleon, masilan ang pagbubuntis mo, makakasama sa ‘yo ang ma-estress kaya iwasan mo ang malungkot." Habilin ng Doktora sa akin. At sa kalagitnaan ng tahimik na gabi ay malakas akong napadaing kaya agad akong dinala sa hospital ni Marco at doon ay napaanak ako nang wala sa oras at ng lumabas ang bata ay wala na itong buhay. Isang taon ang nakalipas. Nanatiling akong nagkukulong sa isang madilim na sulok ng kuwarto at tanging pagtangis ko at sigaw ang bubungad kay Marco. Dinala niya ako Sa Aust

