Katarina’s POV KINABUKASAN nagising ako nang wala sa aking tabi si Carina kaya kinabahan na ako. Lumabas agad ako ng kuwarto at tinatawag ang pangalan ng aking anak. Pero hindi ako sinasagot. “Carina, anak? nasaan ka?” nilakasan ko na ang aking boses hanggang sa nakalabas na ako ng mansyon at doon ko nakita ang anak kong nagtatampisaw sa swimming pool. “Anak, anong ginagawa mo?” wika ko at agad kong kinuha si Carina na nakasakay lang sa salbabida at doon sila banda sa gelid kaya hindi ko na kailangan pang lumusong. “Naglalaro lang kami, nanay.” Nakangiti ang anak ko kaya napangiti na rin ako. “So you’re the mother. I’m Steve, nice to meet you.” Nagulat ako sa boses sa aking harapan. Matangkad, maputi at malaki ang katawan at napakaguwapo. “Ako po si Katarina, nice to meet you

