Hinatid ako ni Doc sa school. May kukunin raw siya sa Dean ng OB/Gyne Department kaya siya sumabay sakin. "Why are all the guys here staring at you?" Tanong niya. Napamasid ako sa paligid. Pansin ko yung mga mata ng mga kalalakihang nakatingin sakin habang naglalakad kami. Sanay na kong ganito sa araw araw kaya parang wala na sakin yun. "Campus crush kasi ako dito!" Pang-aasar ko sa kanya. Naiinis kasi siya at nakakatuwa siyang makita na naiinis habang pinagtitinginan ako ng mga kalalakihan. "Tss, ang sarap tusukin ng mga mata eh!" Tumingin siya sakin. Maya maya ay hinapit niya ko sa bewang. Kumapit siya sa bewang ko habang naglalakad kami. "Lab ano ka ba!? Hindi tayo pwedeng ganito dito. Nasa school tayo at Professor ka dito!" Gusto ko sanang tanggalin ang kamay niya sa bewang ko kas

