Pumikit ako para hintayin ang paghalik niya. May ilang sandali pa bago ko maramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Smack kiss lang ang ginawa niya. Napamulat ako ng mata. Nakangiti siya habang nakatingin sakin na parang nakuha na niya ang sagot sa tanong niya. Hahalikan niya uli ako sa labi ng may marinig kaming tumatawag sa pangalan ko. Nabosesan namin si Mang Arnold na caretaker ng resthouse. "Hinahanap na tayo! Baka nag-aalala na sila!" Wika ko. Parang naalangan pa siyang kumilos. Siguro dahil may gusto pa siyang gawin. Tumayo na ko at kinuha yung damit kong nakasabit. Kumilos na rin siya. Lumabas na kami sa bahay-kubo matapos naming magbihis. Binuhat niya uli ako hanggang sa makarating kami sa resthouse. Pagdating sa bahay sinalubong kami ng mga kasama namin na sobra ang p

