CHAPTER 22 "Saan mo ba kasi ako dadalhin? Baka mamaya ihulog mo na lang ako sa bangin. Knowing you ay baka gusto mo na 'kong burahin kaagad sa buhay mo dahil baka sawa ka na sa akin." I keep on ranting about nonsense while Tres and I both riding a horse going to who knows where. Inaya niya kasi akong lumabas ng palasyo nila. Hindi rin naman niya binabanggit kung saan kami papunta o kung iuuwi niya na ba ako o ano. Madilim na dahil mag-a-alas otso na ng gabi at nakakabahala ang biglaang pagyaya ni Tres sa akin na lumabas kami. Oo at walang itulak-kabigin ang ganda ng buong lugar na 'to pero nangingilabot ako rito sa labas. Parang nasa liblib na kami na farm. "Sawa? Don't say that, A. It's an insult to me. Hindi tayo hahantong sa ganito kung alam kong magsasawa rin ako saiyo. Please d

