(Haidei POV)
"Ready?" tanong ni Stan sa akin.
Hinawakan ko ang baril ko ng napakahigpit at tinangu-an siya.
Papasok na kami sa building kung saan nasa loob daw si Kobie.
Nagpasalamat ako dahil sinama niya ko sa misyon na to. Siguro nakulitan sa pamimilit ko kaya sinama na ako.
Sinipa na ni Stan ang pintuan at nauna na akong pumasok.
"Ingat," rinig kong bilin ni Stan.
Pagpasok ko ang dami palang tauhan ni Liam sa loob. Mga nasa 100 mahigit tapos kami lang dalawa.
Damn! Kung minamalas ka nga naman
"Shoot them, both hands!" sigaw pa ni Stan at nagsimula ng bumaril pinapatamaan ang mga kamay ng kalaban.
Baril ako ng baril, papalapit ng hagdan. Talikuran kami ni Stan. Paikot ikot! Mabuti na lang at nagsanay ako para dito. Mabilis ang mga galaw ni Stan pero nasusundan ko naman.
Mga kamay lang daw ang patamaan ko. Nauna na ako papunta sa elevator at pinindot ito habang nakikipagbarilan pa si Stan sa mga tauhan ni Liam sa unang palapag.
Nagulat ako nung biglang may sumulpot sa tabi ni Stan at sinipa ang baril nito.
Nakipagkarate na si Stan sa lalaki at ako na lang ang nagpatuloy sa pagbaril ng mga natira pa hanggang sa naubos na ang mga ito.
Tinutok ko ang dala kong baril kay Stan at sa kalaban niya pero mabilis ang kilos nila kaya di ako makabaril. Kinapa ko ang knife na dala ko sa likod ko kinuha ito at sinayt ang kalaban ni Stan.
Nung sakal sakal na ito ni Stan pinosisyon ko na ang kutsilyo para ibato sa kalaban.
"Gatchaaaa," tapon ko ang kutsilyo at laking gulat ko nung gumalaw si Stan at sa balikat niya tumama ang kutsilyo ko.
"Ops, sorry!" turan ko at napangiwi pa. That hurts.
Tiningnan nito ang kutsilyo nakaturok sa balikat niya at tiningnan ako.
Napailing ito sabay hulog nung kalaban niya pababa.
Hinugot nito ang kutsilyo at naglakad na papunta sa akin.
"Seriously. Nice throw," kantyaw niya abot ang kutsilyo ko.
"WALANG GAGALAW KUNG AYAW NIYONG PASABUGIN KO ANG ULO NG LALAKING TO!" Boses ng lalaking narinig ko sa phone nung katawagan ko si Kobie! Si Liam ang leader ng VS.
Lumingon ako.
Nasa loob ng elevator sila at nakatutok ang baril ni Liam sa ulo ni Kobie.
Binitawan agad namin ni Stan ang dala naming baril at kutsilyo.
Napalunok ako. Wrong move! Stupid action!
Nilapitan na kami ng mga tauhan ni Liam at pinosas ang mga kamay namin.
"Stan, about the knife. Sorry," bulong ko tukoy ang kutsilyo kong bumaon sa balikat niya kanina.
"Ayaw kong pagusapan, halata namang sinadya mo," halatang badtrip na saad niya at naglakad na papasok ng elevator.
Inisip niya ngang sinadya kong patamaan siya. That's not my intention!
***
Magkaharap na kami nina Stan, Kobie at Liam sa isang table.
"Since were here, lets settle things once and for all," pahayag ni Liam.
"I don't want to waste time, so tell me what you want in exchange of Kobie Perez," deretsong bukas ni Stan sa usapan.
"Pakawalan ko si Kobie kung mangangako kayong di makikialam ang Stys at Ruffians sa mga pamana ng Varlet," sagot naman ni Liam.
"Pero karapatan ni Kobie na makisali bilang nag-iisang tagapagmana," reklamo ko.
Tiningnan ako nina Stan at Kobie kaya umiling na lang ako at nanahimik.
"You know what Liam, I told you already. I don't want to be a part of VS," pahayag ni Kobie.
"Alam ko, pero kahit na. Kailangan paring ikaw ang magtalaga sa akin bilang bagong pinuno ng Varlet," panigurado ni Liam.
"Ako at ang Stygians ay walang paki-alam sa issue ninyo, okay. At halata namang walang interest si Perez sa VS, kaya wag kang mabahala o mapraning. Sayo na ang VS. Hanggat di mo pinakialam ang Stys, nangangako akong iwasang makigulo sa VS." pahayag ni Stan.
Nakinig lang ako sa seryosong usapan nila.
"Siguro ngayon wala, but things can change, right Kobie?" sabi ni Liam baling si Kobie.
"I told you Flores, wala akong pakialam sa VS!" naiiritang saad ni Kobie nakatingin sa akin.
Sa ngayon ramdam kong kontrolado ni Liam ang mga bagay bagay plus teritoryo niya ito kung saan kami nakatayo.
Wala ba talagang paki si Kobie sa Varlet Society? Tingin ko kase interesado siya eh. Tama si Liam, things can change.
Malakas ang kutob kong makikisali si Kobie sa VS at alam kong nararamdaman din ni Liam yon dahil si Kobie parin ang nag-iisang tagapagmana ng grupo!
Kilala ko si Kobie. Matagal ko na siyang kasama at siya halos lahat ang nagturo sa akin halos lahat kung paano makipaglaban. Sinasamahan niya ako palagi at pinoprotektahan.
Ang Kobie na nagturo saa king bumaril, karate, self defense at paghawak ng kutsilyo.
Ang Kobie na nagprotekta at nag-aalaga sa akin taon na.
"Flores, maasahan mo ang supporta ko at ng Stys sa Varlet, iwan ko lang sa Ruffians. Kaya kung tapos na to, uuwi na kami at isasama namin si Perez," pahayag ni Stan at tumayo na halatang bored na sa usapan.
"Next week ang pagtalaga ng bagong leader ng Varlet at gusto kong nandoon ka Kobie upang ikaw mismo ang magtalaga sa akin bilang bagong leader," panigurado ni Liam.
Tumayo na rin si Kobie.
Malakas talaga ang pakiramdam kong hindi i-aapoint ni Kobie na head ng Varlet si Liam, mukhang gustong pamunuan ni Kobie ang Varlet. Kitang kita ko sa mga mata niya! Makikisali nga siya kung ganon!
"It's settled then. Uuwi na ako para magamot tong mga sugat ko. Lets go Haid," sabi ni Stan hila ako patayo.
"She's not going with you," pigil ni Kobie pinigilan ang kamay ni Stan na may hawak sa akin.
Tiningnan ni Stan ng masama si Kobie.
"Alam mo Perez, ako at si Haidei ay may kasunduan. Tutulungan ko siyang iligtas ka kapalit non ay magiging akin siya. At ngayong mukhang ligtas ka naman oras na para mapasa-akin na siya! Bilang kabayaran sa kaligtasan mo," pahayag ni Stan.
"Ano?!" Di makapaniwalang usal ni Kobie at tiningnan ako.
Napayuko na lang ako.
"Be sure not to interrupt us again Liam. I'll clean all the mess I've done here today. I can't manage any disturbance again from you, or else," banta ni Stan kay Liam.
"So, you think you are doing me a favor?" pilosopong usal ni Liam.
"Mission done, I'll take her with me," dagdag pa ni Stan hila na ako.
"Sa ngayon lay low na muna ako at palagpasin ang panggugulo niyo sa araw na to, pero once na manggulo kayo sa anointment, kalimutan ko lahat na napag-usapan ngayon," banta din ni Liam.
"Copy, just don't bother Kobie Perez anymore. And Kobie, bear in your mind that Haidei is mine, ako na bahala sakanya simula ngayon at di ka na niya kailangan," diin ni Stan hinarap si Kobie.
"Shut up Stan, how can you decide on your own. I'm not a thing. How can you say you own me?!" singhal ko hablot ang braso ko.
"Our deal is done, don't tell me you turn your back now!" sabi ni Stan at umismid. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya.
Looks like Stan is in control now.
"Napagusapan na natin to at mukhang tapos na, kaya mamayang gabi maniningil na ako," bulong niya bago ako tuluyang hinila pa-alis sa silid na yon.
Nakasunod naman si Kobie sa amin. I'm glad he is safe for now.
Napatingin na lang ako sa dumudugong balikat ni Stan.
Kahit kailan talaga baliw ang lalaking to!
***
To read this full, download G00dN0vel app and follow me there, MaidenRose7, see you there.