Chapter 5

1360 Words
It was already nine in the evening when Eloise and Estevan decided to go home. Malakas ang buhos ng ulan at mukhang wala itong planong tumigil kaya kinailangan na nilang umalis. Nasa paanan na sila ng hagdan nang biglang sumulpot si Elias galing sa dining area. "You're leaving already?" tanong nito gamit ang kalma at kaswal nitong tono, pero may kung anong lalim ang hatid nito. Eloise stiffened. She didn’t even have to look back—ramdam na niya kaagad ang titig ni Elias sa batok niya, malamig at parang may gustong tuklasin. "I have an important meeting tomorrow," sagot ni Estevan, mababa ang tinig niya, pero may bigat at pagtatapos sa bawat salita. Pero siyempre, hinding-hindi ‘yon papayagan ni Elias. "Sayang naman," tuloy nito at huminto mismo sa harap ni Eloise. He threw her a glance before continuing. "You rarely visit, and the weather’s terrible tonight. Dangerous even. Might be better if you stay." Napakagat si Eloise sa loob ng kan’yang pisngi, tahimik na nagdadasal na sana’y hindi pumayag si Estevan. It sounded rational and logical, yes. Safe, kung ibang tao ang magsasabi. Pero kay Elias? It felt like bait. Like he was laying a trap with a smile. "We're fine," sagot ni Estevan, pero mas mahina. Biglang kumulang sa tibay. “I agree with Elias,” singit ni Mrs. Foreman na pababa ng hadan. “The storm’s getting worse. Just stay the night. Your room is still exactly as you left it, Estevan. And Eloise can stay in the guest suite beside yours.” Beside. She silently scoffed. Parang sinadya. Parang planado. Her stomach suddenly twisted. That was too smooth. Parang napagplanuhan talaga. She glanced at Estevan, expecting him to say no. To refuse, to argue. Pero hindi. Tumahimik lang siya. Nakatitig lang sa kawalan, then with a slight nod, he said—"Fine. Just for tonight." Bumagsak ang balikat ni Eloise. Not out of relief, but out of dread. Lalo na nang naispatan niya ang pagngiti ni Elias na para bang may ibig sabihin.. THE GUEST ROOM was beautiful. Cream-colored walls, ambient lighting, and expensive linen. Pero para kay Eloise, para siyang nakakulong. No matter how grand the room is, hindi pa rin niya maitangging hindi siya komportable sa bahay na ‘yon. Nakatayo siya sa tabi ng bintana, yakap-yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang pag-agos ng ulan sa bintana. Tuloy-tuloy ang bagsak ng ulan, parang wala talang planong tumigil at sang-ayon yata sa kung ano mang pinaplano ni Elias. Umiikot sa isip niya ang mga sinabi nito. Ang mga tanong, ang tono ng boses, tila bawat salita’y karayom na unti-unting tumatagos sa ilalim ng balat niya. At ang paraan ng pagtitig nito sa kan'ya, parang alam na agad niyang nagsisinungaling siya. She took a shaky breath. The room felt colder than it should have. This is what you wanted, she reminded herself. You’re inside. You’re in their world. This was the goal. Pumasok siya sa pamilya para sirain ang isa sa mga anak nito. Para ipaghiganti ang kapatid niyang binuntis at iniwan ng isa sa mga magkakapatid na Foreman. But what she didn’t plan for...was how it would feel. How suffocating it would be. How real it would become. Hindi lang basta plano ang dala niya—bitbit niya ang galit, ang hiya, at ang sakit ni Elizabeth. Lahat ng iyon, nakasiksik sa puso niya, kumakain sa kan’ya tuwing naiisip niyang wala pa siyang napapatunayan. You can’t break now, bulong ng konsensiya niya. Ilang sandali pa, nakapagpalit na siya ng damit. Isang maluwag na puting shirt at cotton shorts na hiniram niya mula sa drawer sa loob ng banyo. Malinis, mabango, pero hindi niya magawang kumalma. Her nerves were still alert. Eyes were on edge. Parang kahit anong oras, may mangyayaring hindi niya gusto. Then a soft knock startled her. “Eloise?” It was Estevan. She hesitated but eventually walked to the door and opened it. Nakatayo ito sa labas, suot ang dark gray shirt at black pajama pants. Bahagya pang mamasa-masa ang buhok nito. May katahimikan sa kan'yang mukha, hindi na tulad ng dati na may pag-iingat, kundi pagod na pagod lang. "Can I come in?" Tahimik siyang nagbigay ng daan. Dahan-dahan naman itong pumasok, gumagala muna ang paningin sa buong silid bago tuluyang tumigil sa kan'ya. "You okay?" She looked down at her hands as she clenched them unconsciously. "Not really." Tumango lamang si Estevan, saka muling binalot ng katahimikan ang silid. Wala na itong ibang sinabi, diretso lang na umupo sa gilid ng kama. Ilang sandali ring walang nagsalita sa kanila. Ang tanging maririnig ay ang ulan sa labas at ang paminsan-minsang langitngit ng lumang mga dingding. Kalaunan ay hindi na napigilan ni Eloise ang magtanong, "Do you always let him win?" "I don't let him win. I let him believe he does." That made her look at him. “So this... us staying here tonight... what is it to him? A victory?” Sinalubong ni Estevan ang tingin niya. "A move." She sat down beside him, close but not touching. "Why didn’t you warn me, Estevan? About how far he'd go?" His jaw tightened. "Because I didn’t know how far you’d go either." The words hit harder than she expected. He didn’t say it like a challenge. He said it like a truth. Like a confession. Tumayo muli si Eloise at muling lumapit sa bintana. Sa salamin, naaninag niya ang sariling repleksyon—maputla at tila mas maliit kaysa dati, parang isang taong tahimik na pinapanood ang sarili niyang unti-unting gumuguho mula sa loob. “This whole plan was supposed to be simple,” she murmured. “But nothing about this family is simple, is it? They’re not just complicated. They’re dangerous.” Tumayo si Estevan at marahang lumapit sa kan'ya. “Which is why I brought you here. To see it for yourself.” She didn’t move. Ramdam niya ang init ng katawan nito kahit hindi sila magkadikit. “You held your ground tonight,” he murmured. “Better than I expected.” She inhaled and replied, “that makes two of us.” Nang bigla niya itong nilingon, hindi niya inaasahang sobrang lapit pala nito. He was so close that his scent lingered in her nose. It was rich, dark, masculine, and a little too inviting. “Estevan...” wala sa sariling naibulong niya ang pangalan ng binata. Ilang segundo siyang tinitigan ni Estevan gamit ang mga mata nitong tila nangungusap. “I shouldn’t be here,” he mumbled suddenly. Pero hindi siya umatras o gumalaw man lang sa kinatatayuan. Eloise blinked. “Then go.” But neither of them moved. Dahan-dahang iniangat ni Estevan ang kamay at hinaplos ang kan'yang pisngi. Malambot at mainit ang haplos nito. Hindi siya umiwas. Ni hindi siya huminga. Hinanap ng mga mata nito ang mga mata niya, at sa isang iglap—ilang sandali lang—parang naglaho ang lahat sa paligid. Wala si Elias, wala ang plano. Just him. Just this. Namura ni Eloise ang kan’yang sarili sa isipan. What the hell was that, Eloise Manalo? “You want me to stop?” bulong bigla ng binata. Hindi siya sumagot. Because truthfully, she didn’t know. Estevan leaned in, so slow, so maddeningly slow. Bahagyang sumayad ang labi ng binata sa labi ni ELoise, at nagsalubong ang mabibigat nilang mga hininga—mainit, mabigat, at puno ng damdaming tila pilit na kinikimkim. She wanted to step back...or forward. Anything. But her legs stayed numb, her brain even worse. At nang akala niya'y hahalikan na siya nito, bigla itong umurong at umatras ng isang hakbang. Umawang nang bahagya ang mga labi ni Eloise dahil sa ginawa ng binata. “Goodnight, Eloise,” he murmured under his breath . And just like that, he turned around and walked out, gently closing the door behind him. But it wasn’t gentle enough to silence the storm raging inside her. Nanatiling nakapako si Eloise sa kinatatayuan niya, unti-unting idinampi ang mga dulo ng daliri sa kan'yang mga labi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata kapagkuwan at tahimik na pinaaalahanan ang sarili kung bakit siya nandito. Stick to the plan, Eloise. Don't fall now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD