Tahimik na isinara ni Estevan ang pinto ng isa sa mga k’warto ng yate. Doon sila magpapalipas ng gabi at bukas na uuwi.
The room was a quiet luxury, lit by the soft amber glow of built-in lights. Mahogany walls and a king-sized bed dressed in dark linens. Sa labas, maririnig pa rin ang ugong ng alon.
“Nice room,” Eloise said, her voice soft.
“It does the job.” He poured himself a glass of water. “You want anything?”
“Water’s fine.”
Sinalinan din siya nito ng isang baso at iniabot ito sa kan'ya nang walang sinabi. Sa mismong sandaling nagdikit ang mga daliri nila, kahit saglit lang, parang may nabago sa hangin. Parang may kuryenteng dumaloy sa kanilang mga daliri, banayad pero sapat para mapasulyap siya sa binata.
Doon niya siya naabutang nakatingin na rin pala. Walang kahit anumang reaksyon ang nakaguhit sa mukha nito. Just that quiet, unwavering gaze that felt far too intimate for the silence they were in.
Sumikip ang dibdib niya, dahil hindi lang iyon sa tingin. Kundi sa katahimikang kasama nito. Sa paraan ng pagtingin ni Estevan na parang mas marami pa siyang nakikita kaysa sa mga pinipili niyang ipakita. Parang sa isang iglap, nahubaran siya ng lahat ng depensa. And yet, she couldn’t look away.
“Thanks,” she muttered, sipping to steady her nerves.
Tumayo siya malapit sa pader, maluwag ang pagkakahawak ng mga daliri sa baso ng tubig na iniabot ni Estevan.
Umupo si Estevan sa tabi ng bintana, isang braso ay nakasandal sa armrest, ang isa naman ay hawak ang inumin. Mukhang kalmado lang ito, but Eloise knew better. He was never really relaxed.
“You always that...dramatic?” Sinubukan niyang magbukas ng usapan, naghahanap ng paksang pwedeng pag-usapan nila.
"What do you mean?"
"No'ng kay Lucien."
Estevan heaved a sigh. “Only when someone pisses me off,” he said, taking a sip of his drink. “He talks too much.”
“Flirts too much,” she corrected, one brow raised. “Pero mukhang sanay ka na sa mga katulad niya.”
“I am,” he said, his eyes lingering on her. “But you’re not.”
“Wow." Marahan siyang napaubo. “You think I can’t handle men like him?”
He shook his head. “I think men like him don’t deserve your time.”
Bahagyang natigilan si Eloise sa sinabi nito at nagtagpo ang kanilang mga mata. And for a second, neither of them spoke.
Eloise looked away first. “You didn’t have to step in like that. I can take care of myself.”
“I know,” sagot niya. “Didn’t do it for you.”
She blinked. “Then for whom?”
Estevan took his time answering. “For me.”
There was a weight to those two words. Hindi siya sigurado kung anong klaseng bigat, but she felt it.
“You’re not what I expected,” she said quietly.
“You say that like it’s a good thing.” Bahagyang umangat ang dulo ng mga labi ni Estevan, pero parang hindi iyon napansin ni Eloise.
“I haven’t decided yet.”
“Then why are you still here?”
Nagkibit ng balikat si Eloise. “Same reason you haven’t asked me to leave.”
His lips twitched—almost a smile, but not quite. “Fair.”
Dahan-dahan namang umupo si Eloise sa one-seater na sofa sa kabilang bahagi, saka sumandal dito. Ang mga daliri niya ay naglalaro sa rim ng baso. “Have you ever done this before?”
“Do what?”
“This..." She gestured around the suite. “Bring someone here. Talk like this.”
“No.”
Umangat ang kilay ni Eloise sa narinig. "Sa dami ng naging girlfriend mo?"
He shrugged slightly, his voice low. “They were for company. Distraction. Pleasure, maybe. But I never brought them here. I never talked to them like this.”
Saglit na natigilan si Eloise. “So bakit ngayon?”
He met her eyes, as if studying her reaction. “I don’t know.”
She looked at him for a long second. “That’s the most honest thing you’ve said all night.”
“I’ve been honest,” he said.
“You’ve been careful,” sagot niya, ang mga mata ay nanliliit. “That’s different.”
Matagal silang tumahimik pagkatapos noon. Saka yumuko si Estevan pasulong, ang mga siko nakasuporta sa kan'yang mga tuhod. “You said I laughed earlier.”
“You did,” she said, tilting her head. “And you hated it.”
“I didn’t.”
That surprised her. “No?”
“No,” ulit niya. “I just forgot how that felt.”
Her chest tightened unexpectedly. Binasa niya ang kan’yang mga labi, nag-iisip.
“You talk like you’ve lived through too many wars,” sabi ni Eloise, ang boses niya’y banayad na. “Pero wala kang sugat.”
“Not the kind you see,” he murmured.
Again, silence fell. But it wasn’t empty. It was heavy.
Tumayo si Eloise, dahan-dahang nilapitan si Estevan. Huminto siya eksakto sa harap ng kinauupuan nito, naiwan na sa mesa ang hawak niyang baso.
“You keep looking at me like I’m some kind of...risk.”
“You are," diretsong sagot ng binata.
“And yet you’re still here.”
Estevan looked up at her. “I told you. I don’t like being caught off guard.”
“So stop fighting it,” she mumbled, barely above a whisper.
Hindi ito gumalaw. Ni hindi nagsalita. Pero dahan-dahang umabot ang kamay nito hanggang sa maramdaman niyang dumampi ang mga daliri nito sa pulso niya.
Ramdam ni Eloise ang init na hatid ng hawak na iyon ng binata.
Then she inhaled, sharp and quiet. “Estevan…”
“You don’t scare easily,” he stated.
She bit her lower lip before responding. “I really don’t.”
“Then stay.”
Ilang segundo niyang tinitigan si Estevan na para bang tinitimbang pa niya ang mga bagay-bagay, ngunit sa huli ay unti-unti rin siyang tumango.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang may di nakikitang puwersa na pilit siyang pinipigilan na umalis, kahit walang salita mula kay Estevan.
At nang tumayo ito, walang pagmamadali, na para bang matagal nang napagdesisyunan bago pa man sila pumasok sa silid na ito.
Dahan-dahang inilapag ni Estevan ang baso ng tubig sa katabing mesa.
Hindi pa niya siya hinahalikan. Nakatayo lang siya sa harap niya, sapat na ang lapit para maramdaman ni Eloise ang init ng kanyang hininga, at ang tensyong umaalimpuyo sa pagitan nila na parang hinigpit na alambre.
Halos isang bulong na lang ang tinig niya. “You’re still holding back.”
“And you’re still tempting me to stop.”
Ilang sandali pa ang lumipas. Saka dahan-dahan… walang pahintulot, walang babala… hinalikan ni Estevan si Eloise Hindi sa paraang sumisigaw ng pag-aari, kundi sa paraang nagsasabing I’ve been waiting for this. I didn’t want to. But I did.
And she kissed him back—not because it was safe, but because it wasn’t. And maybe that’s what made it impossible to resist.